Kabanata 23.

16K 429 25
                                    




I CURSED SILENTLY.  Mabilis ngunit maingat akong bumaba ng kama – not minding the head wrecking pain caused by the liquor – habang kipkip ang kumot na nakabalot sa katawan ko para lamang muling mapamura nang sa paghila ko ng kumot ay tumambad sa akin ang hubad na katawan ni Drae.



Mabilis akong tumalikod bago ko pa makita ang hindi ko dapat makita. Isa-isa kong hinagilap ang damit ko at mabilisang isinoot. Mabilis kong inayos ang sarili ko sa banyo ni Drae at itinali ang buhok kong parang sinabunutan sa sobrang gulo.


Nilingon ko si Drae bago tuluyang lumabas ng silid. Ang lower part lamang niya ang natakpan ng kumot na hinagis ko kanina at hindi na ako nag-abalang ayusin pa iyon. Hindi naman sa pa-virgin ako o kung ano pa man dahil sa totoo lang ay marami na akong nakitang ganoon in different colors and sizes. Pero ayokong makita ang kay Drae dahil pakiramdam ko, hindi talaga para sa akin iyon.


Indeed, my fiancé is one hell of a man. Wala kang itulak kabigin mula mukha hanggang katawan.


Hindi ko matandaan kung paano kami humantong sa kama o kung paano kami nakauwi pero ayoko ng isipin at alalahanin pa iyon. Baka masiraan na ako ng bait.


One night, I gave my virginity to Clyde and the next night, I slept with Drae.


Pero may nangyari ba talaga? Wala akong matandaan maliban sa paghahalikan namin sa bar kagabi. Pero imposible namang wala dahil pareho kaming hubad sa kama. Ano iyon, naghubad lang basta at natulog? Possible pa ba iyon sa panahon ngayon? Kung hindi siguro naging pasaway sila Eva at Adan noon, baka wala pang malisya kahit maghubad man lahat ng tao sa mundo ngayon.


Bigla ay gusto kong bumalik sa unit ni Drae para gisingin siya at tanungin.


"Napakatanga mo, Amber! You're making things complicated!" gigil na kastigo ko sa sarili habang lulan ng taxi pauwi.


Pagdating sa bahay, nagkagulo agad sila nang makita ako. Sinalubong ako ng tanong ni Mama habang si Kuya at Papa ay matiim na nakatingin lang sa akin.


"Saan ka ba nanggaling na bata ka? Kagabi ka pa naming kino-contact pero hindi ka sumasagot. Pinuntahan ka ni Kahel sa ospital pero hindi ka naman daw pumasok. Si Mariz ay tinawagan ko ngunit hindi sumasagot at si Jess naman ay walang alam."


Naglakad ako patungo sa couch at ibinagsak ang sarili ko doon habang nanatiling nakasunod sa akin sila Mama. Si Sunny ay nakita kong tinungo ang kusina.


"I was out last night." I said.


"Obviously." Sarcasm was evident on Kuya Kahel's voice.


"I'm with Drae until morning." Dugtong ko na nagpahinto sa anumang sasabihin pa ni Mama. "He arrived yesterday and we hang out with Mariz and Baxter and with one of his friends. Lasing po si Mariz kaya marahil hindi nasagot ang tawag niya at ganoon din po ako." Paliwanag ko habang hinihilot ang sentido. Ngayon ko nararamdaman ang hang-over na dulot ng labis na pag-inom.


"You slept with him?" mariing tanong ni Kuya.


"We're friends, Kuya." Tumayo na ako. "Now, if you'll excuse me, I want to take a shower and take a rest. These past few days was very exhausting for me."


Nang hindi sila kumibo ay umakyat na ako. Nasa ikatlong baiting ako nang magsalita si Papa and how I wish na hindi na lamang sana siya kumibo.


"Hinahanap ka si Clyde kagabi."


Tumango lamang ako kay Papa bago nagpatuloy sa pag-akyat patungong kwarto. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba.


Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon