Chapter 9
Nadine
Tahimik ang unang isang oras namin na pagbi-biyahe ni Kier. Nagso-sound trip siya at naglalaro naman ako sa cellphone ko. Siya ang nagbuluntaryong maghatid sa'akin sa bahay nina mommy na sinang-ayunan naman agad ni kuya. Hindi na lang din ako umangal dahil nakikinig kanina si Yvette. Nakita ko pa ang paglukot ng mukha niya dahil ilang araw ring hindi niya makikita si Kier.
"Sorry nga pala." Pambabasag nito sa katahimikan. Agad akong napatingin sa kanya pero seryoso lang itong nakatingin sa daan.
"Drama mo?" I asked him. He just chuckled then shook his head.
"Talaga bang madali kang makalimot? Ilang bagok ba ng ulo ang natamo mo sa America?" Agad kong hinampas ang tiyan niya sa sinabi niya. Nagtatanong nga ako 'dba? Gago talaga 'tong taong 'to!
"Umayos ka, negro." Banta ko at inismiran ito. Napabuga lang ito ng hangin at natahimik. Binalik ko ang konsentrasyon ko sa paglalaro sa cellphone ko pero ilang sandali pa ng hindi ko na mahintay ang sunod niyang sasabihin.
"Hoy negro." Tawag ko rito. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba, taray! Parang hindi nagso-sorry kanina ang kuya mo.
"Hoy sabi e!" Hinampas ko ulit ang braso nito. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi naman ako natakot sa kanya. Binalik ulit niya ang tingin sa daan.
Talagang hindi niya ako kakausapin?!
"Hoy bakla." Biro ko at mas sumeryoso ito pero wa-epek pa rin ang beauty ko. Napasimangot na ako.
"Kier bakla. Kier bakla. Kier---"
"Try to say it again and I'll give you what you're looking for, Nadie." Banta nito sa napakaseryosong boses. Nakangiti ako sa isipan ko at sumandal sa upuan. Tumingin ako sa labas ng bintana.
Hinahanap pala ha, try natin.
"Bakla?" I whispered then giggled. "Kier bakla. Kier the forever bak---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at agad akong hinila para halikan.
Nanlaki ang mga mata ko! And oh, his lips are moving. It's not just a smack! Bago pa ako matempt na sabayan ito ay nabitawan na niya ang labi ko. Na-estatwa pa rin ako pero nakangiti na ito.
"Nadie baby, just say that word again. It's fine with me." He gave me another smack before he started again the engine.
Nang makakuha ako ng bwelo ay malakas kong hinampas ang braso nito.
"Do you want another kiss?" He asked. Tumawa ako ng peke at hinampas ulit ang braso niya.
"Gago ka! Nakakarami ka na ah! Hoy Kier, para sabihin ko---oh damn it!" Sunod kong hinampas ang manibela. Hindi ang halik ang dapat kong problemahin ngayon kundi ang sasakyan namin!
"Bakit mo kasi pinatay ang makina kanina?!" Asik ko at agad lumabas. Napatingin ako sa paligid at walang katao-tao ngayon dito. I picked up my phone and tried to call kuya but he's not answering. I dialed his number several times until my battery's already dead.
I need to get back to daddy's house within this day. Hindi ako pwedeng malate dahil ilang araw na lang ay babalik na rin ako sa America. Inis akong napasipa sa gulong ng sasakyan.
"May ginawa ka ba sa sasakyan bago tayo umalis ng bahay?" Seryoso at magkasalubong ang kilay ni Kier ng lumabas siya ng sasakyan. Umiwas ako at akmang babalik na sana sa loob ng hawakan niya ako sa braso.
"What did you do this time?" He asked. Hindi ako nagsalita. "I'm asking you, Nadine." He said again. Hindi pa rin ako nagsalita.
"Fine." He said in defeat. "Huwag kang magsalita hanggang sa mapanis ang laway mo. Hindi naman ako ang nagmamadaling makaalis ng Pilipinas. It's a benefit for me too, I won't take a long drive anymore." He told me then turned his back. Napapadyak ako sa frustrations.
Ako ang gumawa nito, bakit ako ang nag-suffer? Bwisit. Kailangan kong mag-ensayo sa mga kalkulasyon ko.
"I changed the battery to the oldest ones." I honestly told him. Napaawang ang labi niya at napatitig sa'akin. "And we need to charge the battery again or we can connect it to another car..." I bit my lower lip. Nakatitig lang siya sa'akin ng matagal at napailing. Kung gaano ako kafrustrated kanina, mas lalo sa kanya ng malaman niya ang totoo.
"At ginawa mo 'to dahil...gusto mo akong takasan?" He asked then sighed. "Alam mong mags-stop over tayo sa isang gas station, few kilometers from here. Doon ka tatakas sa'akin? Kung hindi ko hininto ang sasakyan, doon malo-low bat ang baterya nito. Ganoon ba?" I saw his jaw clenched. Tumango tango pa siya. Like he's already got the answer.
"Look, I just want you---"
"Out of your life?" He cut me off. Ramdam ko din ang galit sa boses niya. Bigla akong nakonsensya at napakagat sa ibabang labi ko. "Edi sana, sinabi mo na lang." He pointed at me.
"It's not like---"
"Paano nga, Nadine?" He shouted. Napapikit ako sa pagsigaw nito. "Ano ba ang mga 'to? Laro? Saka mo lang ba ako kilala kapag may kailangan ka? Ganoon ba ako sa'yo?" He asked. Umiling ako.
God, hindi ganito ang plano ko!
"Hindi mo ba talaga naisip na madadamay na naman ako rito? Matalino ka naman 'dba? Propesyonal ka sa ibang bansa! Kung sana, kanina mo pa sinabi na ayaw mo na ako ang maghatid sa'yo, edi sana nagtrabaho na lang ako doon sa resort!" Galit na galit na sigaw niya sa'akin.
"I'm sorry..." I just want to trick you, but I have a surprise for you. I wanted to add but I composed myself not to. May inihanda akong big bike sa gas station kaya ko pinalitan ang baterya para doon sana kami sasakay.
Parang noon lang.
We love roadtrips kaya kahit isang araw lang sana...maranasan ulit namin 'yun.
"Ano pa nga ba? Diyan ka naman magaling eh, sa paghingi ng sorry." He said sarcastically. Napayuko ako. Naglakad ito papunta sa likod ng sasakyan. "Where's the toolbox?" He asked me again.
I bit my lower lip.
"Iniwan ko sa resort." I bowed my head. Wala akong narinig mula sa kanya nabigla ako ng maglakad siya palayo sa'akin.
Iiwan niya ba ako rito? Galit na galit ba siya kaya niya ako iiwang mag-isa?
"Kier..."
"Just stay here. Titignan ko lang kung may pwede tayong mahingian ng tulong. Dito ka lang at huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong masakit sa ulo." Bilin nito at walang lingong iniwan ako sa kinatatayuan ko.
Sa lahat ng ginawa kong mga plano, ito ang pinakaayaw kong kinalabasan nito. Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob ng sasakyan at napayuko.
"Nakakabobo pala ang maging mabait, Nadie. Sana hindi mo na lang 'to ginawa. Ano naman kung hindi ka mag-thank you kay Kier?" Ngumiti ako ng malungkot habang kausap ko ang sarili ko. "Pero kasi naman, aalis na ulit ako. Gusto kong makapagpaalam ng maayos rito." Inis kong pinahid ang luha ko ng may tumulo.
"Bwisit. Bakit ba naiiyak ako?"

BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
Ficção GeralDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie