TAHIMIK ANG BAHAY namin ng dumating ako. Sa unang pagkakataon, ipinagpasalamat ko na walang tao sa bahay dahil hindi pa ako handang sagutin ang mga tanong nila, lalong-lalo na ni Kuya. Alam ko na may alam siya sa ginagawa ko at pinipili lamang manahimik. Hindi niya ako masyadong pinapakialaman sa mga desisyon ko but he know well when to lend a hand.
Dumiretso ako sa kwarto at isinara ang kurtina sa bintana na katapat ng kay Clyde bago dumiretso sa banyo at tumapat sa ilalim ng dusta.
Kasabay ng pag-agos ng tubig sa katawan ko ay ang muling pagbuhos ng mga luha sa mata ko. Kung may forever man sa mundo, iyon siguro ang luha. Daig pa kasi ang unlimited na may expiration, ito, always on the go.
Pinahid ko ng mga kamay ko ang salaming lumabo.
I have kiss marks on my breasts and tummy; love bites are on my shoulders. I wondered when he did these.
At dala marahil ng puyat at pagod kaya mabilis akong nakatulog matapos maligo. Nang magising ako ay alas kwarto na ng hapon. Kung hindi pa ako nakaramdam ng labis na gutom ay malamang na hindi ako magigising.|
"What's that?" Agad na tanong ni Sunny sa akin nang madatnan niya akong nagto-toast ng tinapay habang siya ay may hawak na isang basong juice.
"What?" tinatamad kong tanong.
"That red mark on your jaw." His eyes is full of suspicions. Ang tinig naman niya ay tila nananantiya. Marahil ay nahalata niyang wala ako sa mood.
Nagugutom lang naman ako, nanlalata at pagod na pagod – physically and mentally. I don't know that having sex and having your heart broken can be this exhausting. Kaya siguro madaming pumapangit after a break-up.
But we're not yet done. We're just... taking a break.
I shrugged. "Ewan. Baka may kumagat na insekto."
Tinignan lang niya ako habang umiinom siya ng juice. "Jess was here yesterday. She's looking for you. Huwag mo daw kalilimutan um-attend sa binyag ng baby nila ni James."
"Okay."
"And you look sick, Ate." Tapos ay iniwan na niya ako.
If there's another thing I hate about Sunny, iyon ay ang mapanuri niyang mga mata na tulad ng kay Kuya Kahel. Kapag tumingin kasi sila, malalaman mo agad na may alam sila pero hindi nila iyon sasabihin. It's your choice whether to tell the truth or not. But nonetheless, they knew the answer completely.
Pagkatapos kong kumain, sa kawalan ng gagawin ay nagbukas ako ng email. Most of it is from my social media accounts. I didn't bother to read it. Binura ko na lamang basta at iniwan ang sa tingin ko ay importante. Then, my Aunt's message caught my attention.
From: Lily Amorsolo
"Amber, hija, hindi ka pa rin ba nakakapagdesisyon? Noong una, sinabi mong kukuha ka lamang ng experience sa Pilipinas bago tumungo dito sa Canada. Dalawang taon na ang lumipas. Sa tingin ko naman ay sapat na iyan. Your Tito Indigo would be glad to see you here. Maging si Lilac ay nasasabik ng makita kang muli. Mas mabuting sa sarili nating ospital ka magtrabaho kaysa ang mamasukan sa iba. Think about it, Amber."
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...