Chapter 51

14.2K 370 40
                                        

Chapter 51

Nadine

Tinawag ni daddy ang mga yaya ng mga pamangkin ko at pinabantay ang mga bata. Ngayon ay nasa library na kaming lahat at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko.

Nasa gilid ako, katabi si mommy habang si daddy ay nasa gitna. Kaharap ko naman si Kuya Nathan na kanina pa pinipigilan ni Ate Vea na dumapo ang mga kamay nito sa'akin. Sa tabi naman nila si Apollo kasama si Ate Lily at Kuya Austin.

"Ano ba Fhax, intindihin mo ang anak mo. Hindi mabuti ang pag-iyak niya sa batang nasa sinapupunan niya." Pagalit na sabi ni Mommy kay Dad habang yakap-yakap niya ako na parang prinoprotektahan ako.

"Huwag mong kunsintihin ang anak mo Naveen dahil alam nating mali ang ginawa niya!" Galit na baling ni daddy sa kanya. Nagsi-unahang tumulo ulit ang mga luha ko dahil mukhang ang mga magulang ko naman ang mag-aaway dito.

"What do you want me to do then? Feed her sermons like what you are doing right now?" Mommy asked sarcastically then brushed my back. "Buntis ang anak mo, baka nakakalimutan mo." Inis pang dagdag nito.

Pinunasan ko lang ang mga luha ko at yumuko lang. Takot akong magsalita dahil baka mas malala pa ang mga makuha kong salita mula sa dalawa kong kapatid na lalaki. Hinayaan ko lang ang mga luha kong lumabas.

"Yun nga eh. Bunsti siya, Naveen." Napahilamos si Daddy ng kanyang mukha. "Buntis ang anak ko sa taong hindi na siya kilala. Ano 'yun? Paano nangyari 'yun? Bakit nangyari 'yun?!" Tumaas pa lalo ang kanyang boses kaya napapitlag ako at napapikit.

"Mahal niya 'yung ama ng bata! Don't you get it, Fhax? Huwag mong isumbat sa anak mo ang nangyari dahil ganoon din ang nangyari sa pagitan natin noon! Try to open up your mind!" Tumayo si mommy at galit na galit na tinignan si dad. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay upang paupuin ulit at kumalma. Kanya-kanyang pigil rin sina ate sa mga katabi nila.

"At 'yun ang ayokong maranasan nila!" Daddy rebutted. "My daughters deserve nothing but the best. Hind ko na nga naprotektahan si Lily pati ba naman si Nadine?! Ano 'to? Karma?!" Hinampas niya ang lamesa na siyang nagpaiyak sa'akin lalo.

"Dad..." Pigil namin ni ate rito.

"At alam mo kung ano ang ikinagagalit ko? Dahil si Kier ang may gawa niyan sa'yo! Si Kier na kinupkop ko at itinuring na parang sarili kong anak!" He shouted then stood up. He walks towards the window and he brushed his fingers through his hair. Walang nagsalita sa'amin ng ilang segundo bago ako tumayo. Ate Vea and Ate Lily gestured me to stay still but I refused to.

Pinigilan rin ako ni mommy pero tinuloy ko lang ang paglalakad ko patungo kay daddy. Yinakap ko siya kahit pa para siyang semento at umiyak sa dibdib niya.

"Please forgive me..." I told him. "Sabi ko naman noon na ayoko pang mainlove pero hindi ko rin po napigilan ang sarili ko. I listened to all of your words but then...my love for Kier turned out this way." I sobbed then pulled his polo.

"Daddy, please forgive me..." I cried harder. "I'm really, really sorry."

Hindi pa rin gumagalaw si daddy kahit gaano pa katindi ang pag-iyak ko. Hindi rin ako lumayo at nakayakap lang sa kanya.

"Kahit...itong bata na lang ang tanggapin niyo. Kahit itakwil niyo na ako. Patawarin niyo po ang anak ko. Tanggapin mo po siya, Dad. Please..." I begged. I looked up to him but he's just staring at me blankly.

"Do I need to beg for my child?" I asked then smiled sadly. "Kasi dad, nandito na 'to eh. Hindi ko na pwedeng tanggalin 'to sa buhay ko. Hindi ko naman pwedeng alisin na lang siya dahil may buhay na rin siya. Kaya please, don't hate my baby..." Unti-unti akong lumuhod pero agad niya akong pinigilan at yinakap kaya bumuhos ulit ang luha ko ng maramdaman ko ang higpit ng yakap nito.

"I love you so much, dad. And I'm so sorry."

------

Months passed but Kier didn't really show up. Next moth na ang birthday ko at magta-tatlong buwan na ang tiyan ko. I even disposed all my sexy clothes and bought maternity dresses. Nakakatuwaan ko ring bumili ng mga gamit pangbata. Sa ngayon ay 'yung perang naipon ko galing sa America ang ginagamit ko dahil wala naman akong trabaho. Dad's still giving me monthly allowance but I told him not to bother anymore at kung gusto niya, sa anak ko na lang.

"Piggy, are you ready?" I heard Ate Lily from the outside. I frowned at myself from the nickname she gave me.

"Whatever ate." I rolled my eyes then took my bag. Inismiran ko siya pagkakita ko sa nakangiting mukha niya.

"Ayos 'yan kapatid, lihi pa. Kapag 'yang anak mo, kamukha ko...kukunin ko 'yan." Banta niya kaya inirapan ko ulit siya.

"You wish." I rolled my eyes again. "Hindi for sale ang anak ko. Gumawa ka ng sa'yo."

Tumawa siya at sabay kaming sumakay sa sasakyan niya. Wala 'yung mga anak nila at kaming dalawa lang ang lalabas.

"Hirap gumawa ng bata, ano? Pinagpapawisan ka pa." She giggled then wiggles her eyebrows. Napatigil ako at napanganga sa kanya.

"What the hell ate, naririnig ka ng baby ko!" Singhal ko at napahawak sa tiyan ko. Tumawa ulit siya ng malakas kaya napailing na lang ako.

"Saan ba tayo pupunta? At wow ha, ikaw na ang magsu-surprise ng bahay kay Kuya Austin. Mayaman ka na?" Biro ko at ngumiti. Ngumisi lang ito at nagkibit balikat.

May plano sana siya na bumili ng bahay. Para daw mas malapit kina mommy. Hindi ko alam kung bakit pa, eh kasya naman kaming lahat sa family house namin.

"Ikaw ba, ayaw ko ng sariling bahay?" She asked out of the blue.

I sighed then look at the road.

Sana. Kung nandito si Kier. "Hindi pa naman kami pinapalayas ni daddy kaya doon na muna kami. Mas tipid." Tumawa ako kaya tumawa rin siya.

Marami pa kaming napagkwentuhan habang nasa daan kami papunta sa sinasabi niyang location. Hindi naman nagtagal ay narating rin namin 'yun.

"Awesome." Bulalas ko nang matanaw ko ang malaking bahay. Ate excitedly get off the car then gestured me to follow her inside.

"Kapapatayo lang ba nito, ate? It looks like one. Hindi ka pala bumili, nagpatayo ka na pala!" I exclaimed as I roamed my eyes around it.

"Ako pa? Anyway, can you check the master's bedroom? Sa kusina lang ako. Mas may taste ka when it comes to interior eh." She asked and I immediately nodded.

I can now imagine Shaine and Crain's voices. Even Audrianna. Tiyak na magugustuhan dito ni Shaine. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Do you want mommy to buy a house too?" I asked my little kid. Hindi man ito sasagot pero napangiti pa rin ako ng maimagine ko 'yung magiging mukha niya.

"Hayaan mo, kapag malaki-laki ka na, we'll buy our own home too." Sabi ko ulit bago makarating sa second floor.

I smiled then took a deep breath before opening the door and when I did, my lips formed into a big O as tears fall instantly.

Isang pigura ng lalaki ang bumungad sa akin habang nakangiti ito at may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. He showed me his perfect set of teeth and I can't help but to cry as well.

"Kier..." I cried as I saw him again. May hawak itong bulaklak habang nakatayo sa isang gilid ng kwarto. Tinitigan ko ang mga mata nito at mas lalo akong niyak nang makita ko ang paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko.

He's here and he's back.

"You're...you're here." I absentmindedly said. Lumapit siya sa'akin at ibinigay ang dalang bulaklak.

"I'm sorry for letting you wait for months. I promise, I'll make things right." He told me as his tears fell too.

"Please forgive me, my forever gorgeous and smart Nadie baby."

I hugged him tight as my tears fell because of happiness.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon