Kabanata 10

17K 421 19
                                    


HANGGANG NGAYON ay iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Andrae. I don't know if he's just fooling around or what. Kung tutuusin, napakadaling sumagot ng sure o kaya naman ay oo lalo na at noon pa man ay alam ko naman na na sa kanya ang bagsak ko.


"Amber, sino ba kasi iyon?"


But how can I simply say yes to Andrae kung mayroong Clyde na nangungulit sa tabi ko? Hindi kami natapos mag-usap ni Andrae dahil hinatak na ako palabas ni Clyde. Tama na daw iyong pag-uusap namin na iyon. Idaan nalang daw namin sa email ang lahat. Abnormal talaga.


"Engineer nga. Anak ng kaibigan ni Papa na namatay na." Medyo naiirita na ako kay Clyde. Paulit-ulit nalang kasi iyong mga tanong niya.


"Ano nga pinag-usapan niyo? Nanliligaw ba 'yon sa'yo?"


Siguro pang sampung beses na niyang tanong iyan. Gustong gusto ko na siyang kaladkarin palabas ng bar na 'to pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya dahil ang laking tao kaya ni Clyde! At mukhang hindi naman ako tutulungan ng mga ka-team niya at medyo nahihilo na rin ako.


"Hindi nanliligaw ang impaktong iyon. Tumigil ka na kakatanong Clyde dahil kung hindi, iiwanan na kita rito." Naiinis na talaga ako!


Nagpalinga-linga ako sa bar. Kami lang kasi ni Clyde ang naiwan sa VIP room na kinuha nila saka iyong dalawang team mates niyang bagsak na at natutulog sa sahig. Iyong isa nasa couch. Bahala silang mapulmonya.


"Ganyan naman kayong mga babae, eh! Kapag hindi na ninyo alam ang gagawin, iniiwan nyo nalang kami! Why do you have to run away? Always, huh?"


Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa itsura ni Clyde. But I choose the latter. Ang cute ni Clyde malasing. Makulit pero cute naman. His cheeks were red. Pati ang lips niyang natural na mapula ay lalong namula. Mas pumungay rin ang mga mata niya. At bakit ko ba siya pinupuri? Lasing na yata ako talaga.


"Halika nga dito." Pinahiga ko si Clyde sa mga hita ko. He immediately held one of my hand at pumikit na. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya habang naka-pikit siya. I dialed Dwight's number. Pakiramdam ko kasi, hindi ko na rin kayang mag-drive. Mas mabuti kung magpapasundo nalang kami. I don't want to risk our lives. Ayoko pang mamatay!


"Who're you callin'?" sabay agaw niya sa cellphone ko at inipit sa garter ng brief niya!


Nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing?! Huwag mong iipit sa brief mo!" I shrieked. Buti sana kung sa gilid kaso sa harap pa talaga at parang kaunti nalang, mahuhulog na yung phone ko sa loob!


Tumagilid si Clyde ng higa. Bali iyong mukha niya, nakasubsob na sa tiyan ko habang nakayakap iyong isa niyang braso sa bewang ko.


"Clyde 'yong cellphone ko, akin na! We need to call someone to drive us home!" Nakaka-gigil naman itong si Clyde.


"Hmm? Okay." Iyon lang at pumikit na siya. Ni hindi man lang kinuha iyong cellphone ko.


Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon