Kabanata 49

21K 533 14
                                    


Kabanata 49:

We are, indeed, having a long night. Kanina panakaalis ang mga bisita at tahimik na tahimik na rin ang buong bahay dahil malalim na ang gabi. Walang pagmamadali ang mga kilos namin ni Clyde. We took a shower together silently. Tila ba may pagkakaunawaan kami na ireserba ang lakas namin para ngayong gabi.


I was blow-drying my hair when he pulled me closer to him until I ended up sitting on his lap. Clyde buried his face on the crook of my neck habang nakayakap ang mga braso sa aking beywang. I inhaled deeply then exhaled slowly.


"We're engage to be married now. Walang aatras, Amber. Wala." He whispered – making it sounds like a threat.


"Of course." Ang tangi kong naisagot habang nilalaro ang dulo ng tali ng aming roba.


Kinuha ni Clyde ang mga kamay ko at dinala sa kaniyang mga labi. "Paano kung hindi ko na maalala iyong isang taong nawawala sa akin? Paano kung hindi na iyon bumalik gayong iyon ang pinaka-importanteng taon ng pagiging tayo? Will you be fine kahit na may kulang sa memorya ko?"


Bumaling ako paharap sa kaniya. "I will be fine, Clyde. Pero gusto ko pa rin na malaman mo ang mga nangyari; why we ended up hurting each other. Iyon kasi ang panahon na handang-handa na akong ipaglaban ka kahit na sumuko ka na." parang muling bumalik ang sakit sa dibdib ko sa pagdaloy ng ala-ala. Mga ala-alang masakit pero hindi ko gugustuhing kalimutan.


Kinakabahan ako para sa mga sasabihin ko sa kaniya. Dati, noong malaman niya mula kay Papa na nakatakda akong ikasal kay Drae ay sinukuan niya kaagad ako. Paano pa kaya kung malalaman niya ang tunay na dahilan ng paglayo ko – ng pagtatago ko sa Canada?


"Si Drae," panimula ko na kaagad niyang pinutol.


"He was your fiancé."


Tumango ako. "When you found out about that, you almost throw me away from your life, Claudio. You didn't know how badly hurt I am because of that. Kasi noong mga panahong iyon, desidido na ako, eh. Sigurado na ako sa'yo tapos ikaw, bigla kang sumuko." My voice cracked. Hindi ko pa rin maialis ang pait sa tinig ko sa tuwing maaalala ko iyon.


"I know." Ang tanging sagot ni Clyde at muling hinalikan ang mga kamay ko bago pinaghugpong ang mga daliri namin. "I know and I'm sorry for losing my balls that time."


Napakunot-noo ako. Nang tignan ko si Clyde ay nakayuko siya at nakatingin lamang sa mga kamay namin. Nang mag-angat siya ng tingin at salubungin ang mga mata ko ay marahan niya akong dinampian ng halik sa labi.


"I love you, Amber."


Marahan ko siyang hinampas sa balikat. "After the first time we made love –"


"Nawala ka nalang bigla." Aniya na ipinagtaka ko.


I cupped his face. "Before I left that time, I promised to myself that I'll come back for you, Claudio. Kasi kung hindi rin lang ikaw, mas pipiliin ko na mag-isa na lang."


Tumango-tango si Clyde. "But why, Amber? Bakit mo itinago ang pagbubuntis mo? I should be the one helping you while you were pregnant but you chose to be with Drae. Why?"


Napaayos ako ng upo sa kandungan niya. "I haven't told you that Drae's with me during those times. How did you know that?" marahan kong bigkas habang ang kaba sa dibdib ko ay sobrang lakas na. Did he regain the missing fragments of his memories?


"I remember, I think, everything." Aniyang muling isinubsob ang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. Ang mainit niyang hininga ay ramdam na ramdam kong tumatama sa sensitibong bahagi ng aking leeg.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon