Kabanata 31: CLYDE
"TANGINA." Ang unang namutawi sa bibig ko pagkakita ko kay Amber.
When I arrived, dumiretso kaagad ako sa bahay ng Auntie Lily niya. Hindi ako nagpakita. Wala akong intensiyon na magpakita kanino man sa kanila. Isa pa ay hindi pa ako hangang harapin ang sino man sa kanila.
At paanong hindi ako mapapamura? Ilang metro mula sa bahay ng Auntie Lily ni Amber ay nakita kong palabas si Andrae habang buhat si Amber na sa tingin ko ay manganganak na. Kasunod nito ang sa hula ko ay pinsan na si Lilac na may akay na isang batang lalaki na nasa tatlo hanggang apat na taong gulang pa lamang marahil.
When I saw Amber's face, writhing in pain, I almost jump out of my rented car and go to her. My heart was ripping apart seeing her in that situation. Idagdag pa na nasa bisig ito ng ibang lalaki.
"That should be me." Naibulong ko na lamang habang wala sa loob na binuhay ang makina at sinundan ang sasakyan nila.
Habang nasa ospital ay ipinasya kong manatili sa loob ng chapel na naroon para sa mga gustong magdasal. Hindi ako makalapit kay Amber. Wala akong lakas ng loob na magpakita sa kaniya at aluin siya. Isa pa, bakit ko gagawin iyon gayong naroon naman ang Andrae na iyon para rito? And I know, Amber has her reason why she decided to stay away from me.
Isang oras, naging dalawa, tatlo at inabot na anim bago ipinasok si Amber sa delivery room at hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na hindi sumama sa loob ng delivery room ang Andrae na iyon o ikakagalit ko.
Kung sumama kasi siya, mas lalo lang akong kakainin ng inggit at panghihinayang. Pero ngayong hindi siya sumama ay gusto ko siyang pitserahan at sigawan dahil dapat ay naroon ito sa loob para suportahan si Amber.
Habang nasa loob ng delivery room si Amber ay hindi ko mapigilang bilangin ang buwan. Pitong buwan kaming hindi nagkita at isang buwan mahigit bago siya umalis ay ibinigay niya ang sarili sa akin. Sigurado ako na ako ang una. Kung gayon, kulang sa buwan ang isisilang na sanggol ni Amber.
Damn that Andrae! Ano ba ang pinaggagagawa nito at bakit napaaga ang panganganak ni Amber? Is there any complications? May nangyari bang hindi maganda kaya napaaga ang delivery ni Amber?
Kapag may nangyaring hindi maganda kay Amber ay hindi niya alam kung ano ang magagawa niya sa Andrae na iyon.
Mula sa malayo ay hinintay kong matapos ang lahat. I saw when the nurses put the baby in an incubator. Nakita ko nang ilipat si Amber sa isang pribadong kwarto. At habang abala ang lahat sa pag-aasikaso kay Amber ay ipinasya kong silipin muli ang baby na nasa incubator.
"Excuse me, how's the baby?" lakas loob kong tanong sa nurse na kalalabas lamang. "I'm... I'm the father." Dugtong ko nang tila nagdadalawang isip ang nurse na sagutin ako.
"Your baby is under observation, Sir. You see, he's only eight months old..." Hindi ko na narinig pa iyong ibang sinasabi nung nurse. Napako ang tingin ko sa sanggol na ngayon ay mahimbing na natutulog sa loob ng incubator.
It's a boy!
Eight months. This baby could be mine. Pero kung sa akin ang bata, ano naman ang magiging rason ni Amber para ilihim sa akin? Wala akong maisip na dahilan lalo na at mas pinili niyang makasama ang Andrae na iyon.
"She even told me she loves me. Fuck!" bulong ko habang nakatitig sa sanggol.
"If you are my son, I will name you after me because I love how your mommy spoke my name. It was soft and very sexy and I felt like I'm the most special man in her life whenever she spoke my name." I smiled at that thought.
Isa iyon sa mga nami-miss ko kay Amber. Kapag binabanggit niya ang pangalan ko, para bang inaangkin na rin ninya ang buong pagkatao ko. At kanina, parang naging napaka-simple sa akin na sabihin na anak ko ang baby nila. Funny but maybe, just maybe, I said that because I'm still hoping that there's still a chance for me and Amber.
Ilang sandali lamang ang inilagi ko sa nursery bago ako napipilitang umalis noong makita kong parating ang pinsan ni Amber kasama ang ina nito at si Andrae. Mabilis akong lumiko sa isang pasilyo at noong masiguro kong nasa nursery na silang lahat ay tinungo ko ang silid ni Amber kung saan inabutan ko ang isang nurse.
"Hi! I'm her..." I trailed off.
"Sir?" untag sa akin nung nurse habang nakatingin ako sa natutulog na si Amber.
"I'm her friend." Fucking friend! It was like a salt was poured in my already bleeding heart. Damn! It's so corny but that's what I really felt. Parang piniga ang puso ko sa isinagot ko na iyon sa nurse. "Can you leave us for a while?" ngumiti naman ito at lumabas.
I was lost for words when I saw her up close. After seven fucking months, ngayon ko na lang ulit siya nakita ng ganito kalapit.
Naupo ako sa gilid ng kama niya at inayos ang buhok niya. "Bakit mas lalo ka yatang gumanda? Pregnancy suits you real better, sweet." I held her hand and kissed it.
"You told me to trust you no matter what. Sinabi mo sa akin na kahit ano ang mangyari ay babalikan mo ako." I whispered while caressing her face. Halata ang pagod sa maganda niyang mukha pero naroon ang contentment. And I know she's happy right now.
"Makakabalik ka pa ba after all this things that had happened between the three of us? I'm willing to wait but please, give me an ultimatum para naman maihanda ko ang sarili ko kung gaano pa ako katagal magpapaka-tanga para sa'yo kasi handang-handa naman ako and very much willing to look so stupid just for you, Amber. Lahat na yata kaya kong gawin para lang sa'yo. Lahat kakayanin kong tiisin, lahat isusugal ko basta ikaw ang premyo. Pero kung sasabihin mo sa akin na tama na,"
I blinked back the tears that was pooling at the corner of my eyes. "Ayokong isipin na isinuko mo na iyong sa atin kaya ka umalis pero kung sasabihin mo sa akin na tama na, tangina! Masakit pero gagawin ko kasi ikaw lang naman ang hinihintay ko. Ikaw ang boss, eh! Noon pa man, under mo na ako."
Tumayo na ako at hinalikan ang kamay niya bago bitawan. "As much as I wanted to stay a little bit longer, I can't. Alam ko naman na hindi ka pa handang makita ang kagwapuhan ko. At lalong hindi pa ako handang makipagsapakan sa Andrae na iyon dahil masakit pa ang kamay ko." Hinalikan ko ang noo niya bago siya binulungan.
"Mahal kita, Amber. Don't forget that."
Ilang hakbang mula sa pinto ay nilingon ko siyang muli. She's still sleeping peacefully kaya nagpasya akong lapitan siyang muli.
"This is not the last." I said before pressing my lips on her sweet lips as I bid goodbye.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...