Chapter 8

14.8K 391 37
                                        

Chapter 8

Nadine

Hapon na nang magbalik kami sa bahay. Nakahanda na rin ang lahat dahil maraming tumulong. Nasa likod bahay silang lahat at pinauna ko na doon sina Nathania at Kier kanina dahil naligo lang ako saglit. Pakanta-kanta pa ako ng One Last Time pero napatigil ako ng marinig ko sina Yvette at Ate Vea sa kusina. Hindi na sana ako makikinig ng marinig ko ang pangalan ko.

"Si Nadine po ba ate, may mga kaibigan dito? Wala po kasi akong nakikitang dumadalaw." Usisa nito kaya napataas ang kilay ko. Aba, chismosa rin pala ang isang 'to.

"Mapili talaga siya simula noon. Alam mo na, iba ang lebel ng talino niya sa mga ka-edad niya kaya siguro siya ganoon. Meron naman siyang kaibigan pero nasa ibang bansa rin at sinusubok ang mga utak nila." Ate Vea answered then left a soft chuckle. "Pero mabait naman 'yun." She added. I smiled upon Ate Vea described me to other people. She's really good inside and out. Kahit na ang dami kong kasalanan sa kanila ni kuya ay ang linis ng pagku-kwento niya sa'akin kahit wala ako sa harapan niya.

"Totoo po bang may past sila ni Kier?" Yassie asked again. I rolled my eyes. Hindi lang pala chismosa, pakialamera pa!

Kaibigan ba talaga 'to ni Kier?

My God, ang cheap ng taste niya sa mga kaibigan. Chismis lang ang alam. Nasaan ang utak? Nasa paa?

"Ay naku." Tumawa ulit si Ate Vea. "Ang sabi sa'amin ni Kier noong bago pa lang siya dito, crush daw niya si Nadine. Tinawanan nga ng Kuya Nathan mo dahil alam niyang mahirap itali si Nadine sa iisang tao lang. I mean, Nadine won't enter a situation where she's not really sure about it. Kailangan, malinis palagi." Tumango-tango ako. Totoong-totoo talaga ang mga sinasabi ni Ate. Talagang bilib ako sa mag-ina ni kuya.

Nice choice, swerte talaga ni Kuya.

"Talaga po, ate? Sinabi 'yun ni Kier?" Hindi makapaniwalang tanong ulit nito Tumango naman si ate. "Pero ate, hindi naman po pwedeng malinis palagi 'dba? We need to get hurt for us to learn. Ang perfectionist naman ni Nadine. Kaya siguro ang konti lang ng mga kaibigan niya. Pati nga rin si Kier minsan alanganing kausapin siya minsan." Dagdag niya ulit. Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng bruhang si Yvette.

Ano bang pakialam niya? Aanhin ko ang madaming kaibigan kung puro naman plastikan? Yuck. Walang isip ang isang 'to. Siguro, uto-uto siya noong nag-aaral pa siya.

"Naku, huwag mong sasabihin 'yan sa kanya dahil ipapakilala ka niya sa mga malalaking tao sa mga malalaking kompanya dito sa pilipinas." Ate chuckled. "Wala siyang masyadong kaibigan pero magiliw ang mga negosyanteng tao sa kanya." Ate explained again. Napapangiti ako sa kinatatayuan ko at parang baliw na nakatago rito.

Ganyan nga, chismis pa para malaman mo kung hanggang saan na ang narating ko. Sa isip isip ko.

"Alam mo rin ba, one of the biggest companies contacted her before? Bago pa siya grumaduate, may mga nakapila ng kontrata para sa kanya? Ang ginawa niya lamang ay mamili ng isa." Ate proudly said. Gusto kong tumawa ng malakas ng wala akong narinig na sagot niya. Kinikilig naman ako dito dahil grabeng papuri naman 'yun galing kay Ate Vea.

"Bakit po si Kier, nanatili dito? Bakit hindi siya nakapunta sa ibang bansa tulad niya?" I composed myself when I heard her next question. Akala ko ba, magkaibigan sila? Bakit pati siya ay walang alam?

"Ah, si Kier ba? Naku---"

"Ma'am Vea, ready na po ang lahat. Tatawagin ko sana si Nadine." Biglang sumulpot si Kier sa kusina kaya bigla akong nataranta dahil baka makita niya ako dito. Mabilis akong nagpunta sa may hagdan para pumwesto pero naabutan na niya ako.

"Nadine---"

"Oh shit." Mura ko at napahawak sa railings. Nakatikyad ang isa kong paa para magdrama. Oo, magdrama.

"Ayos ka lang ba?" He asked. Inismiran ko ito at sinubukang maglakad pero napailing ulit ako.

"Mukha ba akong ayos?!" Masungit na tanong ko saka umarteng parang nasasaktan. Napailing naman siya at lumapit sa'akin.

"What happened?" He sincerely asked. Napasugod naman sina ate dito. Napangiti ulit ako ng palihim.

Sige, Yvette, manood ka.

"Gusto ko sanang pumunta sa dagat kahit sandali lang. Actually, tatakas sana ako pero sa pagmamadali ko, nagkamali ako ng apak." I bit my lower lip and bowed my head. Naupo naman si Kier para tignan ang paa ko pero ng maramdaman ko ang paghawak niya sa bandang sumasakit kapag talagang na-sprain ka, naglabas ako ng malutong na mura.

'Yun ang benefit kapag pinag-aralan mo ang bawat parte ng paa.

"Aren't you listening? It hurts." Paninisi ko at napailing. Nakonsensya naman siya bigla at humingi ng tawad.

Yeah right. Drama pa. Pu-push ko 'to mga bes.

"Teka Nadie, bakit ka ba kasi pupunta doon? Naghanda ang kuya mo---"

"May nakita kasi ako kanina na pwede kong pag-aralan, ate. Alam mo na, kailangan ko pa ring i-enhance ang utak ko dito kahit nakabakasyon ako." I pouted my lips. Napailing lang siya at napatingin kay Kier.

"Huwag puro trabaho Nadie. You're here to relax. At bukas ka na pumunta doon." Bilin niya kaya napasimangot ako. Aangal na sana ako pero bigla akong binuhat ni Kier kaya napatili ako.

"Ano ba!"

"Huwag kang malikot. Mahuhulog ka." Sabi nito at naglakad na papunta sa kusina.

"Ano naman sa'yo kung mahulog ako dito?" Pag-iinarte ko. Pinaupo niya ako sa isang silya at kumuha ng ice sa fridge. Binalot niya ito sa malinis na bimpo at naupo sa harapan ko.

"Edi sasaluhin kita." He srugged. "Kung mahuhulog ka, sasaluhin kita." He smiled showing his perfect set of teeth. Napatigil ako at napatitig rito.

Ano daw?

"Ibang salo na ba 'yan, Kier? Aba, dapat ka pa ring dumaan sa asawa ko." Biro ni ate pero tumawa lang si Kier bilang sagot. Bwisit. Ramdam ko pa ang pagtaas ng dugo sa mukha ko. Hinawakan niya rin ang paa ko at ipinatong sa binti niya para mailagay ang ice.

"Huwag ka ng pumunta doon ngayon. May bukas pa naman. At hinihintay ka na sa labas." Seryosong bilin nito sa'akin. Ngumuso lang ako.

Wala naman talaga akong gagawin, mga palusot ko lang 'yun pero gusto ko pa ring magdrama sa harapan niya. Lalo pa't nandito si Yvette.

"Makinig ka sa kanya, Nadie." Bilin ni ate mayamaya at nagpaalam na lalabas na siya. Ngayon ay naiwan na kaming tatlo rito. Napangiti pa ako dahil parang mannequin na pangit si Yvette na nakatayo sa gilid namin.

Napangiti ulit ako ng makaisip ako ng ibang plano.

"Hoy, negro. Hindi ba galit ka sa'akin? Bakit ginagawa mo 'to? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin?" Pagtataray ko. Sinadya kong iparinig kay Yvette lahat para mas lalo siyang ma-curios sa'amin ni Kier.

"Wala naman akong matandaan na sinabi kong galit ako sa'yo. Ang sinasabi ko, nagtatampo na ako dahil nakalimutan mo na ako." Seryoso niyang sagot sa'akin. Tumikhim si Yvette para ipadama ang prisensya niya kaya nagtaas ako ng tingin rito.

"I don't want to be rude but you can go out now. We don't need you here." I told her then smiled sweetly. Nakita ko ang pagsulyap nito kay Kier at ang pagtaas naman ng mata ni Kier sa kanya.

"Ah, Yvette---"

"Gets ko na." Putol nito at lumabas na nga. Tumawa ako ng mahina. Susunod din pala si gaga.

"Rude." He commented. I smiled sweetly.

"Thank you." I answered then laughed again. Binawi ko na rin ang paa ko at ipinakitang maayos na ito. Akmang maglalakad na ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap rito.

"Ano na nam---"

I stopped when I felt his lips covered mine. Mabilis lamang iyon pero hindi ako nakagalaw pagkatapos.

"You're welcome, Nadie baby." He chuckled then walk towards the door.

Tangina niya? Ninakawan pa ako ng halik!

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon