"ARE YOU SURE you're okay? Kasi namumutla ka na." pangatlong tanong na sa akin ni Mariz iyon. Parehong umaga ang shift namin at hindi ako nakapag-breakfast kaya siguro nahihilo ako.
Nag-thumbs up ako sa kaniya. "Hindi kasi ako nakapag-breakfast. Ang aga kasi ng shift natin tapos napasarap ang tulog ko kaya na-late ako ng gising." Pinilit kong ngumiti kahit na masama na talaga ang pakiramdam ko.
"Pa-check up ka saglit kay Doc. Xander." May halong kilig niyang sabi.
I rolled my eyes. Neurologist ang binanggit nitong doctor pero mukha namang may saltik ang doctor na iyon dahil parating rugged looking at hindi marunong manuklay.
"Gutom lang 'tong sakin kaya ako nahihilo." Pinauna ko na siya sa akin. Break na namin at mas gusto kong mag-ayos na lang muna. Palagi kasi nilang sinasabi na maputla ako kahit ang tingin ko ay hindi naman.
"Sige pero magpatingin ka muna bago ka mag-take ng gamut. Baka kasi kung ano na iyang sa'yo. Hindi rin kasi maganda ang complexion mo these past few days." Ani Mariz habang hinahalungkat iyong bag niya.
Sumibangot ako at nag-apply ng medyo dark na lipstick.
"Kung hindi ka lang virgin, iisipin ko na buntis ka, eh." Tapos ay umalis na siya pagkakuha nung wallet niya.
Natigilan ako at napalingon sa pinto na may nakasabit na kalendaryo. "Shit!." I cursed. Hindi ko matandaan ang huling beses na dinatnan ako. Hindi ko rin naman kasi iyon masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil irregular ako. Minsan thirty days, minsan forty at minsan naman twice a month.
Naupo ako habang nakatitig sa kalendaryo. Six weeks na ang nakakaraan mula noong unang gawin naming iyon ni Clyde. Sa mga sumunod ay naging maingat kami. Imposible namang shooter si Clyde dahil hindi naman siya basketball player at isang beses lang talaga naming ginawa iyon ng walang protection!
Inalis ko sa isip ko ang tungkol sa posibleng sitwasyon ko at pilit itinuon ang atensyon sa trabaho. Nang matapos ang shift ko ay mabilis akong umalis para umuwi pero dumaan ako sa drug store para bumili ng pregnancy test kit.
"Ate, hinahanap ka pala ni Mama. Magpapa-check daw ng blood pressure." Salubong ni Sunny sa akin pagpasok.
"Okay."
Dumiretso na ako sa kwarto ko at mabilis na nagbihis bago pumasok sa banyo. Lima ang binili ko at ginamit kong lahat iyon.
Abu't-abot ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay ang resulta. Bakit parang ang bagal naman yata? Nang mainip ako ay kinuha ko iyon at lumabas ng silid para lamang abutan si Mama at Kuya na nasa loob ng kwarto ko. Mabilis kong itinago sa likod ko ang mga PT kit.
"BP mo daw si Mama." Ani Kuya na inalalayan si Mama na umupo sa kama ko.
Nang hindi ako sumagot ay si Mama ang nagsalita. "May problema ba, anak? Namumutla ka yata? At ano iyang hawak mo sa likod mo?"
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...