Chapter 40
Nadine
Hindi ko alam kung bakit nangibabaw ang inis kaysa sa sakit na nararamdaman ko. Imbes na makatulog na ako ay mulat na mulat ang mga mata ko dahil sa eksena kanina.
Hearing those ugly words from Kier is not pretty at all. Seeing how he looked at Jillien with so much affection made my whole system down. May tiwala ako sa sarili ko na kaya kong bawiin si Kier dahil memorya lang naman niya sa'akin ang nawala. Our hearts will always be connected. Tiwala ako diyan.
Napabuga ako ng hangin at naupo sa kama. Napatingin ako sa itaas at napalabi bigla.
"Lord naman, nag-away na nga kami ni Jenny, hindi pa ako maalala ni Kier? Lesson ko po ba ang mga 'to?" I asked God. Para akong tanga pero alam kong pinapanood niya lang ako. Binagsak ko ulit ang sarili ko pagkatapos ng ilang segundo.
"Unang pasakit lang 'to Kier. Inaasahan kong mas mahihirapan ako sa mga susunod na makikita at gagawin mo pero alam kong worth it itong gagawin ko." Buong tiwala kong pahayag sa ere at tinapik ang dibdib ko ng mahina.
"Kung kinakailangan kitang gamitan ng mga inimbento ko, gagawin ko." I added. Ibinaling ko ang katawan ko sa isang gilid para makita ang litrato niya.
"I miss you, Kier. Good night babyboo." I whispered as I slowly closed my eyes.
------
Isang linggo na ang lumipas at lihim pa rin akong pumupunta sa bahay nina Kier. Every day ko rin silang nakikita ni Jillien na sweet.
Nakakairita at ang sarap ihampas sa pader ang babaeng pangit na 'yun. Lalo na kapag nakangisi ito sa'akin, halata namang sinasadyang ipakita ang pagiging sweet ni Kier. Hindi naman ako talagang maharot pero nainisp ko tuloy minsan na dapat may sex video kami ni Kier para ipamukha sa kanya na mas maalaga si Kier sa'akin noon.
Pero joke lang. Gusto ko pang mabuhay at may respeto pa ako sa mga magulang ko. Minsan rin naiiyak ako pero pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Sino pang aasahan ko kundi ako 'dba? Love is really magical. It can make an impatient person wait.
Iisa lang ang dahilan ko, si Kier.
"Wait kuya, since ako ang dadaan sa studio nina Ate Jillien, sa'akin na lang siya sumabay. Isama mo na lang si Ate Nadie tutal kaya niya namang magdrive---"
"What? No way." Napairap ako. See? Epal. Ambisosya. Pangit at chaka.
"We'll be late if sama-sama tayo, ate. The resort will only accept their chosen visitor. Kung male-late tayo kahit thirty minutes lang, our ticket will be useless." Paliwanag ni Kiyana sa kanya. Ngumuso rin si pangit at bumaling kay Kier. Yinakap niya ito at pinagmukhang kawawa ang pangit niyang mukha.
Bwisit. Ang sakit sa mata. Kairita.
"Kami naman ng daddy niyo rito kasama si Gil. Ingat sa pagdri-drive." Pagkasabi ng plano ay nauna na akong tumalikod dahil ayokong nakikitang hinahalikan ni Jillien si Kier sa labi. Alam ko na 'yun dahil nakikita ko sila kapag papunta na sa trabaho si Jillien.
At pinapangako ko, kapag nagbalik ang alaala ni Kier ay ipapahalik ko talaga ang steel brush sa labi ni pangit.
Umupo na ako sa driver's seat at binigyan pa si pangit ng irap. Ngumiti lamang ito ng matamis. Pumasok na rin si Kier pero parang may nakalimutan kay lumabas ulit at lumapit kay Kiyana. Pasimple kong kinuha ang cellphone niya at pinatay ito.
Before I started the engine, his dad instructed us to just meet them at the resort. Bumusina lang si Kiyana bago kami naghihiwalay ng daan.
Katahimikan naman ang bumalot sa'amin ni Kier habang nasa biyahe. Hindi rin niya pinansin ang cellphone na siyang ipinagpapasalamat ko sa itaas.
"Kier..." I called him using my soft tone. He just gave me sideway glances. I gulped.
"Magaling na ba 'yang mga sugat mo?" I asked. Alam kong late na akong nagtanong pero nabibingi ako sa katahimikan. Nakita ko ang paghaplos nito sa tuhod niya. Magaling na siya pero paika-ika paring maglakad.
"I'm fine." Tipid niyang sagot at tumahimik ulit. Tumango-tango naman ako.
"Ano ba kasing nangyari diyan?" Tanong ko ulit.
"Isn't it obvious? I got it from an accident." He answered irritably. Nabigla ako pero hindi ko 'yun pinahalata. Nakakatawa. Ni minsan, hindi nairita si Kier sa boses ko. Mas naiirita pa nga siya kapag hindi ako nagsasalita.
Bigla akong nalungkot at may namuong luha sa gilid ng mga mata ko. Tumulo ito ng makita kong sinalpak ni Kier ang kanyang earphones sa tenga niya.
Hindi niya ako gustong kausap. Naiirita siya sa'akin. Agad kong pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim. Sa daan na lang ako tumingin.
Mas masakit pala kung nasosolo ko si Kier. Dahil ramdam na ramdam ko kung gaano siya kalayo sa'akin kahit katabi ko lang naman. Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa pero parang may bundok sa pagitan namin sa paraan ng pag-iwas niya.
Ibang-iba na siya sa mahal ko. Siguro, kung maayos kami ngayon ay ako na ang naiinis dahil sa kayabangan niya. Siguro ay tumitili na ako dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.
Siguro. Hanggang siguro na lang ako ngayon.
"Hindi ko 'to napaghandaan." Bulong ko. "Putangina, nakakamiss ang dating ikaw, Kier." Bulong ko pero siguradong hindi niya maririnig dahil dinig ko ang lakas ng tugtog niya na nagmumula sa cellphone niya.
Sinulyapan niya ako ulit pero nakakunot ang mukha nito. Humingi lang ako ng paumanhin at ngumiti ng pilit. Binalik ko na rin ang tingin ko sa daan at ang isang bahagi ng isipan ko ay inalala ang naplano namin ni Kiyana. Pasimple kong tinignan ang rear view mirror, wala ng nakasunod sa'amin. Malamang ay dahil iilan na lang ang dumadaan rito.
'Wala ng urungan 'to Nadie. Hindi ka na pwedeng magback out. Suportado na ang ina at kapatid ni Kier dito. Gawin mo na lang ng tama.' Mahinang bilin ko sa sarili ko at napahinga ulit ng malalim.
"Ayoko pa rin sa'y, pero alam kong ikaw talaga ang mahal ni kuya kaya ginagawa ko 'to. Tutulungan kitang mabawi siya pero ipangako mong aalagaan mo na ang kapatid ko." Kiyana's words echoed in my mind once again.
Tumango-tango ako at kinalma ang sarili ko bago iliko ang kotse papunta sa chopper na naghihintay sa'aming dalawa. Tinulungan naman agad kami ng piloto at si Kier para maisakay sa chopper.
Bago ako sumunod, I gently tapped my cheeks then flashed my sweetest smile. I took my cap then put it on my head.
"Bye for now Nadie baby." I told myself then sighed. "Welcome back, Nadie the tricky." Ngumiti ulit ako bago tuluyang lumabas ng kotse.
Nakita kong nakakunot ang noo ni Kier habang nakatingin sa gawi ko. Mas binagalan ko ang paglakad at sinadyang makita niya kung gaano kahapit ang suot kong dress sa katawan ko.
I laughed softly when I saw his lips parted a bit. Tapos umiling ito at umayos na ng upo.

BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
Fiksi UmumDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie