Kabanata 3

19.8K 472 12
                                    

Join our fb page!! 😊
https://www.facebook.com/groups/328450067513749/

•••••

I hesitantly woke up upon hearing Sunny's voice outside my room. Bakit ba ang persistent ng batang iyon manggising? Every weekends, siya ang gumigising sa akin kaya kahit gusto kong mag-over sleep, hindi ko magawa. Pagsapit ng alas otso ng umaga, kinakatok na niya ako parati.

"Ate! Kuya Dwight's waiting downstairs. Get up already!" sigaw pa niya.

I blinked twice at napaisip. "Si Dwight? Ano naman ang gagawin ng isang iyon dito ng ganito kaaga?" kausap ko sa sarili ko.

Bumangon na ako para maghilamos at mag-tooth brush. Hindi na ako nag-abalang magsuklay o mag-pulbos man lang ng mukha dahil hindi naman kailangan. Nasa bahay lang naman ako. Isa pa, kailan ba ako nag-ayos? I don't even need to wear make-ups just like the other girls in my age.

Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko, biglang may pumutok kaya napatakip ako ng tenga at napa-pikit.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday..."

Pagkanta nilang lahat. Hindi pa sabay-sabay. Everyone's still on their pajamas -- Si Mama, Papa, Kuya Kahel, Sunny, si Dwight at si Clyde; naroon din sila Frences at Gienelle pati na rin ang mga katulong na nakatayo sa likod nila.

"Oh my God!"

"Happy birthday to you." pagtapos nila sa kanta.

Tulad ng dati, si Kuya Kahel ang may hawak ng cake. Alam ko na iyong susunod na mangyayari kaya umatras ako at akmang isasara ulit ang pinto nang hawakan ako ni Mama at Sunny sa magkabilang braso.

"Blow the candle, little sister." ngising-ngising sabi ni Kuya Kahel na ipinagduldulan sa akin iyong hawak niyang cake.

"Ayoko!" sigaw ko at nagpumiglas habang natatawa. Lahat sila nakangisi dahil alam na nila ang mangyayari. I even saw one of our maids taking a video.

"Okay. Ako nalang." tapos biglang hinipan ni Kuya iyong candle sa cake saka mabilis na inalis at saka dire-diretsong isinubsob ako sa cake saka sila nagpalakpakan.

"Papa!" sigaw ko pero kahit si Papa, naririnig kong tumatawa lang din.

pinilit kong tinanggal iyong nakakulapol na icing sa mukha ko para makadilat ako at makaganti pero pagdilat ko, nakita ko silang lahat na tumatakbo na pababa ng hagdan. Si Mama at Papa, nakita kong pumasok sa room nila. Ang daya! Hahabulin ko na sana sila Kuya nang biglang may humatak sa akin at binuhat ako na parang sako ng bigas.

Napatili  ako na ikinatawa ng walang hiyang may buhat sa akin na nahulaan kong si Clyde base na rin sa boses nito.

"Put me down, Clyde!"

"Wait lang." tapos ay tumawa ulit siya habang pababa kami ng hagdan hanggang sa tinungo niya ang daan papunta sa likod ng bahay namin.

Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang gagawin nila sa akin kaya kumapit ako ng mahigpit sa katawan ni Clyde na tumatawa pa rin hanggang sa tumalon na siya sa pool!

At dahil nakapabaligtad ako, pakiramdam ko ay nasinghot ko na lahat ng tubig sa pool. Hindi rin ako kaagad nakaahon at kinailangan pa akong tulungan ni Clyde na makatayo lalo na at sa malalim na bahagi siya tumalon kasama ako.

If there's one thing I cannot do, iyon ay ang lumangoy!

"Ah! Damn you, Clyde!" sabay kapit ko sa kaniya habang paubo-ubo pa.

Nilingon ko sila Kuya Kahel and saw them laughing their heart out.

Tuwing birthday ko, palagi nalang nila akong pinagti-tripan ng ganito. Wala silang mga galang sa pinakamaganda nilang kapatid! Pati si Sunny ay nakita kong tuwang  tuwa habang inaabutan ng barbeque si Gienelle.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon