Kabanata 36.

16.1K 412 11
                                    


Kabanata 36:


HINDI KO PINANIWALAAN ang narinig ko. I followed Clyde who was half running away from me. Amnesia? Dapat ko bang ipagdiwang na iyon ang sakit niya dahil may posibilidad na temporary lamang iyon? But it even so, it will take months or years before he can fully recover all his loss memories.

"Shit!" I cursed and run towards Clyde when he collapsed on the hallway.


Bakit hindi nasabi sa akin ni Tita Eli ang tungkol dito? Or, does she even know that Clyde is sick? Sino-sino ang mga nakakaalam at paanong nagkaroon ng amnesia si Clyde? Did he into a car accident? Lots of questions rushed through my head while running towards Clyde.


Mabilis namin siyang dinala sa clinic pero anim na oras na ang lumilipas ay hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong i-contact sa kanila so I choose Dwight. He told me that he'll be here after a couple of hours because he's also in Boston and I silently thank God for that. Pakiramdam ko kasi, kaunti nalang ay bibigay na rin ako.


"Amber,"


"Dwight!" kaagad akong yumakap sa kaniya at hinayaan kong maglandas ang luha sa mga mata ko. I know, of all people, si Dwight lang ang makakaintindi sa akin ngayon.


"Hush now, Amber. Clyde will be fine." Aniya habang pinupunasan ang ma luha ko sa pisngi. "Dahil kapag hindi, ako na ang mag-uuntog sa ulo niya hanggang sa bumalik muli ang ala-ala niya."


"What happened, Dwight? Paano siya nagkaroon ng amnesia? At gaano karami ang mga nakalimutan niya?" sunod-sunod kong tanong.


Bumuntong-hininga si Dwight. Niyaya niya akong maupo muna bago siya nagsalita. "Four months ago, pinuntahan ka niya sa Canada."


Nanlaki ang mga mata ko sa kaalamang iyon pero hindi ako nagkomento. Anong ginawa ni Clyde sa Canada? Posible kaya na –


"He went there to see you." Nagpakawala ng marahas na paghinga si Dwight. "Kahit hindi siya nagsasabi ay alam naming na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpunta roon. He was there for three weeks. Actually, one month dapat but dad asked him to go to Texas. He was caught in a car accident and his head was heavily damaged resulting to amnesia. Nakalimutan niyang lahat ng mga taong malalapit sa kaniya, Amber.


"When we got to Texas, wala siyang kilala kahit isa sa amin. Wala ring makalapit sa kaniya at kung hindi lang pareho ang mukha naming dalawa ay hindi siya maniniwala na kakambal niya ako. Hindi niya matandaan ang mga taong malalapit sa kaniya, even us, pero alam niyang Claudio ang pangalan niya. Alam rin niyang isa siyang medical student. He can remember the things he learned for the past twenty-four years but not the persons he met and grew up with."


Naguluhan ako. "But he's twenty-five!"


"Exactly." Ani Dwight. "He has no memories sa nakaraang isang taon. Kahit kapirasong memorya ay wala. As of now, pinag-aaralan pa ang sitwasyon ni Clyde. Isa sa mga doctor na sumuri sa kaniya ay sinabing maaaring walang naaalala si Clyde dahil iyon ang gusto niya – like he wanted to erase all his memories that he doesn't want to remember at all." Bumuntong hininga muli si Dwight. "Hindi ko maintindihan kung paanong mas gugustuhin na lamang niyang kalimutan ang mga importanteng tao at pangyayari sa buhay niya. I know Clyde was a wicked asshole but to this extent? I'm speechless!"


"Last year was the hardest part of our lives." Wala sa loob na nanulas sa mga labi ko ang mga katagang iyon kasunod ng paglandas muli ng luha sa mga mata ko. "It was the hardest part of our relationship, Dwight. Sa taong iyon nangyari lahat ng pinaka-importante at memorable na pangyayari sa amin. Most of it hurts us but at the same time, iyon ang pinakamahalaga."


Naramdamang kong niyakap ako ni Dwight at marahang hinagod ang likod ko. He's not saying anything maybe because he knew that no words can ease the pain I'm feeling right now.


"And how would I tell him about our baby?" humihikbi kong saad habang nakasubsob sa dibdib ni Dwight na mabilis akong itinulak at tinitigan.


"Baby?" kunot-noong ulit niya. "Did I hear it right, Amber? May anak kayo?"


Marahan akong tumango. Si Dwight naman ay napamura at nilapitan ang kakambal na natutulog at pinameywangan.


"Damn, man! You're a fucking father now and you're about to miss the chance." Pain was on Dwight's voice and I know why. Mahina pa nitong sinuntok ang balikat ng kakambal.


Nang muli siyang harapin ni Dwight ay seryoso na ang tinig nito. "Amber, Mom didn't know what happened to Clyde. Tanging ako, si Kuya Axl, Ate Bianca at si Dad lang ang nakakaalam. Eunice and the twins didn't know it yet. Umaasa pa rin kasi kami na babalik kaagad ang memorya ni Clyde pero sa bawat pagkakataong may lumalapit sa kaniya na kakilala siya, he always fainted like this and we can't risk it dahil kapag napwersa ang utak ni Clyde ay maaaring hindi na raw bumalik ang mga memorya niyang nawala. That's why we randomly visit him."


"Are you asking me to stay away?" my voice croaked. I was hoping he'll say no but he told me otherwise.


"Yes and I'm sorry about this, Amber. Alam kong higit kanino man, ikaw ang pinakamasasaktan kaya hindi ko sa'yo ipinaalam ang tungkol rito."


"I came all the way from Canada to Philippines to look for him then your mom told me he's here so I came here to explain the things that had happened to us and to inform him about our baby."


Kahit na nag-aalinlangan ako ay isinalaysay ko kay Dwight ang nangyari mula sa kung bakit muntik na kaming magkahiwalay noong malaman ni Clyde mula kay Papa na nakatakda akong ikasal kay Drae hanggang ang tungkol kay baby Clive.


Naghintay ako ng panghuhusga o galit mula kay Dwight because after all, Clyde's still his twin brother but I heard nothing bad from him, instead, he envelope me into another tight embrace.


"So damn lucky." Anito bago siya binitawan. "I want to meet my nephew if you'll let me. You know, I didn't have the chance to take care of my own twin. I can't even go near them and Clyde's always been there for them and for Rin." Ngumiti si Dwight ng malungkot. "Let me do the same."


Sinuntok ko siya sa dibdib. "Moron! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang bawat araw na sa tuwing titignan mo ang anak mo, iniisip mo na sana ay naroon ang ama niya." Tinapik ko ang pisngi ni Dwight. "You should go to Rin, Dwight."


"Rin? Fuck!"


Sabay silang napalingon ni Dwight kay Clyde na hinihilot ang sentido.


"I'll call the doctor." Dwight said.


"I'm fine, Dwight!" sansala ni Clyde sa akmang pag-alis ni Dwight. "And who the fuck is Rin? I think I've heard her name before?" anito bago unti-unting dumako ang kulay asul nitong mga mata sa kaniya bago siya tinaasan ng kilay. "It's you again."


Parang may sumaksak sa puso ko upon hearing him say that. Recognition was missing on his eyes and his voice was cold.


Did he really forget me? Parang hindi ko kakayanin na babalik kami ni Clyde sa square one pero kung iyon ang kinakailangan, gagawin ko lalo na ngayon na may anak na kami. Kahit mahirap, kahit masakit, magtitiis ako for baby Clive because that was the least thing I can do right now.



***

A/N: Every weekends nalang siguro ang update ko. Busy ang lola nyo eh. Tapos nawawala yung feels ko. hahaha. Wala kasing lablayp eh.

God bless us! Enjoy reading and don't forget to vote and leave a comment every chapter! love you gals!

See you Olongapo later and goodbye Bulacan for another month! Ciao!

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon