A/N: This will be the last chapter. Thank you for the long wait and for coming this far!
Kabanata 50:
"Mabuhay ang bagong kasal!" sabay-sabay na bati nung lima.
"Wow! Nag-practice kayo? Sabay-sabay, eh." Na tinawanan lang nila.
Tingnan mo 'tong mga kaibigan kong 'to. Hanggang ngayon ginagawang joke ang mga sinasabi ko. Kung minsan talaga ay nakakasama sila ng loob. Pero dahil ako iyong pinaka-pogi sa amin kaya iniintindi ko nalang silang lima. Ganoon ako kabait.
"Congratulations, Clyde!" niyakap ako ni Rin. Sa magkabilang gilid niya ay ang kambal nila ni Dwight na sobrang cute. Telpace na Telpace ang mukha, eh.
Sumunod na yumakap sa akin ay si Meg. Akala talaga namin dati ay may pusong lalaki si Meg. Maton kasi kung manamit. Mabuti nga at hindi napipikon kapag tinatawag namin noon sa pangalan na panlalaki.
"Congrats, Clyde!" ani Meg kasunod ng malakas na tapik sa likod ko. "Sa wakas ay tinablan din ng gayuma mo si Amber."
Hindi pa rin ako makapaniwala. After all the goodbyes and heartaches, we'll get to go home together for the rest of our lives. Sa wakas, matatawag ko nang akin na talaga si Amber.
I remember back in our school days, palagi kong ipinagkakalat na ako ang boyfriend ni Amber kahit na mas madalas ay sila ni Dwight ang magkasama. I don't really mind because I know that Dwight has someone special already. Bata palang kami ay alam ko ng may hinihintay si Dwight. Isa pa, hindi naman alam ng mga nakakakita na si Dwight ang kasama niya at hindi ako dahil iisa ang mukha namin.
Hindi ko mabilang kung ilang lalaki ang umaligid kay Amber at pinakahuli nga ay ang Dr. Xander Saavedra na iyon na half-brother ni Irv. Pareho kaming mayaman at mabango. Pareho rin kaming doctor at pogi. Pero inaamin ko, mas pogi ako sa kaniya ng sampung paligo.
"Daddy!"
"Don't run, baby." Ani Amber na sinalubong ang anak namin na isa pang pogi.
Binuhat ko si Clive. He's wearing the same three-piece suit like mine. Maging ang gupit ng buhok namin ay iisa. Habang lumalaki si Clive ay nadedepina ang facial features niya at kung itatabi siya sa anak ni Dwight na si Dash ay maaaring mapagkamalang kambal o magkapatid ang dalawa. They have the same face but have different complexion and eye color.
"Oh my God, Amber!" si Faye na mukhang batang naliligaw lang.
Ang liit talaga ng asawa ni Irving. I wonder kung paano sila sa kama? But nonetheless, she's pretty and witty. Bagay lang sila ni Irving na isang boring na tao.
"You're so gorgeous, Amber!" hirit pa ni Faye. Sa likod nito ay si Emerald at Rei na hawak ang kani-kanilang anak. "Wala talagang kupas ang ganda mo!" humagikgik pa siya bago bumaling sa akin. "Congrats, Clyde! Kahit kasal na kayo huwag ka pa rin pakasisiguro."
"Ches," awat dito ng kaibigang si Rei.
"Joke lang! Congratulations to the both of you! Malaki na si Clive. Sundan na iyan!" saka ito tumawa at hinanap ang asawa.
"Crap!" napalingon sa akin ang asawa ko. Damn! Asawa ko. Ang sarap bigkasin pero saka ko na nanamnamin dahil mukhang kailangan ko pa ring bantayan si Amber lalo na at imbitado ang Xander na iyon na tulad ko ay may kakambal din – si Alex na may gusto dati kay Faye pero ngayon ay friends na lang daw sila.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...