Chapter 48

12.6K 280 28
                                    

Chapter 48

Nadine


"Dad!" Pasigaw kong awat kay daddy matapos niyang suntukin si Lance pagkakita niya sa'amin kanina. Sinaklolohan naman siya ni Ate Cristy at ako naman ay pumagita habang hawak ni Apollo ang braso ni Daddy.


"You son of a bitch!" He's about to punch him again when I moved in between them. I frustrated run my fingers through my hair then sighed but my tears just naturally came out.


"Hindi po siya si Kier." Mahinang sabi ko at itinuro pa si Lance. Kumunot naman ang noo ni Daddy at muling tinignan si Lance. Umiba naman ang timpla ng mukha niya pagkatapos.


"At nasaan na 'yang walanghiyang Kier na 'yan kung ganoon? At bakit ito ang kasama mong bumalik?" Apollo butt in. Itinuro pa niya si Lance at ramdam ko rin ang galit sa boses niya na parang mas matanda siya kaysa sa'akin.


They all waited for my answer but I just bowed my head. I can't tell them what happened. I'm sure they'll hunt him and do whatever comes into their mind. Alam kong may ideyang pumasok na sa isipan nila pero hindi ko pa rin gustong idetalye sa kanila.


"This is what I'm telling you." Sermon ni daddy sa'akin at napailing. Kitang-kita ko na parang may nawala sa kanya. Na parang nadismaya siya. Masama ang tingin nito sa'akin bago niya binalingan si Lance.


"Sir---"



"Back off. This is between me and my daughter." Putol ni daddy kay Lance nang magtangka itong sumabat. "You can go now." Pagpapalayas pa nito at walang kangiti-ngiting nagsalita. Napayuko naman si Lance at muling bumaling sa'akin. He nods his head before he excused himself.


"I already told you, I didn't work hard just to see you begging for someone else's attention. Ano ang hindi mo naintindihan doon, Nadine? Hindi ba malinaw sa'yo na kami ng mommy mo ang nasasaktan sa mga ginagawa mo? Anong napala mo ngayon? Maipagmamalaki mo ba 'yang mga luha mo?" Napakaseryosong tanong nito sa'akin. Walang nagtangkang pumigil sa kanya kahit pa si Ate Lily.



Napayuko ulit ako at tahimik lang na umiyak. Napuno ng hiya ang buong katawan ko dahil sa sinabi nito. Dahil alam kong totoo.


"I gave you what you deserve and spoil you in so many ways so you'll differentiate a man from a guy. For you to find a man who can treat you better than I did. For you to choose a man whom you can be with." Sabi ulit niya sa'akin pero mas maalumanay na ito at nagkaroon ng emosyon ang kanyang boses.


"If you can't stay away from him, I'll make him---"


"Don't..." I whispered as I looked up to him. I held his hand and shook my head. "Please don't...ako po 'yung nagplano." Napayuko ulit ako at hiyang hiya na umamin rito. Hindi ito nagsalita at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.


"Dad...I'm sorry."


"I'm so disappointed, Nadine." Huling sabi nito sa'akin bago kami talikuran. Wala akong nagawa kundi panoorin siyang naglakad palayo habang umiiyak.


"Nadie, just let daddy's anger subside. Pabayaan mo muna siya. He expected too much from you." Pagpapanatag ni ate sa loob ko nang lapitan niya ako.


Umiyak lang ako at napayakap sa kanya.


"Mahal ko kasi si Kier kaya ko 'yun nagawa at umasa ako na maibabalik ko ang dating kami." Bumuhos ulit ang luha ko at naramdaman ko lang ang paghagod nito sa likod ko.


"Pero masakit pala na hindi na ka mahal ng taong mahal mo. At mas masakit dahil hindi na niya ako maalala. At kailanman, hindi na niya maaalala na may isang babaeng may pangalang Nadine sa buhay niya."


------

Nasa kwarto ako ngayon at nagkukulong lang. Nakaligo na ako at lahat pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. I took my phone and watched Kier's video again.


Nag-iinuman sila ng mga kabarkada niya noong high school kami habang nakaharap naman siya sa video oke. They're just forcing Kier to sing a song as his friends gave him the microphone at umalingawngaw ang kanta ni Bruno Mars na It Will Rain. Nagpalakpakan ang iba noong tinaggap niya ang mic at tumayo pa ito.


He sang it with his heart and his friends just waved their hands on the air. This video was from one of his geeky friends who's not into bar and such things. Ipinasa lang ito sa'akin.


"Every day it'll rain...rain...rain...rain..." Kanta nito sa huling parte bago humarap sa kaibigang may hawak ng cellphone.


"I love you so much, forever gorgeous and smart Nadie baby." He smiled genuinely and waved his hand. Napuno ulit ng kanchawan ang paligid.


"Mahal pala? Gago, ba't mo papakawalan?" I heard them asked him. He just stopped for a moment then sat on the couch. Tumingin ulit siya sa direksyon ng camera at ngumiti ng pilit.


"Letting go doesn't always mean, you'll stop loving them. It's just letting them walk away from you but you can still watch them from afar."


"Ulol. Ang gulo. Tangina mo, dami mong satsat. Puntahan mo na lang at ayusin mo ang problema niyo!"


Sigaw ulit ng kasama niya. Hindi ito nagsalita mayamaya pero tumayo siya at lumapit sa camera.

As in malapit.


"Nadie baby, wait for me, okay? Pupuntahan na kita ngayon. Okay lang na galit ka, basta mahal na mahal pa rin kita." Tutok na tutok ang mga mata niya sa camera na akala mo ay nagvi-video call siya noon.


Pigil na pigil ko ang pag-iyak ko dahil baka marinig nila ako. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko.


"Kier..."


Napahagulgol na ulit ako ng maivideo pa ang pagsakay nito sa kanyang motor.

Motor kung saan siya maaaksidente at kung saan siya mawawalan ng alaala.


"Kier naman..." Mahinang bulong ko ulit at napaupo sa kama ko. Masakit rin ang lalamunan ko dahil sa pagpigil ko ng iyak ko.


"Nadie..." I heard mom from outside so I immediately wiped my tears away then fake a smile when she opened the door.


"I brought you milk. Are you okay?" She worriedly asked. I just nodded then snaked my arms around her waist as soon as I can reach her.


"Anak." That word made my heart melt. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at mas hinipitan ang yakap kay mommy.


"I'm sorry. I'm really sorry." I apologized again. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim at hinagod ang likod ko.


"Why are you saying sorry? Nagmahal ka lang. Ganoon lang ang daddy mo dahil hindi ka niya naprotektahan." Pagpapanatag niya sa'akin.



"He's mad at me. Alam ko naman 'yun, mommy. At kasalanan ko---"


"Sshh...everybody makes mistake anak." Putol niya sa sinasabi ko at kumalas sa pagkakayakap ko. Hinaplos nito at buhok ko at inayos ang higaan ko. "Kahit anong kasalanan mo, mamahalin ka pa rin ng pamilya mo. At 'yang sakit na nandiyan sa dibdib mo ngayon, ibinigay 'yan sa'yo para tumibay ka pa lalo. Hindi para ika'y sumuko." She said as she smiled at me warmly.


"Kayong mga anak namin ang pinakamagandang natanggap naming regalo. Huwag niyong hayaan na maltratuhin lang kayo ng ibang tao. Mahal na mahal namin kayo ng daddy niyo at kaligayahan niyo lamang ang iniisip namin pareho."


Sabi nito sa'akinbago punasan ang luha ko.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon