Chapter 33

12K 286 19
                                        

Chapter 33

Nadine

"Kuya, paano mo po ba malalaman kapag tama ang desisyong ginawa mo?" Tanong ko kay Kuya Rads habang nasa biyahe kami papunta sa next location task namin. Siya kasi ang nagda-drive habang nasa shotgun seat naman ako.

"Kapag masaya ka." Sagot nito habang nasa daan pa rin ang tingin. Tinigil ko ang pagsubo ng chips at napatingin rito.

"Hindi naman lahat, mabuting tao. What if their happiness can cause other's pain?" I asked again. He just raised a brow then gave me a fleeting look. I just shrugged then leaned on my seat.

"I believe that we are all good." He told me. Napaingos ako. Tumigil ito saglit dahil sa traffic light. Kumuha rin siya ng kinakain ko at sumubo. "And for your first question, you know you made the right decision kapag ramdam mo ang saya sa dibdib mo. Para sa'yo o para sa iba, magiging masaya ka pa rin. Magiging magaan pa rin ang pakiramdam mo dahil nakagawa ka nga ng tama." He explained further.

Napahinga akong malalim at naisip si Kier. Masaya rin ba siya? Ako? Oo, siguro. Masaya naman ako. Hindi nga lang kasing saya noong kasama ko siya at ng pamilya ko.

"May kinalaman ba ang buntong hininga mo sa pagre-resign mo dito?" Bigla niyang natanong nang magsimula ulit siyang magdrive kaya napatingin ulit ako rito. Ngumiti ito pero pilit kaya nakonsensya ako. Napatingin rin ako sa likuran at nakita ko ang miyembro ng team namin na natutulog pa.

"Kuya Rads, sorry ha? Mas mauuna pa akong umalis sa'yo." I apologized. Nalungkot rin ako ng maisip kong tatlong taon ko rin silang nakasama. He tapped shoulders then smiled again.

"Don't worry about us. Hindi naman pwede na habang buhay tayong magkakasama. Aalis at lalayo pa rin ang bawat isa sa atin. Mauuna ka nga lang bibitaw sa grupo." Napahinga ulit ako ng malalim. Nakausap ko na silang lahat bago kami bumiyahe kanina.

Wala silang alam pero si Kuya Rads at Lance ay meron dahil na rin may posisyon sila sa team. And I bet Lance knows everything. Nalungkot rin sila pero sinabi rin naiintindihan nila ako.

"What's your plan for him?" He asked again. I shook my head as my answer. Sa totoo lang din kasi, hindi ko pa alam. Siguro, aayusin ko ulit ang buhay ko dahil ganoon din naman siya.

"Pride will only ruin a relationship, Nadine. Kung naka-desisyon ka nang bumalik sa Pilipinas. Why not try to talk to him? I'm a man but what he did is too much. Sa'yo umikot ang mundo niya kaya nagawa niya 'yun." He stated. Napapikit ako at napabuga ulit ng hangin.

Hindi ako nagsalita.

"Pupusta rin ako. Kung gaano kabigat 'yang nararamdaman mo ngayon, doble sa kanya dahil nasaktan ka niya. Siguro nga, iniyakan ka na noon nang sobra pero hindi niya lang ipinakita dahil alam mo, kaming mga lalaki...kahit mabigat na, yayayain pa rin namin kayong sumandal para maging lakas niyo sa mga panahong hinang-hina na kayo." Tuloy niya sa sinasabi niya. Tagos hanggang buto. Rumehistro agad ang mukha ni Kier sa isipan ko.

Ang palaging nakangiti niyang mukha. I wonder if he really cried once, for me. If he's is hurting too. May regrets ba siya sa desisyon niya? Masaya rin ba siya noong nagsakripisyo siya?

"Just follow your heart. You'll be happy."

------

Third Person

Naka-ilang buntong hininga si Kier bago napagdesisyunang pumasok sa kanilang mansyon. Agad naman siyang napansin ng matanda nilang mayordoma kaya napanganga ang mga ito sa pagbabalik niya.

"Kier! Ikaw na ba 'yan?" The old lady greeted then gave him a tight hug. Naiyak pa ito dahil siya ang nag-alaga kay Kier mula pagkabata. "Naku anak, ang tagal kong hinintay ang pagbabalik mo." Kumalas ang matanda at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Ano? Dito ka na ba ulit titira? Ang pogi-pogi naman ng alaga ko! Kinasal na ba kayo ni Nadie?" Napatawa siya nh peke sa huling tanong ng matanda. Sa halip na sumagot ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid.

"Sina mommy po?" He asked. Tahimik kasi ang buong kabahayan na siyang katakataka dahil maingay at masaya ang pamilya niya.

"Ay nagpuntang ospital para sa check-up ng daddy mo. Teka, kumain ka na ba? Pasok ka na at ipagluluto kita ng paborito mo." Yaya ng matanda pero nagdalawang isip pa siya kung hahakbang ba siya o aalis ulit.

"Kier, matagal ka ng napatawad ng mga magulang mo. Panahon na rin upang kausapin mo sila." She suggested. Kier smiled again then nodded.

'Yun naman talaga ang plano niya. Aayusin na niya ang buhay niya para kapag bumalik si Nadine, mamahalin na din siya. Gaya ng pagmamahal niya para dito.

PAGPASOK NA PAGPASOK niya sa dating kwarto niya, agad dumako ang mga mata niya sa kanyang kama. Hindi man niya gustong isipin pero si Nadine ang unang naalala niya. A small curve formed into his lips as he sat on the edge of his bed.

"What the hell did you do?" Kier asked her in a very serious tone. Humalukipkip lang si Nadine at nag-iwas ng tingin.

"Nadine." He warned. But still, nanatiling tahimik si Nadine at pinakitang wala siyang interes sa pag-uusapan nila ni Kier.

"I'll call your parents." He warned again. Umirap lang ulit ang dalaga.

"I won't mind talking to my daddy." She shrugged. Napatitig na lang si Kier sa kanya at napahinga ng sobrang lalim. Ginulo niya ang kanyang buhok at naupo sa tabi ni Nadine.

"Fine." He said in defeat. He held her hand then squeezed it. "Hindi ako galit sa'yo. Ayoko lang na mapahamak ka dahil sa ginawa mo. Okay?" Binitawan niya ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Umiwas ulit ng tingin si Nadine pero pilit niya itong iniharap at nakipagtitigan.

"Ano ba..."

"Tell me what's wrong with you. Bakit mo linagyan ng sleeping pills ang juice ni Riza? Paano na lang kung nasa ere siya sa oras na 'yun at kasalukuyang nagto-toss?" Maalumanay na tanong niya sa babae.

"She should thank me. I really want to add some venom---"

"What the hell, Nadie!" Kier cut him off with horror. Napairap ulit si Nadine at inilayo ang sarili dito. Yumuko ito at linaro ang mga darili.

"I just hate to see her with you." She whispered. Ang tinitimping galit ni Kier ay parang bulang naglaho sa narinig nito. Napatitig ito kay Nadine.

"Dati, hindi naman ako nai-insecure. Pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong sunugin ang buong katawan niya kapag nakikita kong nakangiti siya sa'yo." Pag-aamin nito. Bawat salitang lumabas sa bibig ni Nadine ay napaka-inosente na siyang nag-ubos ng sasabihin ni Kier.

"My chest feels so heavy and I don't like it." She sighed heavily and looked up then met his gaze. "I hate the sudden changes and how things evolved so rapidly that I can't even hold a grip to catch up. You know how hard for me to trust and when I decided to let you in, I also told myself that I will keep you forever and there's no way out. Kier, if you can't give me a spot in your life...if you can't see the future with me..." She gulped then bowed her head. "If ever you can't see that I am a blessing in your life, stop making me feel so special. I'd rather be alone than to be in a wrong companion." Nadine stated then bit her lower lip, trying to hold back her tears.

Kier didn't say anything but stared at her. When he realized what she's pointing out, he then walks towards her and sat beside her. He calmly held her chin and rested his forehead to hers.

"I only want you to be honest, even if it'll hurt me. Just be honest with me. And don't leave me hanging, Kier. I really hate that." Nadine looked through his eyes and smiled sadly.

"I promised you that you won't have to do it all alone, right? I am here. I am now here, Nadie."

Then he kissed her that happened to be Nadie's first kiss.

Napatigil ulit siya sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

"Kier..."

"Mom..."

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon