Chapter 4
Nadine
"Eat." He told me with full of authority. Nasa isang fast food chain kami ngayon at pinipilit niya akong pakainin. Sumimangot lang ako at inismiran ito.
Napahilot naman siya ng sentido.
"Kung balak mong hintayin ang sasakyan, may isa pa akong pupuntahan. Kung ako sa'yo, kainin mo na 'yan para hindi ka gutumin sa daan." Sermon na naman niya sa'kin.
"Why don't you get those stuffs from the car and just take a cab? Tapos ibigay mo sa'kin ang susi." I suggested. Tumawa lang ito ng mahina at umiling. Nakita ko rin na napipikon na ito dahil kanina ko pa kinukuha ang sasakyan kaso importante daw ang pupuntahan nito.
"No." He answered. Matigas pa ang boses niya kaysa sa bato. "Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naiintindihan? You need to eat because we have to bring those things on time. English na 'yun Nadine. Hindi mo pa rin gets?" Naiiritang sabi niya ulit sa'akin.
Wow ha?
"Ano ba kasi ang mga 'yun? Kailangan ba talagang gamit mo ang kotse ni kuya?" Hindi ko mapigilan ang hindi maging sarkastiko.
"Bakit ba ang dami mong tanong? Kung ayaw mong kumain, iiwan na kita rito." Akmang tatayo na siya kaya agad akong naalarma. Ayokong magpasaheros 'noh! Hinawakan ko ang braso nito at huminga ng malalim.
"I don't like chicken. I want beefsteak." I told him. Tinignan niya lang ako ng matagal.
"So? Go and order it for yourself. Hindi ito mamahaling restaurant at mas lalong hindi ako waiter." Utos niya kaya napasimangot ako. Umayos ako ng upo at humalukipkip.
"Sige. Maglalakad ako sa gitna ng mga 'yan." Banta ko. Tukoy ko sa mga lalaking nasa likuran ko. Tinignan ulit ako nk Kier at napailing na lang.
"Sakit ka talaga sa ulo kahit kailan, Nadine." Mahina pero seryosong-seryoso niyang sabi sa'kin. Hindi rin nagtagal ay naglakad na siya papunta sa counter at napangiti ako ng matamis dahil panalo ako sa oras na ito.
-----
"Anong nangyari? Bakit hindi mo naihatid ang mga 'yan?" Seryosong tanong ni kuya kay Kier nang makauwi na kami. Nasa library kaming lahat ngayon at galit si kuya. Ganoon ba talaga kaimportante ang mga bags sa sasakyan kanina?
"Sweetheart, let him explain." Payo ni Ate Vea rito kaya napahilot ito sa kanyang sentido. Tahimik lang akong nakaupo dito at nakikinig sa kanila.
"Kier, nangako ako sa mga bata na ngayon natin maihahatid ang mga gamit nila. Bakit? Anong nangyari? Bakit ngayon ka pa pumalpak?" Sunod-sunod na tanong niya ulit. Napakagat ako ng labi ko. Hindi sumagot si Kier ng ilang segundo kaya agad ring umahon ang kaba sa dibdib ko.
"Sumakit po kasi ang tiyan ko kanina." Mahinang sagot ni Kier. Tinignan lang siya ni Kuya.
Ako naman ay napahinga ng malalim.
"At kailan mo pa naging rason ang mga 'yan? Last time you went there, you were sick. Pinigilan ka nga namin noon pero kinaya mong dalhin ang mga gamit. Tapos ngayon, sakit sa tiyan?" Kuya asked him in disbelief. Lalo akong natahimik at kahit hindi ako tinitignan ni Kier ay alam kong galit ito sa'kin.
"At Kier, you ate your breakfast here. Hindi naman sumakit ang tiyan namin." Dagdag pa ni ate. Yumuko lang si Kier at naglakad naman si kuya paikot sa kanyang lamesa.
"Pasensya na, sir. Kung gusto niyo po, pupunta na lang ako doon sa foundation at ihahabol ang mga gamit ng mga bata. Medyo maayos na rin naman ang tiyan ko." He told kuya sincerely.
"Huwag na. Sa iba ko na lang ipapagawa. You can take a rest but make sure you'll report to my office tomorrow." Huling sabi ni kuya bago kami iwan sa library. Napayuko ako ng dumaan ito sa harapan ko dahil nagi-guilty na rin ako.
"Pagpasensyahan mo na ang Kuya Nathan mo. Intindihin na lang natin siya dahil importante sa'ming dalawa ang mga bata sa foundation." Payo sa'min ni Ate Vea bago sumunod kay kuya.
Ngayong dadalawa na lang kami sa loob ng library, hindi ko magawang itaas ang paningin ko rito kahit alam kong nakatitig na siya sa'akin.
"Are you happy now? You're welcome, Nadine." He said sarcastically as he started to walk away. He sounds so disappointed as kuya and it really made me guilty, big time. I bit my lower lip and tried not to speak up. I just sit here and watched him as he takes his steps forward.
I took a deep sighed. Fine, I'm guilty.
"Kier..." I called him. He paused but didn't look back. "I'm sorry." I apologized. He chuckled then face me. He looks so serious. Damn serious that made my heart beat really fast.
"Sorry?" He asked sarcastically. "For what? For putting the god damn drugs into my drinks? Or for being so stubborn and a selfish brat?" He added. Nagtaas rin ito ng tono sa'kin kaya napayuko ako.
I put some medicine to his coke when we're having lunch. Akala ko kasi, uuwi na siya kapag sumakit ang tiyan niya at ipapaubaya ang sasakyan sa'kin ni kuya. Pero hindi din pala dahil kailangan ng mga bata ang gamit nila.
Hindi naman nila kasi sinabi sa'kin.
"I didn't mean to." I said softly.
"Yeah right. Kailan ka ba kasi nagseryoso sa mga ginagawa mo? Kailan mo ba inisip ang ibang tao sa mga naging desisyon mo? Ha? Kailan mo ba inisip na may mga madadamay sa bawat galaw mo at may maapektuhan sa bawat maling gagawin mo?" He asked me seriously. Mas lalo akong napayuko. Hindi ko man gustong umiyak ay kusang nagpatakan ang mga luha ko.
Si Kier ang klase ng taong kapag galit, tagos tagos ang mga salitang lalabas sa bibig niya. Dapat aware na ako doon pero heto at napaiyak niya pa rin ako.
"Damn it, don't cry. Baka magalit na naman sa'kin ang kapatid mo. Nagtra-trabaho ako dito, Nadine. Huwag mong kunin ito sa'kin dahil ito lang ang meron ako ngayon. Huwag mong gawing rason ang sarili mo para magkasira kami ng kapatid mo." Mahabang linya nito. Hindi ko siya pinakinggan at agad ko rin pinunasan ang luha ko.
Hindi ko alam kung anong sinasabi nito pero isa lang ang naisip ko, mahal na mahal nito ang trabaho niya at seryoso siya bilang empleyado ni Kuya Nathan. Hindi siya nakikipaglaro at ang sinasabi niyang magbabayad ako, isa siguro ang gusto niyang makitang matino na ako.
"Stop being selfish Nadine. Kung nakalimot ka na, tigil na. Huwag mo akong idaan sa katalinuhan mo dahil alam mong mas lamang ako." Makahulugang turan nito sa'akin. Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko.
"Tsk." Hesaid before he turns his back to me, again.
BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
General FictionDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie