Chapter 19

13.6K 310 11
                                        

Chapter 19

Nadine

Matapos ang walang humpay na kanchawan ay nagpaalam kami ni Kier para mapuntahan ko ulit ang bahay ni Lola Salin. Agad naman akong pinayagan ni daddy at mommy kahit na mamayang gabi na ang flight ko pabalik ng America.

"Hoy Negro, may tanong ako." Sabi ko rito habang naglalaro ako sa cellphone ko. Nasa kusina kami ngayon at sinusubukan niyang magluto ng own version niyang sisig gaya ng linuluto ni Lola sa'amin noon.

"Hmm?"

"Nagka-girlfriend ka ba noon?" I asked out of the blue. Bumaling siya sa'akin saglit at nagkibit balikat lang ako.

"Oo naman." He answered confidently. "Anong akala mo sa'kin? Santo? At sa gwapo kong 'to?" Biro niya kaya napasimangot ako. Nagbabalik ang Kier na pilosopo! Mabuhay! Binalik ko ulit ang tingin ko sa cellphone ko.

"Ilan?"

"Dunno." He shrugged. Napatigil ulit ako at binigyan siya ng tingin. Nakatalikod pa rin siya sa'akin at hindi man lang niya nagawang lumingon.

"Nagseryoso ka na ba sa isang relasyon? Kahit isa lang sa dunno na bilang ng mga babae mo?" I asked again. Tinignan niya ako ng nakakaloko at ngumiti.

"Of course, ako pa?" He wiggles his eyebrows. Bigla naman akong nacurious sa lovelife niya kaya linapag ko na ng tuluyan ang cellphone ko sa lamesa at nakipag-usap rito.

"Sino naman siya? What's her name? Saan mo siya nakilala?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang nakatutok ang mga mata ko rito. Tumingin ulit siya sa'akin at nakita ko lang ang tuwa sa mga mata niya.

He turned the stove off and put the plates on the table. Siya ang nagprepare lahat at pinanood ko lang ito. Nang makaupo siya sa silya sa harapan ko ay abot tenga ang ngiti nitong kumindat sa'akin. Napanguso lang ako.

"Her name is Jillien. But I call her Jillie." He answered my first question. I mentally rolled my eyes.

"Why do you call her Jillie? Her name is Jillien. You should call her Jillien." I can hear my bratty tone. Seriously? Jillie? Duh.

"But your name is Nadine and I call you Nadie. Same as with her." He smiled again then shrugged. I just nodded but didn't say anything again.

Oo na, siya na mahilig magbigay ng pangalan. Edi wow. Ano naman ngayon? Napatingin ulit ako rito ng magsimula siyang kumain. Bigla akong na-curious kung ganito din ba si Kier sa Jillien na 'yun. Pinagluluto kaya niya 'yun?

"Do you still have questions Nadie?" Tanong niya ulit ng mag-angat ng tingin sa'akin. Umirap ako at sumubo ng linuto niya. Kier's not a good cook but he can cook. Hindi ko lang alam kung nag-improve ba ito pero nang malasahan ko ang luto niya ay namangha ako.

It's delicious! Nakita niya ang reaksyon ko kaya ngumiti ito ulit sa'akin. I raised my okay sign as my response.

"Did you cook for Jillien too?" I asked out of curiosity again. Tumango ito kaya napasimangot na naman ako.

"Rode on a big bike?" He nodded again. Tinignan ko siya ng masama. Bakit lahat ng ginagawa namin ay ginawa nila?

"Is she pretty?"

"Her face isn't that angelic as yours but she's pretty enough to be a head turner." He sounds so cool answering my question.

"Does she love science?"

"Nope." He said while shaking his head. "She loves photography. She's a photo journalist now here in the Philippines." He added. Hindi na ako nagkomento at kumain na nga lang. Napaisip ako tuloy kung ano nga bang naging buhay ni Kier pag-alis ko noon. Gusto ko pang magkwentuhan kami pero huwag na lang. Tinatamad akong magsalita. Lalo na kapag nakikita ko ang kislap sa mga mata niya kung nag-uusap kami tungkol sa Jillien na 'yun.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon