Chapter 1

26.8K 485 34
                                        

Chapter 1

Nadine

"She's still sleeping. We better leave and just wait outside."

"But I already want to play with Tita Nadie!"

"Shaine, stop being brat. Let her rest."

"Crain is right. We should leave now because Auntie Nadie needs to rest."

Naalimpungatan ako sa tatlong boses sa loob ng kwarto ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mga pamangkin kong nakatayo sa may pintuan. Halatang nagulat sila dahil sabay-sabay pa silang nagtakip ng kamay sa mga bibig nila.

"I guess nagising na natin siya. Si Crishaine kasi." Rinig kong sabi ni Crain habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa'kin. Napasimangot naman ang kakambal niya at bumaling kay Nathania.

"She's not angry at all." Katwiran pa niya at maarteng nagsalita. Napangiti naman ako sa kanilang tatlo. Bumangon na rin ako at lumapit sa mga ito.

"Don't you have classes?" I asked them. Ngumiti naman sa'kin si Nathania at tinuro ang kalendaryong nasa dingding ko.

"Wake up Auntie, it's Saturday!" She giggled. Napatango-tango na lang ako. Oo nga pala, kaya sila nandito lahat dahil sabado.

Inayos ko muna ang sarili ko habang tahimik nilang pinagmamasdan ang loob ng kwarto ko. Malaya ko rin silang tinignan isa-isa. Ang lalaki na nilang tatlo. Parang kailan lang noong karga-karga ko pa sila at ngayon at heto, malapit na silang grumaduate ng elementary.

"Auntie, you should move faster so we can be able to have breakfast with all of them. They're all waiting downstairs." Paalala ni Crain sa'kin. Ngumiti ako sa kanya pero nakasimangot ako sa isipan ko. Hanggang ngayon pala ay may pagkasungit ang batang ito.

"Oo na po." Sagot ko at tinali lang ang buhok ko bago kami tuluyang bumaba para mag-agahan.

"Oh, ayan na pala si miss-good-in-everything." Tuwang-tuwa si Ate Lily nang makita niya ako. Inirapan ko lang siya at naupo sa bakanteng upuan katabi ng daddy ko. Nagsitawanan naman ang lahat.

Masaya kaming kumain habang nagku-kwentuhan nang may biglang pumasok at nakangiting binati ang pamillya ko.

"I'm sorry, tito. I'm late. Mabigat po kasi ang traffic." Paumanhin niya. He gave me a fleeting look and raised his hand on the air to have a high five with Crain. Napamaang na lang ako.

"It's okay." Dad smiled at him then glances at me. "Anyway, this is Nadine, ang sinasabi kong matalinong anak ko." Dad introduced me and I just saw him smirked. Tumawa ulit ang lahat habang ako ay tensed na tensed sa kinauupuan ko.

Paano siya naging close sa pamilya ko?!

"Dad, kilala na nila ang isa't isa. Sila ang palaging magka-team sa mga science quizzes ng university." Ate Lily explained.

What the hell's happening?

"Mr. & Ms. University too!" Ate Vea added. Tumawa lang si Kier kaya mas lalo akong nainis.

Kier seemed too close to them and I really don't have any idea what did he do! I've been away for three years and then I came back, close na silang lahat?!

"Ay oo nga pala. Tumatanda na talaga ako." Tumawa ulit si daddy. Kuya Nathan even offered Kier a seat!

Seriously, world?!

"Nadie! Earth to Nadine!" I blinked then faced Ate Lily. "Why don't you say hi to your first ever laboratory partner? May jetlag ka pa?" Nag-aalalang tanong nito pero mabilis akong pumeke ng ngiti at tumingin kay Kier. He just gave me a smirked.

"Nice to see you again." Labas sa ilong kong bati. Mas lalo siyang ngumisi.

"Mukhang may jetlag ka pa. Nagkita tayo sa studio few days ago, hindi ba? Noong matapos ang interview mo?" Tanong nito kaya hindi ko napigilan ang kilay ko sa pagtaas nito.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko." Pagdadahilan ko at linagay pa ang kamay ko sa noo ko. "May jetlag pa nga siguro ako." Dagdag ko pa at huminga ng malalim.

"Naku Kier, pagpasensyaan mo na itong kapatid namin. Sadyang workaholic 'yan e. Hala, kumain muna tayo saka kayo mag-usap dalawa. I'm sure, miss na miss niyo ang isa't isa." Gusto kong iluwa lahat ng nasa bibig ko sa huling sinabi ni Ate Lily. Nakarinig pa ako ng munting tawa niya kaya hindi ko mapigilang hindi sipain ang paa niya.

Mahina lang naman. Para matauhan. Bwisit siya, ako ang nao-op sa sarili kong pamilya!

-----

Nasa loob ng bahay ang lahat ng makita ko si Kier sa may garden. Nakatingin lang siya sa malayo kaya lumapit ako.

"Hoy, negro." Tawag ko at agad naman siyang lumingon. Tumaas ang sulok ng labi nito.

Hindi naman siya maintim na parang sunog. Maitim kasi siya kumpara sa kulay ko. At hindi ko mapigilan ang sarili kong maging sarkastiko kung ganito ang dadatnan ko palagi sa mismong teritoryo ko.

"Paki-explain nga kung bakit ka nandito? At kailan pa kayo close ng kuya ko? Nang buong pamilya ko? At hindi ka pa talaga nahiya, sinagad mo pa! Hanggang sa mga pamangkin ko, close sa'yo?" Hindi ko mapigilan ang iritasyon sa boses ko. Tumawa ulit siya mg mahina na nagdulot ng asar sa'akin lalo.

"I told you. I'll make you pay." He shrugged. Ako naman ang tumawa.

"Gago ka ba? Kailan pa ako umutang sa'yo? Hoy. Magpa-checkup ka kaya? Baka feeling mo na rin ay bahay mo 'to? Rodriguez ang mga nakatira dito!" Napipikong sabi ko ulit.

Dahan-dahan itong lumapit. Hinanda ko naman ang sarili ko. Black belter 'to!

Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan namin nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

He smiled.

"I'll make you pay. And I'm not talking about any amount here. I'm talking about my pride and whole self." He started. Naramdaman ko bigla ang kaba sa lamig ng boses niya.

"What are you talking about?"

"Nadie, you really got the nerve to forget about me?" He laughed softly. "I see." He let me go and turn his back to me. Nakakunot naman ang noo kong nakatingin lang rito.

Ano bang pinagsasabi ng gunggong na 'to? Forget about me? Kilala ko nga siya 'dba?

"Idiot! I won't be here talking to you if I already forgot you!" I hissed then I stepped closer. Nakatalikod pa rin siya sa'kin.

"Well, I am not talking about myself!" Hindi ko napigilan ang sarili kong bigyan siya ng katos. Gago pala talaga e! Pa-english english pa! Sabi niya, about sa sarili niya tapos sasabihin niya ulit na hindi dahil doon!

Aba gago nga talaga si negro!

"Negro ka talaga e! Hindi mo pa ako diretsahin! Padrama-drama ka pa dito. Gago ka talaga. May pa-close close ka pang nalalaman sa pamilya ko. Pangisi-ngisi ka pa, akala mo naman bibilhin namin 'yang ngipin mo! Aba Kier---"

Bigla niya akong hinila at hinalikan ng mariin sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at hindi kaagad nakagalaw.

"Pagbabayaran mo nga ang ginawa mo sa'kin. Panagutan mo ako, Nadine. Hindi mo ba talaga naaalala?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko ng diretso.

Wala akong maalala.

"Napaka-unfair mo talaga." Huli niyang sabi sa'kin bago ulit ako pakawalan. Agad siyang tumalikod at naglakad pabalik sa bahay. Wala akong nagawa kundi panoorin lang siya habang iniisip ang sinasabi niya.

Panagutan? Bayaran?

Agad nanlaki ang mga mata ko!

"Inilista ba niya ang price ng mga hiningi kong sperm niya noong nag-aaral pa lang ako ng medisina?" Wala sa sarili kong tanong.

Hindi naman siguro. Madami siya 'nun.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon