"Paano kung malaman mo nalang bigla na naka-arrange marriage ka pala kay Dwight? Would you still consider dating me, Amber?"
Would I? I would, right?
I sigh. Gustong gusto kong sagutin ang tanong na iyon ni Clyde pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit ba pilit niyang ibinabalik ang issue ng pagkakagusto ko sa kakambal niya? Bakit ba hindi niya makita na wala na si Dwight sa sistema ko mula noong araw na papasukin ko siya?
I would be happy if he'll stop getting jealous over his own twin brother. For Pete's sake! Hindi ba niya nakikita na siya na ang pinili ko? I just couldn't say it to him because I want him to realize that by himself.
"Amber, let's talk."
Bahagya ko lang sinulyapan si Clyde at nagpatuloy sa paglakad. Init na init ako dahil inayos ko ang lahat ng requirements for graduation. Nanlalagkit na rin ako dahil sa pawis dahil sobrang init talaga ng panahon na pakiramdam ko, malapit na akong ma-dehydrate sa dami ng pawis na lumabas sa akin.
"It's been a week! I'm sorry, alright?" This time, hinarangan na niya ang dinadaanan ko.
It's not like I'm purposely avoiding him. Busy lang talaga ako sa pag-aayos ng requirements at alam kong ganoon rin naman siya. Hindi naman pwedeng palagi kaming magkasama dahil magkaiba kami ng kurso at magkahiwalay ang department namin. So no, I'm not avoiding him.
"What?" Sabay punas ko sa leeg ko pati na rin sa batok. I saw him watched me do that and gulped.
"Let's talk, please?" His eyes were pleading as he held my hand and took the things I'm holding.
Nagsimula ulit akong maglakad. Sa gilid ko ay naroon si Clyde at tahimik lamang habang hawak ang kamay ko. Nang makarating kami ng parking area ay noon lang ako nagsalita muli.
"Dala ko ang kotse ni Papa." Inginuso ko ang pulang SUV. "I'm all sweat! Uuwi muna ako para makapagbihis. Mamayang gabi nalang tayo mag-usap, Clyde."
Ipinasok niya sa shotgun seat ang mga gamit ko ng walang kibo habang pinapanood ko lang siyang gawin iyon. I swear! Nakakaawa ang mukha ni Clyde. Para siyang batang malapit ng umiyak at walang magawa kundi ang manahimik na lamang.
I suppressed my smile. Hindi naman talaga ako galit kay Clyde, medyo nagtatampo lang kasi hindi niya makita yung importansya niya. Ganoon ba talaga kapag kinain na ng selos ang isang tao?
Nang lumigid siya sa driver's seat kung saan nakaupo na ako ay hindi ako kumibo. As he leaned closer to kiss me, umiwas ako because I'm all sweaty! Nakakahiya lalo na at si Clyde iyong tipo ng lalaki na palaging mukhang mabango kahit na naliligo na ng pawis. At ngayon, sobrang haggard ng itsura ko samantalang siya ay parang katatapos lang maligo.
Unfair talaga ang mundo. Walang hustisya!
Ngumiti si Clyde ng mapakla. "I guess, we badly need to talk."
Winagayway ko ang dalawang kamay ko. "No, Clyde! I didn't mean to -" but he cuts me off.
"It's fine. I understand. Puntahan nalang kita sa inyo." Pero bago pa siya makadiretso ng tayo ay hinatak ko na siya sa kuwelyo and kissed him quickly.
"Don't cut me off like that, Claudio." I touched his cheek. My forehead is on his and our nose is touching. "I don't really want to kiss you when I'm like this." Ngumuso ako. "Ang asim asim ko na at amoy araw pa samantalang ikaw parang bagong paligo pa rin kahit hapon na. Sabihin mo nga, hindi ka ba pinapawisan o bumabaho man lang? Wala man lang bang mabaho sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...