Kabanata 14.

16.1K 428 16
                                    



"I MISS YOU.


Natawa ako. Despite our hectic schedule because exams are coming, hindi nakakalimutang magparamdam ni Clyde. Just like today, we haven't seen each other the whole day because we're both busy studying our ass off. Lalo na ako. I'm not as intelligent as he is.


Last time, when Clyde invited me to join their family dinner, grabeng pagdadahilan talaga ang ginawa ko para lang hindi makasama. Hindi dahil sa ayoko kung hindi dahil alam ko na once na sumama ako, everybody will know the relationship that Clyde and I have. Hindi rin sa itinatago ko. I just don't find it right to join their family dinner knowing that we're still trying to figure out if this relationship will really work. Ang gusto ko kasi, kapag humarap ako sa pamilya ni Clyde ay buong-buo na ang loob ko.


I don't want to face them and introduce myself as Clyde's girlfriend halfheartedly.


Nagsulat din ako sa white board ko at inilagay iyon sa bintana bago mabilis na isinara ang kurtina. Ayoko makita si Clyde. I need to study hard and seeing him will only distract me from studying.


"I STILL NEED TO STUDY. SEE YOU WHEN I SEE YOU."


Palagi ko kasing naaalala iyong kamuntik ng nangyari sa amin ni Clyde sa condo niya noong isang linggo. Mabuti nalang talaga at may mga bata na walang magawa at pinaglaruan ang doorbell ni Clyde dahil kung hindi, baka mas lalo akong hindi makapag-focus ngayon sa pag-aaral.


I know we're running out of time. But despite the short time we've spent together, may isang bagay akong napagtanto. Isang bagay na kailanman ay hindi ko inasahan at isang bagay na ayokong bigyan ng pangalan.


Hindi ko kasi talaga inakala na darating pala iyong araw na habang tinitignan ko si Clyde, bumibilis ang tibok ng puso ko.


I don't know if it's because of what happened in his condo but I know, even before that, I've already decided that my place isn't in Dwight's arms nor Andrae's. Sigurado ako sa bagay na iyon. Right now, what I am not sure of is that if I am really belong to Clyde's arms.


Clyde and I always fights. Hindi yata mabubuo ang isang araw na wala kaming pinagtatalunan. Lahat nalang kasi ay napapansin ng lalaking iyon. Pati ang pagkain ko ay palagi niyang pinupuna. Kasalanan ko ban a mahina akong kumain at para siyang patay gutom kung kumain? Palagi nalang kasi niyang pinagkokompara ang kain naming dalawa. Hello?! Ang laking tao niya kaya!


"Aaaah! Nakakaloka!" Ako na rin ang sumabunot sa sarili ko para naman malaman ko kung totoo ba ito o patay na ako.


Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang makarinig ako ng tatlong katok. Hinintay ko iyong bumukas hanggang sa iluwa niyon si Sunny. As usual, nakasibangot na naman ang cute kong kapatid.


"Ate, Kuya Clyde's here. Should I send him here?"


Napatingin ako sa suot ko. I'm on my pair of Mickey Mouse pajama. Maayos naman at hindi nakakaakit that's why I nodded to my brother.


Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon