Chapter 2

22.6K 400 10
                                        

Chapter 2

Nadine

Kinagabihan ay kausap ko sina Mia at Jenny sa skype. Nasa ibang bansa kasi silang dalawa at hindi nakasama sa pag-uwi ko ngayon.

"Ay bongga ang babaeng ito. For good ka na diyan?" Nakataas kilay na tanong ni Jenny sa'kin. Huminga ako ng malalim at umiling.

"Hindi ko alam pero gusto ko pa rin sanang bumalik doon. Nandoon ang trabaho ko at masaya naman ako doon. Pero girls, nandito talaga sa pilipinas ang puso ko." Pag-aamin ko. Seryoso ako ngayong kausap ko sila. Sa kanila ko lang kasi nasasabi ang mga problema ko.

"Nandiyan naman talaga." Tipid pero malditang singit ni Mia kaya napataas ang kilay ko. Itong babaeng 'to, minsan lang magkomento pero malaman e.

"Malamang! Nakakabit sa katawan ko 'dba?" Pagtataray ko din pero tumawa lang ito ng mahina. Unang naka-accept si Jenny sa ibig sabihin ng tawa niya kaya napakunot noo ako sa kanila.

"Oh em gee, Nadine! Bumubobo ka na girl. Ang slow mo na. Kinalawang na 'yang utak mo." Komento pa ni Jenny at tumawa silang dalawa. Napairap lang ako. Magpasalamat sila at screen lang ang kaharap ko dahil baka natiris ko na sila kapag nandito sila sa harapan ko.

"This isn't for me. God knows how much I wanted to talk to him but he's mad at me." Pagdra-drama ni Jenny habang tumatawa pa si Mia. Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang binitawan kong salita bago ko napagdesisyonang lumayo!

"Oh shit!" I cussed. "Shit girls." Mura ko ulit. Natigilan naman sila at nakatingin lang sa kani-kanilang screen.

"He's here. I mean, I saw him. He's close to my family already and I don't even know how but yup, he's here!" I exclaimed. Napaka-OA pa ng pagkasabi ko. Wala silang rekasyon kaya nanatili rin akong nakatutok sa screen ko.

"Are you kidding? Bakit niya gagawin 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mia sa'akin pero napailing ako bilang sagot.

Maski ako ay hindi ko rin alam.

"He wants me to pay. At hindi ko alam kung anong dapat kong bayaran." Pag-aamin ko. Napahinga ulit ako ng malalim.

"Baka sa pantri-trip mo sa kanya noon. Hala ka girl, dumating na 'yang karma mo!" Pananakot pa ni Jenny pero inirapan ko siya.

"Hindi ko siya pinagtripan ever. Tumigil ka nga Jenny! Matalino siya 'dba?" I told her. Inirapan niya rin ako. Hinintay kong tarayan din ako ni Mia pero nanatili itong nakatingin sa kanyang screen. Akala ko pa ang nag-hang siya dahil hindi naman ito gumagalaw.

"Yes Mia?" I asked her sweetly. Tinaas naman niya ang tingin niya. Tapos umiling st sumandal sa headboard ng kanyang kama.

"Baka naman, he wanted you to fall." She started. "As in deep. Nadine, may I remind you that you let him fall for you pero binalewala mo 'to dahil sa pangarap mo." Panga-ngaral nito sa'kin.

Ako naman ang napasandal.

Totoo naman 'yon. Kier confessed his feelings before we graduated but I have my dream and I don't want to be a failure so I rejected him. Isa pa, masyado pa kaming bata 'non.

"Tapos ano ngayon? Nagre-revenge? Wow. Uso pa ba 'yun?" Kontra naman ni Jenny. "Ay naku. Sa talino namang 'yun ni Kier, naka-move on 'yun agad. Baka nga paglipad na paglipad ng sinakyan mong eroplano, may bago na siya e." Napasimangot ako sa hindi malamang dahilan sa sinabi ni Jenny.

"Pero bakit nga siya nandito? Bakit niya ako sinisingil?" Naiiritang tanong ko sa dalawa. Tumaas na rin ang boses ko. Bwisit!

Bwisit na negro 'yan!

"Bakit ka ba kinakabahan? Hindi mo alam ang dahilan? Tuklasin mo! Kung ayaw niyang ipaalam, gumawa ka ng paraan para iyong malaman!" Jenny suggested then smirked. She gave me a winked too.

"I agree." Sabat ni Mia kaya napatili si Jenny sa kabila. Minsan lang kasi sila magkasundo sa suhestyon. "But I won't agree that he's already over you ha. Ang sa'kin lang. May dahilan siya e. Why don't you play with him in his games? If he wants you to fall, then pretend to fall. Pero girl, payong kaibigan. Don't get your heart involve in this game. Wala ka pang kasiguraduhan." Paalala niya kaya mabilis akong tumango.

"But what if your conclusion is true, what should I do?" I asked her again. Paano kung nandito lang si Kier para makipaglaro?

"You're Nadine. You know what to do." She shrugged. Natampal ko ang noo ko. Magsu-suggest na, kulang pa!

"Basta Nadine, he moved on already. He's back because he wants you to look what he is now. At ang way ng pagsingil niya ang ang makita kang nagsisisi dahil mas pinili mo ang pangarap mo kaysa sa kanya." Jenny said. Seryosong-seryoso itong nakatingin na para talaga sa'akin.

"And I'm saying, he's still holding on. He's just up to something. He's trying to be cool para makita mong ayos na siya. He wants to play a game with you and all you have to do is to discover why." Kontra ulit ni Mia.

Napailing na lang ako at nagpaalam sa dalawa. Mas gumulo naman ang isipan ko na nakausap ko sila.

Napahinga ako ng malalim at napahiga ng tuluyan sa kama ko. Napatulala ako sa kisame habang naiisip ang mga pwedeng dahilan ni Kier.

Revenge? May kasalanan ako pero naayos ko 'yun bago ako lumayo. Hindi nga lang ako nakapagpaalam noon kaya siya nagalit sa'kin. Wala naman kaming relasyon. Move on? Pwede ba, walang kami! As in wala. Alam niya 'yun e!

Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok. Hinintay kong mabuksan ang pintuan at agad kumunot ang noo ko ng pumasok si Kier.

Speaking of the devil.

Nagulat pa ito ng makita akong nakahiga. Tumaas ang sulok ng labi nito kaya napaupo ako. I gave him a questioning look. Hindi naman kasi ako magtataka kung bakit nandito ulit siya dahil inampon na yata siya ni daddy.

"Prepare your things. Uuwi na kami ng kuya mo sa bahay nila. Dalian mo daw kung gusto mong sumama." He instructed. My forehead creased. Kami?

"Wait, kayo? Talagang sinagad mo talaga, ano? Pati sa resort?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Napailing lang ito.

"I worked under Sir Nathan." Agad nanlaki ang mga mata ko. Is he kidding? May konpanya rin sina Kier pero bakit nasa resort namin siya?

"Talaga bang ginagago mo ako?" Inis na tanong ko ulit. "May negosyo kayo! Akala ko ba doon ka magtra-trabaho after college?" I asked in disbelief. Hindi siya sumagot at tinalikuran ako pero bago pa siya makalabas ay binato ko sa kanya ang unan ko.

"I'm asking you, asshole!" I gritted my teeth! Oh, Lord! I need more explanation! Anong nangyari dito noong umalis ako?

"You better keep your questions to yourself." He faced me but I don't know if it's just my eyes but I saw sadness through his eyes. It's just a split of second though. I blinked again then he's already giving me a devilish grin. "You have a sexy scent, Nadie." He eyed me from head to, breast?! Then he winked! Napakurap ulit ako. Nang matanggap ng sistema ko ang sinabi niya ay hindi ko napigilang hindi ibato ang natitirang unan sa kama ko!

"Bwisit ka talaga, Negro! Ihanda mo ang sarili mo sa gagawin ko sa'yo! Manyak!"

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon