Chapter 22

13.6K 286 22
                                    

Chapter 22

Nadine

"Really? You're with Kier during your stay in Baguio? As in the whole time?" Jenny asked me for the nth time. I just stared at her for a second then rolled my eyes.

"Bingi ka ba o bobo lang?" Tanong ko rito kaya inirapan niya lang ako. Nasa bahay na ako ng mga abuela ko at dumaan rin sila dito para kunin ang mga ibinilin nila sa'akin. Mia's just plainly sitting at the couch with her favorite Lengua De Gato. Naka-dekuatro pa ito.

"Gwapo pa rin ba si Kier babyboo?" Tanong ulit ni Jenny at nagpunta sa harapan ng salamin st sinukat ang tee-shirt na binili pa ni Kier sa kanila. Napaisip ako at napangiti. Nang magtama ang mga mata namin ni Jenny ay ngumiti rin siya ng puno ng pang-aasar.

"Gwapo pa rin 'noh?" Pang-aasar niya sa'akin. Lumapit ulit siya at tinusok tusok ang tagiliran ko. "Gaano na siya kagwapo, be? Makalaglag panty na ba?" Biro ulit niya kaya hinampas ko agad ang braso nito. Hindi ko siya sinagot at uminom lang ng tubig. May sinabi ulit si Jenny pero hindi ko na naintindihan.

"Kamusta naman ang pilipinas? Konti na lang ba ang mga masasamang tao?" Napatingin ako bigla kay Mia sa tanong nito. Nagkatinginan rin kami ni Jenny.

"Joke ba 'yan girl?" I asked her but she just shrugged. I took a deep breath. "Bansa pa rin naman." Biro ko ring sagot kaya napangisi ito at binato ako ng kinakain niya. I mouthed, go to hell 'coz we're forbidden to cuss inside my abuela's home. Tumawa lang ito at muling sumandal.

"May tanong ako sa'yo, Nadie." Jenny said again. "Kung hindi ka ba takot ma-fail noon at matulad kay Ate Cristy, may pag-asa ba sa'yo si Kier?" She asked. My half smile turned into a serious one in instant. Napasandal rin ako sa upuan ko at nag-isip.

Umiling ako. Bigla namang nalukot ang mukha ni Jenny at napaingos si Mia.

"We're just high school students back then. We have innocent minds and fragile hearts. And you both know that Kier isn't my type. He's my rival." I sighed. Binato naman ako ni Jenny ng kinakain niya kaya napatingin ako ng masama rito.

"Ka-echosan mo, Nadine. High school e tinatakas na natin ang mga condom na nasa bahay niyo." Tumatawang sabi nito sa'akin. Tumawa naman kami ni Mia.

"That's another story, bitch. Gusto ko talagang magkaanak sina Ate Vea at Kuya Nathan kaya tinatago ko ang mga condoms." Depensa ko kaya mas lalo silang natawa. Huminto ako saglit at tinitigan sila. Nang humalakhak na silang dalawa ay napasimangot na ako. Alam kong may naalala na silang dalawa tungkol mismo sa'akin.

"Stop." I warned, giving them death glare. Jenny just laughed harder and Mia stopped for a while but burst out laughing again.

Nakahawak na rin sila sa kanilang tiyan kaya mas lalo akong napasimangot. Pinanood ko lang sila hanggang sa tumigil sila pero may pang-aasar pa rin ang kanilang mga tingin sa'akin.

"Kier is such a good guy. Sana sa'akin na lang siya nagconfess noon." Jenny commented then raised her brow to me. "Siguro ay may anak na kami ngayon." She giggled then stare at nowhere. I rolled my eyes seeing her cloudy face look.

"Buti na lang talaga, may Kier sa buhay mo noon 'noh? Can you imagine your parents faces, Nadie? Siguro, matino ka na ngayon." Tumawa ulit si Mia at nakipaghigh five pa ito kay Jenny. Napasimangot na lang ako.

Naalala na naman namin ang kapalpakan ko noon. It happened during my Religion class. Sa pagmamadali kong makalabas sa room namin, hindi ko na isinara ang bag ko at ng may makabangga ako ay nahulog ito---ang mga gamit na nasa loob. Hiyang-hiya ako noon dahil kitang kita ang condom na nahulog.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon