I didn't know that Andrae Knudsen was a very busy person. Well, knowing that he have to run a big company... hindi na talaga ako magtataka na mahirap siyang hagilapin. But luckily, according to his secretary, he will be in Manila starting tomorrow. I made an appointment. Kakapalan ko na talaga iyong mukha ko. Isa pa, kung mapahiya man ako, sasarilinin ko nalang. I will not let anyone to know that I came to ask him a favor.
Alas otso ang appointment ko dahil according sa secretary niya, iyon lmang ang free time ng boss niya. Ayos lang dahil alas nueve pa naman ang klase ko at hindi rin naman ako masyadong magtatagal.
Pero masyado yata akong napaaga. Akala ko kasi ay mata-traffic ako kaya maaga akong umalis ng bahay. I have to wait at the lobby for twenty minutes.
Pinagtitinginan ako kaya lumabas ako at pumasok sa katapat na coffee shop. Dapat yata ay hindi ako ng uniporm. Masyadong halata na ang bata ko pa kumpara sa mga taong naroon.
"Thank you!" sabi ko pagkakuha sa order kong kape. I'm not really a fan of coffee pero mukhang kailangan ko iyon ngayon para mas magising ang natutulog kong diwa.
"Espresso please. Oh damn it!"
"Oh my God!"
Natapon iyong kape ko sa lalaki! Hindi ko naman kasi naramdaman na may tao sa likod ko. Kanina naman kasi ay wala akong kasunod sa counter kaya nagulat ako na pagtalikod ko sa counter ay may tao pala akong makaka-bangga!
Mabilis akong humagilap ng tissue at ipinunas doon sa suit ng lalaki. His royal blue long sleeves and tie was already stained by coffee!
I was about to wipe his clothes again when he held my hand kaya napatingala ako sa kaniya para lamang manlaki ang mga mata.
"Your hand."
Napatulala na lamang ako habang sinusuri niya ng tingin ang kamay ko na noon ay namumula na ang bahaging natapunan ng kape. Bumaling ang mga mata ko sa kamay niya na maingat na nakahawak sa isa kong kamay.
Malinis na kuko, mahabang mga daliri, mamula-mula at may kaunting balahibo sa ibabaw ng kamay.
Ngayon ay sigurado na ako na matangkad ang lalaking ito, mestizo at mukhang seryoso sa buhay. His eyes was beautiful too. It has flecks of golds na mapapatitig ka.
"Are you okay?"
"No. Yes. I mean... I'm fine and I'm so sorry about your suit. Hindi ko naman kasi napansin na may tao na pala sa likod ko. Sorry talaga."
"It's fine." Sabi niya tapos ay bumaling sa isang crew. "Excuse me, paki-basa ng malamig na tubig." Inabot niya iyong panyo niya.
Ilang saglit lang ay bumalik na iyong crew na inutusan niya dala iyong panyo na basa. Grabe, like a boss pala itong lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...