Chapter 31
Third Person
Nakatanaw si Kier sa baybayin ng resort habang hawak-hawak ang isang bote ng alak. Malamig ang paligid dahil nasa taas na bahagi nakatayo ang bahay na kinatatayuan nito. Medyo malayo ito sa kinaroroonan ng ibang tao pero malaya niyang nakikita ang mga ilaw sa paligid.
Napahinga siya ng malalim.
"Deep." Napalingon ito sa nagsalita at nakita niya si Apollo na nakatayo sa may pintuan at may hawak ring isang bote ng alak. Tumango lang siya at tumingin ulit sa mga ilaw sa ibaba.
"Sabi ni Ate Vea, kanina ka pa daw dito. May problema ba kayo ng kapatid ko?" Walang pag-alinlangang tanong ni Apollo rito. Napatawa naman si Kier ng mahina at naglakad para maupo sa isang silya paharap kay Apollo.
"Paano mo naman nasabi na si Nadie ang problema ko?" He asked then leaned on the chair. Apollo smirked.
"I'm not as smart as you but I can observe." He shrugged then chuckled. Naglakad rin ito at kumuha pa ng ilang bote at inilagay sa lamesa na nasa harapan nilang dalawa.
Huminga ulit si Kier ng malalim bilang pagsuko. Mukhang kailangan rin niya ng kausap ngayon dahil gulong-gulo siya.
"How do you know when you made the wrong choice?" He asked seriously. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Apollo. Humalukipkip ito at tinignan ng diretso sa mata si Kier.
"You mean, my sister is a wrong choice?" He cocked his head. Agad namang umiling si Kier ng makita ang namuong galit sa mata ng binatang nasa harapan niya.
"Of course not. She's perfect." Bawi nito at napatingin ulit sa mga ilaw. "God, her smile is perfect." He said again as he imagines Nadine's face through the bright lights. Napailing na lamang si Apollo.
"Nakakabobo ang pag-ibig 'noh? Sa itsura mo ngayon, parang hindi ka propesyonal." Basag nito sa kanya. Hindi ito pinansin ni Kier dahil wala naman siyang pakialam kung anong sabihin ng kapatid ni Nadine sa kanya.
"I only want her to be happy. Is it wrong to make a decision for her? I can sacrifice, everything. You know." Kier asked seriously. Nawala na rin ang ngiti sa labi nito at napalitan iyon ng kalungkutan. Nangunot naman ang noo ni Apollo pero hindi na niya ito pinansin masyado.
Alam niyang may nakaraan ang kapatid niya at si Kier pero hindi niya alam na malalim pala. Hindi rin sumagi sa isipan niya ang ganitong sitwasyon kung saan sila magiinuman ni Kier habang pinag-uusapan ang kapatid niya. Ang nakatatak na kasi sa isipan niya ay ang salitang pride dahil sa katalinuhan ng dalawa.
Parang walang marining magpakumbaba.
It's like he wanted to dig in and ask them what is going on between them. But he chose to zip his mouth and just trust his sister's intelligence.
"Ate Nadie's like an eagle. You need to let her fly high with her own wings. Ayaw niya 'yung pinangungunahan mo siya." Apollo said. Napaisip naman ng malalim si Kier.
Alam niya naman 'yun.
"She set her own goals and do her best to be on top of everything. You know she hates to be on the second list, right?" Apollo asked again. Hindi siya nagsalita at uminom lang. Alam niya 'yun pero ayaw niyang maging sagabal para sa pangarap ni Nadine.
Kung pareho sila ng kalalagyan, hindi maiiwasan ang ikompara sila sa isa't isa. At 'yun ang ayaw niyang mangyari. He knows that Nadine loves to be on the spotlight. Hindi niya 'yun ipagdadamot. Inalis lamang niya ang sarili dahil hahadlangan lamang niya si Nadine. He rejected other companies too because they might use him for Nadine's rivalry.
"She knows herself too well and all you need to do is to trust her. 'Yun lang." Biglang sumulpot naman si Vea sa usapan nila kaya agad napatayo si Kier at binati ang asawa ng kanyang boss.
Vea just laughed.
"Huwag ka ng mahiya sa'kin. Alam na naming lahat ang nararamdaman mo para kay Nadine." Ngumiti ito ng bahagya. Si Kier naman ay napalunok na lang dahil sa kaba.
Iba pa rin talaga kapag inamin mo na sa kanila. Ibang iba sa pakiramdam noong nag-apply siya sa resort.
"Pero huwag po kayong mag-alala Ate Vea, hindi ko po gugutumin si Nadine kahit isa lang akong empleyado dito sa resort." Nakayukong paumanhin ni Kier. Tumikhim rin si Nathan na kakapasok lang kaya namuo ang pawis sa kanyang noo.
"Sir Nathan..."
"Hindi problema ang pera dito, Kier. Ayusin mo ang buhay mo para sa sarili mo at sa kapatid ko. Umuwi ka sa inyo at kausapin mo ang pamilya mo." Payo ni Nathan. Napalunok ulit siya.
May alam ang mga 'to pero hindi lahat. Hindi niya sinabi lahat.
"Take another path. It's hard to live for years alone. Huwag mong sundan ang tinahak namin ni Austin. Ayokong makikita si Nadine na umiiyak. It'll break my trust to you and so with the whole clan." He tapped his shoulders. "Don't hurt my baby, treat her better than we treated her. That's all I'm asking you." Tumango tango si Kier habang tinatanggap ng sistema niya ang sinasabi sa kanya ni Nathan.
"I love her, sir." Matapang na sabi nito kaya napatawa ulit si Vea habang napailing si Apollo.
"I know. And glad you said it."
------
Sa kabilang dako naman, nasa opisina ngayon si Nadine ng isa sa mga nakakataas na namamahala sa laboratoryo. Dalawang malalaking tao ang kaharap niya at isa doon ay half Filipino.
"Do you really think you don't deserve your position? My God, Nadine! There are so many people out there who wished to be on your shoe." The british lady said. Napatingin lang siya sa ibaba at hindi nagsalita.
Hindi nila tinaggap ang resignation letter niya kaya lumapit siya sa mga malalaking tao na parte ng laboratoryo.
"Nadine, you know you can't quit. May kasalukuyan kayong tine-test ngayon. Your team can't do it without you." The Filipina lady butted in. Nakahawak lang siya sa kamay niya at nakayuko.
"I'm sorry but I can't stay any longer here, Irish. I can pay for the contract. Besides, I shouldn't be here---"
"You're smart that's why you're here. Don't underestimate yourself. Mister Villanueva rejected the offer because he wants you to pursue your dreams. He sacrificed---"
"You don't understand, Beatrice." Putol niya sa sinabi ng ginang sa kanya. She tried to open her mouth again but no words want to come out. Walang nagsalita sa kanilang lahat at napahinga ng malalim yung dalawang babaeng asa harapan niya.
"Of course, we do sweety." The Filipina said. "You're an asset. We can't afford to lose you. Ganito na lang, isang buwan pa Nadine. Just finish the task and I'll help you talk to our dear president." Pagsuko niya.
"But Irish, I want it to be effective on---"
"Isipin mo ang naging buhay mo rito. Ang binuo mong team. Naniwala sila sa katalinuhan mo kaya ka nandito ngayon. It's about you and your big brain. Not about him and his sacrifices. Yeah, he sacrificed but you did your best to go beyond that, Nadine." The Filipina lady stated. Nangunot ang noo niyang nag-angat ng tingin.
"She's right. And he loves you." The other lady said. Pinunasan niya ang luha niya at napangiti ng tipid habang umiiling.
"He's just my friend---"
"Love is sacrifice, sweetheart." The ladies said in unison. Wala na siyang nagawa kundi tumahimik na lang at nag-isip.
Maybe they both need to talk, again.

BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
General FictionDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie