Kabanata 44.

17.7K 525 21
                                    

Kabanata 44:

Hindi ko alam na darating ang pagkakataon na kailangan kong gawin na parang isang biro ang kasal. I know that this is not a good idea even from the start. Pero ito na talaga ang huling kagagahan na gagawin ko.

I'm sorry, Lord! Alam naman po ninyo ang tunay na dahilan ng kasalang ito. Higit sa akin ay Kayo po ang nakakaalam ng rason kung bakit narito kami ngayon.

As I walked down the aisle, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin.

Meg was looking at me with so much sadness in her eyes. Noong mahuli ko ang tingin niya ay ngumiti siya and mouthed 'congrats'.

Art was smiling but I can see in his eyes that he's not that happy to see me walking towards Drae. Of course! He knew Clyde. At kahit na kaibigan rin niya si Drae ay alam kong si Clyde pa rin ang pipiliin niya para sa akin.

Then there's Dwight. He was looking at me while his phone is on his ear. I saw him clenched his jaw before he put down his phone and shake his head.

Doon na binundol ng labis na kaba ang dibdib ko.

"Are you alright?" bulong sa akin ni Drae matapos akong ibigay sa kaniya nila Mama at Papa. He was guiding me to the altar while softly asking me. Parang gusto kong sapukin si Drae sa mga oras na ito.

"Do I look okay to you?" inirapan ko siya.

"You're making it look like marrying me was the worst thing to do." He kidded.

"It's not like that. I'm just nervous because Clyde was out of reach!" mariin kong bulong.

"Just stick to the plan and don't say I do. Well, maliban na lang kung gusto mo akong pikutin." Then he winked at me. "He'll come. Trust me on this and play along with me, my lovely bride."

Left me no choice, pinanghawakan ko ang huling salita na iyon ni Drae hanggang sa dumating sa parteng tinatanong na ni Father kung may tumututol bas a kasal namin ni Drae. Gustong gusto kong sabihan si Dwight na tumutol siya sa pamamagitan ng pagtitig ko sa kaniya dahil siya na lamang ang nakikita kong maaaring magpaantala ng kasal. Pero hindi na pala kailangan.

"Tumututol ako!"

Marami ang napasinghap at napalingon kay Clyde na ngayon ay basing-basa ng ulan at hinihingal pa.

He walks towards the altar where Drae and I are standing. He's walking like there are no people watching him. Basta diretso lamang ang tingin niya sa akin. His intense stare and the way he walks melted all the worries in my heart. At kung kanina ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, ngayon ay dahil nariyan na siya and I couldn't helped but cry.

It was like he's claiming me openly after so many years. Kung noon ay inaangkin lamang niya ako kapag gusto niya akong bakuran, ngayon ay inangkin na niya ako ng tuluyan.

"Walang kasalang magaganap." Ani Clyde cabay hawak sa kamay ko.

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa loob ng simbahan pero wala na roon ang buong atensyon ko.

"Drae, I'm sorry for not telling you but Amber and I... we're already engaged even before she met you, or let's say, bago pa man kayo ipagkasundo."

Hindi ko alam kung saan napulot ni Clyde ang sinabi niyang iyon at gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko magawa. Parte ba iyon ng nagulong memorya niya?

"You know that I got into an accident when I was in Texas that cause my partial amnesia and that the only thing left in my mind is my own name that's why I stayed at France for almost a year – "

Gusto kong mapatampal sa ulo sa sobrang gulo ng mga sinasabi ni Clyde. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipag-alala iyon o hindi pero kinakabahan ako sa mga pinagsasasabi niya sa mga oras na ito.

"It's alright, honey," baling sa akin ni Drae. "Don't cry. I knew from the start that you have someone else in your heart. I just didn't know that it was Clyde."

Dumagdag pa itong si Drae!

"Drae..." tumigil ka na. Just hand me over to Clyde and end this play. Gusto kong sabihin pero hindi ko na nagawa dahil hinarap na ni Drae si Clyde.

"What took you so long, Clyde? Two months ago, pagbalik mo rito ang sabi mo ay magaling ka na. Then, bakit ngayon ka lang kumilos?" may bakas ng galit ang tinig ni Drae sa hindi ko maintindihang kadahilanan.

"When I came back here in the Philippines, I still didn't know who you are. Pinag-aralan ko lang talaga kung sino kayo in order for me to remember my lost memories." Paliwanag ni Clyde.

"Hijo, ano'ng nangyayari?" tanong ni Mama na lumapit na sa amin.

"Mama... I'm so sorry pero si Clyde po talaga ang mahal ko." Napaiyak na naman ako lalo na nang makita ko ang panghihinayang sa mukha ni Mama. Alam ko, gusto niya si Drae pero paano naman si Clyde?

"I'm sorry, Tita," hinging paumanhin ni Drae kay Mama. "...but I can't marry your daughter. Hindi siya magiging masaya sa piling ko lalo na at may minamahal na siya."

Nang hindi kumibo si Mama ay inanunsyo na ni Drae sa mga naroong bisita na hindi na matutuloy ang kasal at habang ginagawa iyon ni Drae ay mabilis naman akong hinatak ni Clyde palabas ng simbahan. Sa labas ay naroon na at naghihintay si Dwight na kaagad ibinigay kay Clyde ang susi ng dala nitong sasakyan.

"Thanks! But I think, it's best for you to show your face to them."

Oras na maisara ang pinto ng sasakyan ay inabutan ako kaagad ni Clyde ng isang paper bag na may lamang damit.

"Change into that quickly. We don't have much time, Amber."

"What?" naguluhan ako. Ang kaseryosohan ng mukha niya ay nagpakabog ng dibdib ko. Lalo pang nadagdagan ang kaba ko noong makita ko sa loob ng paper bag ang dalawang passport at plane ticket patungong Canada.

Nilingon kong muli si Clyde pero ang buong atensyon niya ay nasa kalsada.

The car was heavily tinted kaya walang inhibisyon akong nagpalit ng damit. It was a simple body hugging dress na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko – too decent but not too formal. Bumagay lamang sa manipis kong make-up.

Hinagis ko sa backseat ang wedding dress. Tapos ay inihinto naman ni Clyde ang sasakyan and asked me to seat behind the wheel.

"Where to?"

"Airport, sweet."

Sweet. He's the only one who's calling me like that. Napatitig ako sa kaniya habang naghuhubad siya para magpalit ng damit.

"Drive, Amber. And yes, I remembered almost everything except for the last fucking year before my accident. I still don't know how we ended up like this but one thing's for sure..."

Ang tibok ng puso ko ay sobrang lakas na dahil sa antisipasyon ng bitinin niya ang sinasabi para tignan ako ng diretso sa aking mga mata. His ocean-like eyes are telling me that I'll be drowning forever in it and there's no one who can save me but him.

"Clive is my son."

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon