Chapter 5

15.3K 380 20
                                    

AN: Hello guys. I am just fixing this book. Hopefully mapopost ko na lahat ng chapters next week. Salamat sa pagbabasa :D

you can add me on:

FB: Mariel Louise WP
IG: its_mariellouise
Tiktok: its_mariel1804

Thank you!

--------------------------


Chapter 5

Nadine

Mas pinili kong magsolo buong maghapon kaysa sa makialam ulit sa ginagawa nila. Linibang ko ang sarili ko sa pag-ikot sa resort at subukan ang mga bago nilang paandar. Mas lumawak pa kasi ito kaysa noong huli kong punta dito. Mas marami ring turista at mas nakikilala dahil sa magandang feedbacks ng mga nakapunta na dito.

"Good evening po, Ma'am Nadine." Nakangiting bati ng mga empleyado sa'kin at gumaganti lang ako ng ngiti. Dala ko ngayon ang camera ko dahil gusto ko rin sanang kuhanan ang mga iba't ibang bahagi ng resort dahil mas maganda dito kapag palubog na ang araw.

"Diyos ko, bagay na bagay talaga ni Sir Kier ang maging daddy! Tignan mo oh, kung hindi ko lang alam na anak nina Sir Nathan si baby Vaughn ay sasabihin kong anak niya ito." Napatigil ako at napalingon sa babaeng nagsalita. Nakatingin sila sa ibang direksyon kaya napatingin rin ako doon.

Nakita ko si Kier na nakahawak kay Vaughn. Naglalakad silang dalawa habang preskong-presko ang dating. May sinasabi pa si Kier rito at nakita ko ang pagngiti ng batang kahawak kamay niya. Himala, hindi umiiyak ang pamangkin ko.

"Ang swerte-swerte naman ng babaeng mapapangasawa niya. Yummy na nga, responsable pa." Rinig kong sabi pa nila. Hindi kasi nila alam na nasa likuran nila ako kaya siguro gora kung makapag-chismis ang mga 'to.

"Oo nga, swerte ni Yvette." The other girl said. Napatingin ulit ako sa dalawang babae at nakatingin pa rin sila kina Kier. Sinong maswerte? Yvette?

Sino naman si Yvette?

"Ay mabait rin si Yvette. Bagay na bagay kaya silang dalawa. Hayun oh, para na silang pamilya." Napatingin ulit ako kina Kier at may nakita akong babaeng palapit rito. Kasama ng babae si Nathania at masaya silang nagku-kwentuhan.

Bigla akong nainis sa nakita ko. Sino naman ang babaeng 'yan? Bakit nila dinadamay ang mga pamangkin ko?!

"Ang perfect nila. Kaya siguro hindi makaalis-alis si Yvette sa pilipinas dahil kay Sir Kier." Intriga pa nila kaya agad akong tumikhim para makuha ang atensyon nila.

They look shocked when they turned their body to me. I raised my eyebrow and they bowed their heads in instant.

"M-ma'am Nadine." They greeted but I just flipped my hair then gave them a bitchy look.

"As far as I know, it's still office hours and you should be doing your job right now instead of talking about someone else's life. Get back to work." I told them like a boss. Inirapan ko pa sila at humalukipkip. Nakita ko pa ang takot sa mga mata nila pero hindi ako nag-sorry.

For what? Totoo naman ang mga sinabi ko. Nababayaran sila para magtrabaho, hindi para makipagtsismisan lang.

Duh.

Napatingin ulit ako sa pwesto nina Kier. Masaya pa rin silang apat. Lalo akong nainis ng makita kong nakangiti pa sila.

Bwisit. Wala na lang ba ako sa pamilya ko? Bakit ang daming nagbago?

-----

Nagkulong lang ako sa kwarto ko pagdating ko sa bahay. Nawalan na akong ganang mag-ikot dahil...hindi ko alam. Basta. Nakakawalang gana. Nabu-bwisit ako sa nangyayari ngayon. At naiinis ako dahil wala akong maalalang naging kamali ko bago ko pinili ang pangarap ko!

"Bakit ka ba nandito sa buhay ng pamilya ko, negro?" I asked no one as I stared the ceiling of my room. My head's now full of questions and I don't know their answers. Nakakabobo naman pala ang magbakasyon.

"Auntie, kain na daw po tayo." Rinig ko si Nathania sa labas matapos ang tatlong katok.

"Okay baby." I shouted, enough to be heard by her. Wala sa sarili akong tumayo at naglakad na pababa ng kusina. Maingay ang buong kabahayan dahil nandito pala ang kaibigan ni Ate Vea na si Kevin. Inikot ko naman ang paningin ko at hindi ako kaagad nakapag-react ng makita ko ang babaeng kasama kanina ni Negro.

Bakit naman siya nandito? Girlfriend ba talaga siya ni Kier?

"Ay ang ganders naman talaga ng lahi ninyo, Nathaniel! Kay kinis naman 'tong kapatid mo. Nasisikatan ba 'to ng araw?" Biro ni Kevin at tumawa. Ngumiti lamang ako rito. Tatarayan ko sana pero marami kasi akong kaibigang bakla kaya alam kong natural lang sa kanila ang ganyan.

"Maganda at matalino 'yan." Ate Vea proudly said. "Magkasama nga sila ni Kier noong nag-aaral la sila. They're team." Dagdag nito kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit kapag pinupuri nila ako, kailangan talagang isabit ang pangalan ni Kier? Nagsimulang umahon ang inis sa dibdib ko.

"Ay talaga naman." Masayang sabi ulit ni Kevin. "Kaya nga bet na bet ko 'tong batang 'to kay Yvette e. Matalino na, responsable pa." Natutuwang ani pa niya kaya automatikong napatingin ako kay Yvette. Kiyemeng ngumiti ito na parang maganda kung nagpapabebe, mukha namang unggoy na hindi maipinta.

"Ewan ko ba diyan kay Kier." Umiiling na segunda ni Ate Vea. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang paglalagay ni Kier ng ulam sa plato ni Yvette.

Ano siya, seven year old? Lihim akong napirap at nanalangin na sana mabilaukan si Yvette. Nakakairita kasi ang mukha nito. Lalo na kapag nakangiti siya. Feeling mo naman, maganda.

"Auntie..." Napatingin ako kay Nathania ng bigla niyang itaas ang plato niya. Magpaptulong sigurong magpabalat ng shrimp na ulam nito. Akmamg kukunin ko 'yun nang maunahan ako ni Yvette. Ngumiti pa ito sa'akin bago balingan si Nathania.

"Tulad ng dati ba?" She asked sweetly. Nathania just nodded and all I can do is to stare at her.

Dalawa na lang pala kaming Auntie niya.

Nalungkot ako dahil parang napaplitan na talaga ako pero mas nangibabaw ulit ang inis ko.

"Nadie, you can use my car tomorrow. May program sa school nina Nathania at hindi na daw niya kailangang pumunta." Tawag sa'akin ni Kuya kaya napangiti ako.

"Yep. Plano ko sanang magshopping dahil stressed ako." Sabi ko naman. "Sama ka baby?" I faced Nathania. Ngumiti ito pero napailing.

"May swimming lesson po kami ni Auntie Yvette bukas e. Tapos may review po kami ni Uncle Kier pagkatapos." Paliwanag niya.

Ramdam ko 'yung bombang sumabog sa puso ko na kanina ko pa kinikimkim. Nginitian ulit ako ni Yvette at hindi ko mapigilang hindi rin tignan si Kier.

Nakatingin lang ito ng diretso sa mga mata ko, walang emosyon.

Ganito ba ako dapat magbayad sa utang na hindi ko naman alam? Napangiti ako ng mapait.

"Ah, okay. Galingan mo ha?" Payo ko rito at pilit na pinasigla ang boses ko. Binalingan ko naman si kuya at agad akong tumayo na. "Pasensya na kuya pero napagod po ako kanina. Magpapahinga na po ako sa taas." I told him. He just looked at me then nodded.

"Good night snow white." Paalam pa ni Kevin at nginitian ko lang din ito.

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko, nagsiunahang nagpatakan ang mga luha ko.

Ano bang kasalanan ko? Bakit nawawalan ako ng pwesto sa pamilya ko?

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon