Kabanata 37.

16.6K 452 10
                                    

          

Kabanata 37

            "COME ON, Drae! Spill it out! Ang sabi mo ay may kailangan ka sa akin ngayon kaya ka nagpunta rito all the way from the Philippines. So, what is it?"

Kahapon ay tinawagan ako ni Drae dahil may kailangan daw siya sa akin na importante at ako lang ang maaaring makatulong sa kaniya. I can't say no to him because he's been doing a lot for me and for my baby's sake. Halos buwan-buwan ay dinadalaw niya kami ni baby Clive kaya talagang kilala na siya ng anak ko lalo pa at kapag narito sa Canada si Drae ay palaging siya ang nag-aalaga kay Clive.

            Ako naman ay naging busy na sa pag-aasikaso sa papel ni baby para makauwi na kami ng Pilipinas. Although the situation between me and Clyde is not improving, I still wanted to stay in the Philippines.

Two months ago mula noong malaman ko ang nangyari kay Clyde ay ginawa ko ng kapit bahay ang Canada at Boston. I wanted to see Clyde and check on him if he's improving or not and when Tita Eli found out what happened to Clyde, she immediately bring Clyde to the Philippines. Naroon daw kasi ang mga bagay na magpapaalala rito ng mga nakalimutan nito dahil sa aksidente.

"I want you to marry me, Amber."

"What?!" sa gulat niya ay napatayo pa siya mula sa pagkakaupo.

"Three months from now, I want you to marry me, Amber." Ani Drae pero kahit ito ay tila hindi gusto ang ideyang iyon kung ang pagbabasehan ay ang mukha ni Drae. He looks like he's in trouble and that what's made me calm.

"You're in trouble." I said as I sit beside him and arch a brow on him.

"I have this girl –"

"Si Meg?"

Sumibangot si Drae. "Not her." Anitong nagpataas lalo ng kilay niya. "We don't really have a serious relationship; just a no strings attached relationship. She's actually good and I don't know to dump her and all so I'm asking for your help."

"Drae, you know my problem about Clyde tapos ay sasawsaw ka pa. Ano nalang ang iisipin ng mga tao sa akin? And if she's really good, don't dump her."

Kung minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng mga utak ng mga lalaki. Hayon na nga at nakatagpo na ng matinong babae pero iiwan at iiwan pa rin. Ang sarap pitikin sa itlog!

Sumibangot si Drae. "Wow! What a term!" nag-peace sign ako sa kaniya at binigyan siya ng apologetic na ngiti. "She's good but she came from a not-so-usual family. Basta. Hindi normal ang pamilya niya." Hinarap ako ni Drae at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Ayoko." Sabi ko agad bago pa niya sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Hindi naman natin itutuloy ang kasal, Amber. Hindi mo kailangang mag-I do but we have to walk down the aisle."

In my peripheral vision I saw Dwight emerging from the kitchen. Buhat nito si baby Clive habang ang mga mata ay matamang nakatingin sa amin ni Drae.

Mabilis akong tumayo. "Pag-iisipan ko, Drae." Inirapan niya ito.

"Amber –"

"Alam kong mayaman ka, Drae at kayang-kaya mong maglustay ng pera para lang sa isang palabas pero hayaan mo muna na makapag-isip ako."

"I'll be damned if you will refuse to help me, Amber." Ani Drae bago nagpaalam.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong takot sa mga mata ni Drae sa huling pangungusap na sinabi niya at parang naawa ako sa kanya. It seems like he's in trouble and the only escape can get is through marrying me. At tila ba may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa niyong mabilis na tinungo ang direksyong tinahak ni Drae.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon