Kabanata 39.

17.3K 450 13
                                    


Kabanata 39:

MY PARENTS didn't question my decision about marrying Drae. They were more than happy when Drae and I told them that we're getting married. They really like Drae for me to that extent that they didn't even considered that Clyde was the father of their grandchild.

"Kung minsan, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa Lolo at Lola mo dahil parang hindi nila kailanman nai-consider na magiging isang buong pamilya tayo ng daddy mo o matutuwa dahil sa kabila ng lahat, wala akong panunumbat na nakuha mula sa kanila sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko at mga desisyong ginawa ko." Kausap ko kay baby Clive habang na sa garden kami at pinapaarawan ko siya.

Pinindot ko ang cute na ilong ng anak ko at napangiti ng sumibangot siya. Ang sungit talaga ng bata'ng 'to at ang arte pa. Manang-mana sa ama.


Kung hindi lang nag-negative ang DNA result ni Drae at Clive, walang maghihinala na hindi kay Drae si Clive dahil pareho silang brown ang mata – in different shades, tapos ay parehong kulot. Pero syempre, kulot din naman si Clyde.


"Don't worry, baby. Pag-galing ni daddy mo, saka kita ipapakilala sa kaniya at kung hindi na dumating ang araw na iyon, may Ninong Drae ka naman na pwede nating huthutan, eh." Biro ko sabay tawa pero napahinto rin nang biglang may magsalita sa gilid.

"So, who's the father of your child?" ani Clyde na palapit sa amin.

He's wearing a khaki shorts and white v-neck shirt. His hands are on his pockets while heading towards our direction.

Biglang tinambol ang dibdib ko at parang anumang oras ay lalabas na iyon mula sa rib cage ko. Mahigpit akong napahawak sa gilid ng stroller ni Clive habang pilit na kinakalma ang naghuhurumentado kong puso.

"Alam ba ng mapapangasawa mo na hindi sa kaniya ang anak mo?" puno ng sarkasmong saad ni Clyde. Then, a flinch of regret appeared on his ocean-like eyes but it disappears swiftly like it didn't happened.

Tumayo ako para kahit papaano ay magpantay kami. Salamat talaga at mataas ng tatlong baitang ang garden ni Mama mula sa pathway patungong bahay.

"Alam niya. Alam din niyang hindi ko siya mahal at ginagawan lang namin ng pabor ang bawat isa pero alam kong wala akong pagsisisihan sa gagawin kong ito lalo na at wala naman yatang pakialam sa amin ng anak ko ang tatay niya." I told him – half truth.

Akmang tatalikod na ako para itulak palayo ang stroller ni baby Clive nang pigilan ako ni Clyde sa braso at pilit na iharap sa kaniya.

"Kung hindi siya, sino ang ama ng anak mo?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Can't you guess? Can't you fucking guess who's Clive's father, Clyde?" napuno ng pagkalito ang mukha ni Clyde at parang gusto kong maiyak dahil tila wala talaga siyang kahit isang ideya man lang. Tumawa ako ng pagak bago muling nagsalita. "Nakalimutan ko, nakalimutan mo nga pala lahat ng pangyayari sa'yo noong nakaraang taon."

"Amber..." this time, malamyos na ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko na hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko dahil miss na miss ko na talaga si Clyde.

Alam mo iyong pakiramdam na nasa harap mo lang ang taong mahal mo pero wala kang magawa dahil hindi ka niya kilala? Na hanggang tingin ka nalang kasi baka kapag lumapit ka ay lalo siyang lumayo; na kapag hinigpitan mo pa ang kapit ay baka mas lalo ka lang na masaktan?

"I badly wanted to hug you, Clyde." I said, almost a whispered. At hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako ng gising dahil kitang kita ko ang pag-abot ni Clyde sa kamay ko para hilahin ako palapit sa kaniya at ikulong sa mga bisig niya.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon