Kabanata 11

17.2K 437 8
                                    

A/N: Para sa mga hindi nakabasa ng Kabanata 10, kindly click the external link or copy this link: https://www.wattpad.com/myworks/80476541/write/362112074


***

Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Ayokong bumangon. Ni ang gumalaw ay ayoko kaya halos kalahating oras na yata akong nakikipagtitigan sa kisame. Hindi ko na rin matandaan kung paano akong nakauwi o kung sino ang nagpalit ng damit ko. Masyado akong maraming nainom kagabi at hindi man lang ako inawat ni Clyde!


Speaking of the devil. Ano kaya ang nagyari sa kaniya kagabi? Nakauwi rin kaya siya? At sino ba ang nag-uwi sa akin? Si Art? I remember him carrying me like a sack of rice!


Kinapa ko ang cellphone ko sa side table and groaned when I realized na na kay Clyde pa pala iyon!


"Ate!" I heard Sunny's voice as he knocks three times before opening my door. "Nandito si Kuya Clyde. Actually, kanina pa. Hindi ka ba papasok? It's already eight, you drunkard woman!" Sabay sara niya ng pinto.


Grabe lang. Hindi talaga bagay sa kanya ang pangalan niyang Sunny. Walang kahit na anong bright sa personality ng kapatid niyang iyon maliban sa utak nito.


"Last ko na 'to. Hindi na talaga ako iinom!" Gumapang ako pababa ng kama. Ayokong tumayo dahil sobrang sakit ng ulo ko. "Konti nalang Amber, mararting mo na ang bathroom. Mag-aamoy tao ka na ulit at makakaramdam ng ginhawa." sabi ko pa.


"What are you doing?"


Napalingon ako sa nagsalita. Si Clyde, nagpipigil ng tawa habang pinapanood akong gumagapang sa sahig. Grabe! Ang sama ng ugali. Pinagtawanan pa ako talaga.


Tuluyan na akong humiga sa sahig. I extend my arms towards him, urging him to help me. "Claudio, ang sakit ng ulo ko. Buhatin mo naman ako at ilagay sa bathtub." Pagmamakaawa ko pa na tinawanan lang niya.


"Claudio!"


"Alright! Alright!" Tumatawa niyang sabi bago ako binuhat mula sa sahig at inilapag sa bathtub. Siya na rin ang nagtimpla ng tubig habang iiling iling. "Huwag kang masyadong magbababad. May pasok ka pa ng nine."


"Yeah, yeah. Get out so I can undress na." I shoo him out. Tumatawa naman siyang lumabas. Grabe! Kaligayahan talaga nila ang makita akong ganito. Mabuti nalang at wala si Kuya Kahel. Tanghali na kasi kaya siguradong na sa opisina na iyon.


Habang nakababad, hindi ko mapigilang isipin iyong mga nangyari kahapon. "That Andrae Knudsen is up into something." Umirap siya sa kawalan at inilubog ang sarili sa tubig.


Kung alam ko lang na magkakaganito, sana ay Management na lang ang kinuha kong kurso. Pero kasi, gusto ko iyong pakiramdam na balang araw, isa ako sa magiging dahilan kung bakit marami ang naliligtas na tao. O kaya naman, isa ako sa magiging saksi sa bagong buhay na darating.


Naging malaking impluwensya kasi talaga sakin ang Daddy nila Clyde pati na rin ang Kuya Axel nila. I saw how happy their faces were kapag may pasyenteng nailigtas o kaya naman kapag may bagong naipanganak na baby. I wanted to experience that fulfilled feeling, too.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon