Chapter 3

18.5K 396 31
                                    

Chapter 3

Nadine

Tahimik kaming lahat buong biyahe habang pabalik sa resort. Si kuya ang nagda-drive habang nasa kabila naman si Ate Vea habang karga si Vaughn. Nasa likuran naman kami ni Nathania at katabi niya si Kier.

"Baby, we should go out and shop next Saturday. Isama natin si Crain at Crishaine." Basag ko ng katahimikan at napabaling kay Nathania. Ngumiti lamang ito at tumango.

"But Auntie, I still have a lot of things in our house. Every month akong binibilhan ni daddy. Hindi ko naman kailangan ng madaming gamit." Narinig ko ang pagtawa ni kuya sa sinabi ng anak niya. Napalabi naman ako at hinawakan ang kamay ni Nathania.

"Eh, kahit na. Alam mo baby, kahit bilhin mo ang buong mall, hindi magagalit ang daddy mo sa'yo. Ako nga ilang cards---"

"Nadie, don't." Putol ni kuya sa pagsusuhol ko sa anak nito. "I'm spoiling her but she knows her limit." Paalala pa ulit niya sa'kin. Napasimangot lang ako at tumango. Hindi na rin ako nagsalita at tumingin lang sa dinaraanan namin.

Bigla namang tumikhim si Kier. Hindi ko siya tinignan pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko, he's looking at me. Umirap lang ako para makita niyang naiinis ako sa kanya.

"Sir Nathan, balak ko po sanang mangupa ng isang villa for two weeks o kung madaming guest, sa bahay ni Mang Kanor na po muna ako makikitulog." Tawag niya ng pansin kay kuya. Hindi ako nakialam at nakinig lang.

"Wala kang matutulugan kina Mang Kanor dahil malaki ang pamilya niya, Kier." Sagot naman ni kuya. "At walang problema sa'kin sa mga villa pero naisip kong baka ayaw mong makasama si Nadine sa bahay kaya nag-usap na kami ng asawa ko na doon rin muna kami sa bahay." Pagsu-sulosyon niya sa concern ni Kier. Napataas pa ako ng kilay. Wow ha? Hindi niya talaga gustong makasama ako?

Ang kapal ng mukha ni Negro! Ako talaga? As in ako? Sa ganda kong ito?

"Ang magiging problema lang ay ang paghatid ko kay Nathania sa eskwelahan---"

"I'll do it." Putol ko sa sinasabi ni kuya kaya napatingin ito sa'kin gamit ang rear view mirror niya. Nagkibit balikat lang ako at ngumiti. "I can do it." Dagdag ko. Huminga lang ito ng malalim.

"If you insist." Nakangiting pagsang-ayon nito sa'kin kaya napangiti rin ako ng malapad. I mouthed him okay then leaned back again. Nakita ko pa ang pag-angal ni Negro pero tinaas na ni kuya ang kamay nito.

Buti nga! Masyadong pa-epal! I rolled my eyes.

"Let her." He spoke. Hindi ko alam kung para saan pero hindi na ako nagtanong pa. Hindi naman ako interesado.

------

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para hindi ako ang dahilan ng pagka-late ni Nathania. Ihahatid ko lang ito at balak ko sanang pumunta sa mall pagkatapos. Tiyak na ipapahiram naman sa'kin ni kuya ang kotse nito kaya wala akong magiging problema.

Nagsuot lang ako ng short shorts at hanging blouse dahil mainit. Sandals lang din ang pang-paa ko. I put some powder to my face and a lip balm. Tinali ko rin ang mahabang buhok ko. Dala ang cellphone at wallet ay bumaba na ako.

"Mom, I'm fine. May canteen po sa school." Rinig kong reklamo ni Nathania pagpasok ko sa kusina. Wala na si kuya at tanging si Ate Vea at Vaughn na lang ang nandito.

"Oh siya. But make sure it's healthy, okay? Huwag kang masyadong kakain ng junk foods." Paalala ni ate rito bago ibigay ang bag niya. Linapitan ko naman sila.

"Breakfast? Anong gusto mo?" She asked but I shook my head and smiled shyly.

"I don't eat heavy breakfast ate. Mamaya na lang." Kako at agad hinila si Nathania. Paglabas namin ay doon ko naalala ang susi pero agad akong nadismaya ng makita ko si Negro na nakapamulsa at nakasandal sa isang kotse ni kuya. Magtatanong pa sana ako kung ano pang ginagawa nito pero lumapit na sa kanya si Nathania at sumakay sa kotse.

Wait. As far as I know, I volunteered myself to drive Nathania to school, right?

"Auntie, c'mon. I'll be late." Tawag pa ng pamangkin ko kaya kusang humakbang ang paa ko papunta sa likuran para naupo.

"Madami pong dinala si Uncle Kier." Turo ni Nathania sa mga bags na nasa espasyo sa tabi niya. Hindi ko mapigilang hindi tignan si Kier.

"What's this? Hindi ka ba na-inform na gagamitin namin ang sasakyan para---"

"This is an order from my boss, lady. If you keep on talking, better stay here. Male-late na ang alaga ko." Pagpuputol nito sa'akin kaya agad tumaas ang dugo sa ulo ko.

Aba, ano daw?!

"Hoy---"

"Let's go, Nathania." Putol niya ulit at inabante ang sasakyan. Inis akong napapadyak at padabog na sumakay sa passenger seat. Hindi ko naman narinig ang tawa niya at talagang seryoso nga siya.

Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko at feeling ko, naisahan ako ni kuya. Pilit kong inaalala kung mayroon ba siyang nasabing makakasama namin si Kier ngayon pero wala naman akong maalala.

Lalo tuloy akong naguluhan sa trabaho ni Kier sa resort. Boss niya daw si kuya, pero heto at taga-hatid naman siya ni Nathania. Hindi ba dapat nasa opisina siya?

"Uncle Kier, can you help me with my science homework later? Kung may experiment kami ulit." I heard Nathania asked Kier. Hindi ko mapigilang hindi siya lingunin. Nakangiti ito at nakatingin sa rearview mirror.

"Masyado kang nawiwili sa science ah? Ayos ba ang mga tinuturo ko sa'yo?" He asked sweetly.

"Yup!" Nathania answered happily. "The best po kayo. Palagi po akong top one e." She proudly added. Hindi ko man gustong maramdaman ang inggit pero naiinggit ako. Pamangkin ko si Nathania. I love science pero iba ang nagtuturo sa kanya. Iba ang idol niya.

"Si Auntie Nadine rin po pala, mahilig sa science. Mommy said you two were classmates and also a team when you were in high school and even college." Napatingin ako kay Nathania na nakangiti sa'kin. Ngumiti lamang ako.

"Yeah." Kier nodded. "Palagi kaming champion noon. Make your Auntie your inspiration. Tignan mo, ang layo na ng narating niya." Bilin pa niya sa bata. Napatingin ako ulit sa kanya pero nakatingin lang ito sa daan. Wala naman akong nakapang pang-huhusga sa mga salita niya.

"Eh, champion pala kayong dalawa. Bakit si Auntie Nadine lang nagtrabaho abroad? Bakit hindi ka sumama? Team po kayo, 'dba?" She asked again. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nito. Huminga na lang ako ng malalim pero wala pa rin akong narinig na sagot ni Kier.

"Nathania---"

"Little miss, nandito na tayo." Agad akong napatingin sa paligid at nasa harap na pala kami ng eskwelahan ni Nathania. Lumabas naman kami ng sasakyan at humalik pa siya sa pisngi ko bago lapitan si Kier.

"Thank you, Uncle Kier." She told him as she waved her hand. Nginitian lang siya ni Kier at pumasok ulit sa sasakyan.

"Next time, don't wear that kind of clothes. Iba ang pilipinas sa ibang bansa. Sa kinis at puti ng balat mo, tiyak na makakakuha ka talaga ng atensyon." Agad na sermon nito sa'kin pagkasara ko ng pinto.

"Why do you care?" I asked rudely. Ngayon naman siguro ay pwede ng magtaray dahil wala na kaming batang kasama.

"Because you're with me. Kung hindi mo napansin kanina, para ka na nilang hinuhubaran sa klase ng pagtitig nila sa'yo. Pwede ba, Nadine? Ayokong makapatay ng tao. Ayoko pang makulong at mahal ko ang trabaho ko." Sermon niya ulit. Napatawa naman ako ng mahina.

"Anong kinalaman ko sa trabaho mo? Pwede ba, Kier." Umiling ako at napasandal sa upuan ko.

"Wala." Balewalang sagot niya. "Ano ba naman kasing pakialam mo? Palagi namang wala 'dba?" He said sarcastically that formed my lips into o.

Hugot bitter ba 'yun?

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon