Chapter 11

13.8K 318 13
                                        

Chapter 11

Nadine

Dinala ako ni Kier sa bahay ng kanyang Lola kung saan palagi kaming tumatambay noon. Pagkapatay niya ng makina ng motor ay agad akong pumasok at masayang binuksan ang gate ng bahay. Nakita ko rin kasing nakabukas ang ilaw ng sala kaya excited akong pumunta doon.

"I'll gonna surprise Lola Salin." I said as I looked back at Kier. Inaayos pa niya kasi ang motor at helmet namin. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at tuluyan na akong pumasok.

"Lola, I'm home! It's Nadine! I miss you!" Sigaw ko at linibot ko ang paningin ko sa loob. Umalingawngaw lang ang boses ko.

Baka natutulog pa si Lola.

"Yuhoo. Lola! It's Nadine! Makikikain po ako ng sisig!" Masaya ulit na sabi ko at lumapit sa may hagdan kung saan maririnig niya ang sigaw ko mula dito sa ibaba. Nakapasok na rin si Kier at tahimik lang na nakamasid sa'akin.

"Uy Kier, wala naman yata si Lola dito e. Baka may pinuntahan." I told him. "Baka nasa mall naman siya, sunduin kaya natin?" Nagaalalang sabi ko rito. Matanda na kasi si Lola Salin pero lumalabas pa naman ito kasama ang isang kapit-bahay nila.

"Uy. Okay ka lang ba?" I snapped my fingers on the air as I stepped closer to him. He just smiled, sadly.

"Kier?" My forehead creased. Yumuko lang siya. "May...problema ba?" I asked. Hindi niya ako sinagot pero naglakad siya papunta sa isang couch. Naupo siya doon at binalik ang tingin sa labas ng bahay.

Agad akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Wala sa sarili akong napatingin sa loob ng bahay. Wala naman itong pinagbago. Nandoon pa rin sa isang sulok ang piano ni Lola. Umikot ako para makita ang ibang gamit pero kumunot ang noo ko sa isang litrato doon.

It'a a family picture. No---it's a clan picture. Linapitan ko 'yun at wala sa sarili kong kinuha. Hindi ko maintindihan kung bakit lahat sila ay nakaitim sa litrato. Nanginig ang kamay ko nang makita ko ang isang photo album.

Mommy Rosaline's journey.

That's the album's title. Nangilid ang luha ko at umikot akong muli para tignan si Kier. Malungkot siyang nakatingin sa'akin.

"She's just sleeping in her room. Tell me this is only---"

"It happened last year." He cut me off with his low voice. "Heart attack." He simply explained. My tears fall in instant. My lips parted a little but I can't utter a sound.

I thought I can still bond with Lola Salin. That I can still eat her own version of my favorite sisig. I thought this will be a good night for the three of us. I thought I can still hear her laugh with my corny jokes nor smile with my naughty tricks.

I thought...

"I thought I could still talk to her..." I murmured as my body's energy turned down in just a click. I walk towards Kier as he stood up and opens his arms for a hug.

Lola Salin is not just a grandmother to us. She treated me like her own grandchild. Mas mahal pa nga niya ako kaysa kay Kier. Si Kier ang pinapagalitan kapag nagsusumbong ako rito.

"Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya, Kier." I sobbed. Inalo niya lang ako hanggang sa tumahan na ako. Pinaupo niya ako sa sofa at kumuha siya ng tubig para sa'akin. Ramdam ko ang pagkamugto ng mga mata ko sa kakaiyakpagkatapos ng ilang minuto.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Kaya pala ang lungkot na ng bahay ni Lola.

"May mga pumupunta lang dito para maglinis." He started. I looked at him and nodded. He sighed. "Gusto ka niyang makita noon pero hindi na siya pwedeng maglibot. Nalagpasan niya ang unang atake noon pero noong naulit ay hindi na kinaya ng katawan niya." I can still feel the loneliness in his voice. Alam kong mas mabigat ang nararamdaman niya dahil si Lola Salin ang tumayong ina niya noon dahil busy sa trabaho ang mga magulang ni Kier.

"Sana lang ay natanggap ko ang balita noon. Baka umuwi sana ako dito." Puno ng pagsisising sabi ko sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko.

"She understands you." He whispered. "Besides, it's her who told you to pursue your dreams. I know she's very proud if you right now." That made me cry harder. Tulad ng sabi ko, pinagmamalaki rin ako ni Lola sa ibang kaibigan niya. Na hindi lang dapat sa pilipinas ginagawa ang talino ko kundi sa ibang bansa rin.

"She asked me to bring you here when you come back." He sat in front of me and held my chin up. He smiled then brushed my tears away. "And Nadie, she said she loves you, so much." I nodded.

"I love her too. So much." I cried.

------

Hindi ko alam kung paano kami nakauwi ni Kier sa bahay. Iyak ako ng iyak kanina habang nagku-kwento ito. Napakaimportante ni Lola sa buhay ko at masakit sa'akin ang nalaman ko.

"Ginabi yata kayo." Bungad ni daddy sa amin pero agad akong yumuko dahil baka makita niya ang mga mata ko.

"Nasiraan po kasi kami sa daan, tito." Paliwanag ni Kier habang pinapasok ang mga gamit ko. Dad lifted his gaze to me and I immediately bowed my head again.

"What happened? Did you cry?" He asked me seriously. Linapitan niya ako hinawakan ang baba ko. Agad akong umiwas ng tingin.

"What happened?" He asked Kier instead. Seryosong-seryoso na para talagang tono ng isang ama kapag nakikitang umiiyak ang babaeng anak nito.

"I told her about my grandmother. Kaya po siya ganyan." Paliwanag ni Kier. Saglit na natigilan si Daddy at tumingin ulit sa'akin. Hindi ito nagsalita ng ilang segundo bago huminga ng malalim.

"Just hope for her soul to be in peace now." He told me. I just nodded and hug him tight.

"Nasa kwarto na ang mommy mo. Gagabihin rin si Apollo dahil may project daw." Sabi niya ng kumalas ako. "You can go to your room now and take some rest." He told me and kissed my forehead.

Bumaling ako kay Kier at magpapaalam na sana ng magsalita ulit si Daddy.

"You too Kier, you can use the other room." Tumango lang si Kier. Nangunot ang noo ko.

"He'll sleep here?" I asked them. "I thought you'll go to your house--"

"Dito na siya natutulog, Nadine." Daddy answered. "And his room is just next to yours. It wouldn't be nice if you still let him drive to go to his home." He shrugged. "Besides, pagod na 'yan kakadrive."

My forehead creased. Wait, dito na siya natutulog?

"Huh? But it'll take only thirty minutes to---" I said again but Daddy raised his hands to cut me off again.

"Baby, just let yourselves rest for this day. Okay? And don't be rude. It's my way of saying thank you to Kier for taking good care of you while your Kuya Nathan's away." He smiled sweetly and nod his head to Kier. Tumalikod na rin siya sa'amin pagkatapos.

Naguguluhan akong bumaling kay Kier.

"Good night, Nadine. Take some rest."

Parang...may mali.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon