Chapter 36

11.9K 290 15
                                    

Chapter 36

Nadine

"You can have your break, Nads." Napaangat ako ng tingin sa nagsalitang si Lance na nagpunta dito sa aking pwesto. Wala naman kaming ginagawa ngayon dahil tulog na ang lahat pwera sa aming naka-shift dito sa site.

I smiled at him then nodded. "I think I really need to." I told him then stood up. I started to take my steps when he called me again. I just stopped but didn't look back.

"If you're thinking about what I've told you. It's true." He said. Napalunok na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. I took my mug on the table, magkakape na lang muna ako.

Napahinga ako ng maalala ko ang sinabi nito kanina. Anak pala sa labas ang daddy ni Kier. Nauna siyang nakatanggap ng invitation dahil gusto siyang makilala ng kanyang Lolo. Pinag-exam lahat ng kanyang apo at ang mauuna lang sa listahan ang tanging matatanggap dito. Maayos rin ang lahat hanggang sa nakapag-desisyon rin si Lance na tanggapin ang hamon. Kier knew it all along that I'll get the second spot dahil lahat ng possible answers na lumabas ay siyang ibinigay lang sa'kin. It's like my reviewer was already filtered. And he took the exam first. That's why he already had the idea on what's on the exam paper. Nagkagulo lang ang lahat ng sumingit si Lance. Unfortunately, he got the second spot. And there, he decided to quit para sa'akin at sa pangarap ko. Lance said that he's happy and he also planned to use me against Kier.

"But I didn't know that love can change your desires. As we work together, as I had to deal with your bratty side each day. I just realized one thing. Kier did that because he loves you. He wanted to see that little curve on your face every single day. And I guess I can do the same thing too."

Tumawa si Lance pagkasabi niya 'yan.

"Love can be really selfish at times. But when you read between the lines, love is when you let that person happy. Love is when your smile can heal my pain that is also caused by you. Love is my willingness to let you go even if it means pulling myself down too. And love is like accepting my defeat because I know in my heart that you're naturally happy by simply being with him."

I sighed then shook my head. Ngayon mas lalo na akong naguluhan. Napahinga ulit ako ng malalim habang inaabala ko ang sarili ko sa pagtitimpla ng may tumukhim sa likuran ko.

Pasimple akong umayos ng tayo ay liningon ito. Si Mia lang pala.

"Seryoso kayo ni Lance kanina ah, type mo na?" She asked as she smiled playfully. Napairap ako rito at naupo sa bakanteng upuan. Napatingin ulit ako sa paligid at ng makita kong nasa kani-kanilang pwesto ang mga kasamahan namin, seryoso akong bumaling ulit kay Mia.

"Paano ko ba masasabi na sasaya ako sa magiging desisyon ko?" I asked her. Binalingan niya ako pero umiling lang ito na parang hindi nakapaniwalang nagtatanong na naman ako. Tinapos niya ang pagtimpla ng sariling kape at naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Toss a coin." She suggested. Sinamaan ko ito ng tingin. She raised a brow then laughed softly. "Nakakabobo ba ang makitabi kay Kier sa kama?" She asked as I flushed.

"Mia naman eh. Seryoso nga ako."

Umiling ulit ito at naglabas ng isang baryang dolyar sa bulsa niya. She put it on her palm then shows it to me. "What is your first choice?"

Nag-alanganin akong magsalita sa una pero napilitan rin ako ng hampasin niya ang braso ko.

"Kung mananatili pa ba ako rito." I whispered. Tinaasan niya ulit ako ng kilay.

"Second?"

"Kung uuwi na ako agad agad at puntahan si Kier para ayusin ang lahat." Dire-diretso kong sabi. She didn't say anything and tossed the coin in the air. Seconds after, nasa palad niya ulit ang barya.

"The first one." Sabi nito sa'akin kaya agad akong napasimangot. Napailing ulit siya at tumayo na. Ibinato niya sa'akin ang pera at sakto namang sa noo ko. I gave her a glare.

"Mukha ba akong alkansya?" I hissed. She just laughed then shook her head.

"Hindi bes, pero mukha kang tanga." She smirked. "I only tossed that coin to help you figure out what you really want to do. Nadie, hindi pa ba obvious? Noong nasa ere ang barya, nakapagdesisyon na ang puso mo sa talagang gusto nito." She seriously told me.

Napaisip naman ako at natigilan.

Gusto kong unuwi at kausapin pang muli si Kier.

"Pero Mia..."

"Sa bawat galaw mo, sa bawat desisyon mo. Hindi mo maiiwasan ang may masaktan. You're not a saint, magkakamali at magkakamali ka pa rin. May masasaktan ka pa rin. May maiiwan ka at may mapapasaya ka. Nasa iyo na 'yun kung anong uunahin mo. Ang kaligayahan mo ba o ang ibang tao." Paglilinaw nito sa sinasabi niya.

"Nadine, sa panahon ngayon, iilan na lang ang kagaya ni Kier. Maswerte ka at nakilala mo siya. Maswerte ka at nasa iyo siya. Maswerte ka at ikaw 'yung mahal niya. Maswerte ka at ikaw ang pinili niya sa libo-libong babae naghahangad sa kanya."

She said then tapped my shoulders before she went back to her assigned base. Her words really put me back to my senses. I looked around again and I met Lance's gaze. He nods his head then smiled.

Napakagat ako ng labi ko at tumalikod. Naglakad ako hanggang sa matanaw ko ang mga bituin sa langit. I took a deep breath then closed my eyes.

"Love is a choice Kier, and I choose you."

------

"We're glad you already chose to be with us, Nadie." Bati ni Ate Lily sa'akin at yumakap.

Mabilis natapos ang ilang linggo at para itong bulang dumaan. Nakauwi na ako sa Pilipinas at heto nga ang dalawang kapatid ko na kanina pa ako pinupuri dahil sa desisyin ko.

"Of course, three heads are better than two." I kidded but they just laugh along with me. Kinuha ni Kuya ang mga maleta ko at umabrisete naman si Ate. Nang makasakay kami sa kotse ni Kuya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Nag-usap tungkol sa business ang dalawa kaya inabala ko ang sarili ko sa cellphone ko. I opened my messages and other social apps. Hindi ko pa kasi binubuksan ang mga 'to magmula ng huling assignment ko.

Natambakan na ako ng notifs at ilang messages pero may isa akong napansing pangalan sa folder ko.

It's a message from Kiyana. Hindi ko man gustong isipin pa si Kier ngayon ay kusang tumibok ng malakas ang puso ko.

'I hate you very much, Ate Nadie.'

That's what she said. Nangunot ang noo ko at rereplyan na sana siya ng mapansin ko ang tinatahak naming daan. Pwede kaming dumaan kina Kier saglit 'pag nagkataon.

"Kuya, bumalik na ba si Kier sa resort o nanatili na siya sa bahay nila?" I asked kuya. Pareho silang natahimik ni ate at nagkatinginan.

"Ah, nanatili na siya sa bahay nila." He answered after couple of seconds. Tumango ako at sumandal sa upuan.

"Pwede ba tayong dumaan doon ngayon? May sasabihin rin kasi ako sa kanya." I asked him again. Hindi na naman siya sumagot agad at tumikhim si ate.

"You two are acting so weird." Komento ko sa kanilang dalawa at tumawa ng peke. Hindi rin nila ako binalingan at nakatutok lang sa daan ang mga mata nilang dalawa.

"I think you should rest first, baka may jet lag ka pa." Suhestyon ni kuya pero agad kong inilapit ang katawan ko sa upuan niya at itinaas ang kamay ko.

"It'll only take about ten minutes." Pamimilit ko. "I just want to see him. Kasama ko naman kayo kaya saglit lang talaga ako. Besides, kailangan ko---"

"You need to distance yourself from now on, Nadie." Ate seriously cut me off. Binalingan niya ako at kinilabutan pa ako sa klase ng pagtitig niya sa'kin,

"Joke ba 'yan? I don't underdtand---"

"I'm serious, sis. Dalawang linggo na siyang naka-confine sa ospital. At medyo magulo ang pagitan ninyo ngayon." Dagdag niyo. Tinawanan ko siya at tinignan si kuya gamit ang rear view mirror.

"Are you fucking---"

"Naaksidente si Kier papunta sa resort. And he's in coma."

Kuya's words shut me up and made my tears fell in instant.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon