Kabanata 29.

14.7K 396 16
                                    


MY HEART'S BEATING like crazy while I'm descending from the stairs. Lilac and Arki's on my side and just like me, they are also walking like a cat – without noise at all.


Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan ng biglang sumigaw si Arki na nagpahinto sa amin ni Lilac. My heart skips a beat sa sobrang gulat at napahawak pa ako sa tiyan ko just to make sure na naroon pa ang baby ko.


"That's him!" sabay turo ni Arki sa lalaking nakaupo patalikod sa amin.


I gasp when the man slowly turns his head on us.


"Who is he?" bulong ni Lilac habang bumababa kami. "The fiancé or the boyfriend?" Hinawakan pa niya ako sa braso ng may halong gigil. "Ang gwapo! Shit! Magkakasala ako kay bakla nito o baka makipag-agawan pa iyon sa akin!"


Sa kabila ng kabang nararamdaman ko ay nakuha kong ngumiti dahil sa inaakto ni Lilac. Para itong teenager to think na may three year old na itong anak. Hindi ko na sinagot si Lilac sa tanong niya. Sa halip ay ipinakilala ko na lamang sila sa isa't-isa.


He was looking at me like I've committed a great sin. Kung makatingin siya ay parang kami lang dalawa ang nasa receiving area, parang hangin lang sa kaniya si Lilac na sobra ang pagkakatitig sa kaniya.


"What a pleasant surprise, Amber!" he said. Sarcasm was palpable on his voice. Ibinuka niya ang dalawang braso at hinintay akong yumakap sa kaniya.


"Linya ko dapat iyan. What a pleasant surprise, Engineer Knudsen!" sabi ko habang nakapaloob ako sa mga bisig niya.


"Damn." Ani Drae nang maghiwalay na kami. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "So, you're running away from me because you're pregnant? Balak mo ba itong itago sa akin?" he sounds hurt and I don't like it. Para kasing sinasabi niya na siya ang ama nito!


"Eherm!" eksaheradang papansin ni Lilac.


Umatras ako mula kay Drae at ipinakilala ang dalawa. "Drae, this is Lilac, my cousin and that kid right there is her son, Arki." Itinuro ko si Arki na naglalaro sa isang sulok. "And Lilac, this is Drae."


"The fiancé." Dugtong ni Drae bago inabot ang kamay ni Lilac at ngumiti. "Nice to meet you, Lilac."


Halos mapairap naman ako ng ngumiti ng pagkatamis-tamis ni Lilac kay Drae at halos hindi na bitawan ang kamay ng huli. Parang teenager talaga ang pinsan niyang ito kung minsan, eh.


"I heard that you're an engineer? So, magaling ka palang bumuo..." ibinitin ni Lilac ang sinasabi dahil sumulyap pa siya sa akin saglit. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "... ng plano. Blueprints, gano'n." tapos ay nagkibit-balikat ito.


"Gusto mo pagawan ko kayo ng boyfriend mo ng plan para naman magka-future na kayo kahit drawing lang?" pang-iinis ko sa kaniya na ikinasibangot niya bago nagpaalam.


"May gagawin pa pala ako. Maiwan ko na nga kayo para makapag-usap kayo ng masinsinan." Aniya bago muling bumaling sa akin. "Amber, umayos ka na, please lang. Iyong mga sinabi ko ay huwag mo sanang balewalain." I nodded as an answer.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon