You can also find me here,
Tiktok: its_mariel1804
FB: Mariel Louise WP------------------------------
Chapter 7
Nadine
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad-lakad kami nina Nathania. Nakatuon lamang ang paningin ko sa paligid pero nasa mukha ni Yvette ang nasa isipan ko. I wanted to laugh right through her face when Kier chose to be with us. It's really a great achievement and I should give myself round of applause.
"Auntie, what were you thinking? Kanina ka pa po nakangiti diyan." Pukaw ni Nathania kaya napatingin ako sa kanyang nakangiti pa rin. Nakakunot ang noo nito kaya napahawak ako sa makinis na pisngi niya.
Wala be, ang galing kasi natin. "Nothing. I really love the improvement of the resort." Palusot ko at ngumiti ng matamis rito. Hindi niya ako pinansin at napatingin rin sa paligid. Nasa likuran naman namin si Kier at tahimik lang na sumusunod sa'amin.
Plano ko sanang gamitin ang service ng resort pero mas mahaba ang oras namin kapag maglalakad kami. We just have to stay at one place at take our time.
Binitawan ni Nathania ang kamay ko at lumayo ng konti sa'min. Reregaluhan ko ang batang 'to ng kahit ano dahil ang talino niya. Talagang binibigyan ako ng pagkakataon na masolo si Kier.
"Nathania, you should stay by my side---"
"I'll just take some pictures here and I won't leave you, Auntie. Uncle's there too." Pagpuputol niya sa pag-iinarte ko kaya napangiti ulit ako ng palihim.
Si Nathania na ang favorite pamangkin ko.
Inabala ko naman ang pag-focus ng camera ko sa mga bagay-bagay. Binaba ko rin ang payong na hawak ko pero ilang sandali pa ng may nagpayong ulit sa'akin.
Shet. The soft part of my heart said. Focus Nadine, kailangan mo lang makipaglaro, bawal kiligin. Kontra naman ng ibang bahagi nito.
Ah, basta. Nagsusungit kaya siya, bakit ngayon concern ang kuya mo? I silently asked myself again.
"You shouldn't wear a fitted dress. You'll walk around the resort, the sun is up and you should have at least brought a coat." Basag niya sa katahimikan. Natigil ako at kinalma muna ang sarili ko para makita niyang seryoso ako. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil para siyang alila at pinapayongan ako.
Sweet ha. Parang bodyguard.
"Wala kasi akong tee-shirt. Sayang naman kasi kung itatago ko ang sexy kong katawan." Pagyayabang ko at nag-pose pa sa mismong harapan niya. Hindi siya nagpakita ng reaksyon kaya napasimangot ako.
Hindi pala sweet. Sa isip-isip ko. Tumalikod ulit ako rito at naglakad.
"Ikaw, kaya kong alagaan ang pamangkin ko. Hindi ka na dapat sumama pa. I'm a black belter and I can defend ourselves. You should have bond with Yvette. Naiwan na siya doon." Gusto kong tumawa sa kaplastikan ko.
Talaga Nadine? Concern ka?
"As if you'll like it when I bring her with me." He answered. I immediately face him with a questioning look but he just smirked at me. "You don't like her. I know you." He added. I smiled sweetly then nodded.
"I'm impressed of you being a good observant." I said with a bit sarcastic. "You know me too well, huh?" I teased him then smiled sweetly. Hindi ulit siya nagsalita at napatingin sa gawi ni Nathania.
God, for I know. Nagagandahan siya sa'kin. Napatawa ako ng mahina sa naisip ko. Push mo ang self-confidence mo.
"So, dalawang raw ka na lang dito?" Tanong niya ulit sa'akin. Tumango ako bago ko siya harapin.
"I need to talk to daddy. I still want to work there and I'm not yet ready to do my responsibilities here." Pag-aamin ko at bigla rin akong nagseryoso.
"Seems like you're really having a great time working there. Are you happy?" He asked me. May halong lungkot ang boses nito kaya napabaling ulit ako sa kanya.
"What do you mean?"
"Pursuing your dreams. Are you happy?" He asked again. I slowly nodded my head.
"Of course. It's my dream." I answered. He just nods his head then turn his back to me.
Naguguluhan ako sa mga kinikilos nito kaya inipon ko lahat ng tapang ko at tinawag siya.
"Kating-kati na ang dila ko kaya gusto kong itanong kung bakit ka nandito? Bakit ka nagtratrabaho kay kuya? Bakit hindi ka sa kompanya niyo?" Sunod-sunod na tanong ko. Humarap ito sa'akin at naglakad ulit palapit. Hindi ko mabasa ang mga mata niya.
He cupped my face then smiled.
"May mga katanungan na mas maganda kung mananatili itong mga tanong." Sabi niya sa'akin kaya nangunot ulit ang noo ko.
"Selfish..." I whispered.
"I am not." He caressed my cheeks. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Nathania sa pagitan namin. Nagulat kami pareho at hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko.
"Kayo ha. Props lang pala ako dito." Tukso niya sa'amin. Lumapit ito kay Kier at pinakita ang cellphone nito. Napailing naman si Kier habang ngumiti ng bahagya.
"What's that?" I asked them. Biglang tumunog ang notification ng cellphone ko at nakita kong may in-upload na picture si Nathania. Lumakas ang tibok ng puso ko at nang buksan ko ito ay biglang nanlaki ang mga mata ko.
Picture namin ni Kier kanina, may caption pang "Lab-partners." Halos sumabog ang puso ko at ramdam ko ang pagtaas ng dugo sa mukha ko.
"Delete it." Utos ko sa bata pero bago pa niya magawa ang sinabi ko ay nakapagcomment na ang mga kapatid ko.
Imbes na magalit si kuya, sinabi pang mag-ingat daw si Kier sa'akin. Ano ako? Mangkukulam? At talagang siya ha? Hindi ba pwedeng ako? Ako kaya ang babae dito?
At talagang malaki ang tiwala ni kuya sa kanya. Wow ha. Baka si Kier ang nangkulam kay kuya?
"Auntie, are you mad?" Nag-aalalang tanong ni Nathania mayamaya. Umiling lang ako rito. Ayoko namang magalit sa kanya. Baka lumayo pa ang loob niya. Huminga lang ako ng malalim at tumalikod na.
Bwisit. Plano ko 'to a. Hindi dapat ako ang nababadtrip kundi si Kier. Pero parang nag-eenjoy naman siya.
"Hindi siya galit. Kilig na kilig ang Auntie mo kaya hindi nagsasalita." Rinig kong sabi niya sa bata kaya napatingin ulit ako sa kanila.
"Hoy, ang kapal mo. May mga crush ako sa lab namin. Maputi at hindi kagaya mo, negro." Pang-iinsulto ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi nito at bumaling kay Nathania.
Nagkibit balikat lang ang bata.
"Ang mga puti, gusto 'yung mga marunong sa gawing bahay. Ikaw ba, marunong?" He asked then smiled. "Lika na dito, 'di ako galit. Kiss mo na lang ako para makalimutan ko ang pang-iinsulto mo sa'akin." He said then walk towards me.
"Eww." Lumayo ako sa kanya ng akbayan niya ako pero mas inilapit niya ang katawan niya sa'amin. Nakaakbay ito habang hawak niya ang kamay ni Nathania.
"Nandidiri ka? Noon nga ikaw pa ang nagnanakaw ng halik." Bulong niya na ikinalaki ng mga mata ko kasabay ng paghampas ko sa tiyan niya.
Ang kapal ng mukha niya! Hindi kaya.
BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
General FictionDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie