Chapter 41

11.8K 291 28
                                        

Chapter 41
Nadine


Padabog na pumasok si Kier sa kwarto namin. Padabog ko ring binagsak ang bag ko at sinamaan ito ng tingin. Sumingkit ang mga mata niyang tumingin sa'akin at halatang naiinis.


Ako rin! Inis na inis. Eh, joke lang! Acting lang 'to 'noh. Alangang yakapin ko agad ito dahil nagtagumpay ang unang plano ko? Hindi naman pwede 'yun. He's hot but unfortunately, not for me but to our situation.


"Bakit ba ako pumayag na ikaw ang kasama ko?" Ouch. Masakit pero mas pinili kong taasan siya ng kilay. Humalukipkip ako at naupo siya sa kama.


Tangina. Parang hindi patay na patay sa'akin 'to. Payo ko sa sarili ko para hindi gaanong mahapdi ang sinabi nito sa'akin.


"Wow ha. Kasalanan ko pa talaga? Edi bumalik ka! As if naman gusto kitang kasama." Pero talaga, gustong gusto kitang kasama Kier. Sagot ko at inismiran ito. Napailing lang ito sa'akin at tumayo ulit.


Inis niyang kinuha ang kanyang bag at hinalughog ito. Kanina pa niya hinahanap ang kanyang cellphone. Hindi naman niya ako tinanong dahil nasa akin 'yun. Kinuha ko para hindi siya matawagan ni Jillien.


"Gamitin mo na 'tong phone ko kung gusto mong kausapin si Jillien." Pwe. I offered him my phone. Tinaggap naman niya ito pero nanatili itong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Gusto ko ulit tumawa.


Ang talino mo talaga Nadine. Acting pa. Push pa.


"Ano?" I impatiently said. "Call her. I'll call your sister later. Tatanungin ko kung ano talaga ang nangyari." I said. Pero sa sobrang talino ko, isinauli nito ang cellphone ko. I want to laugh but he gave me glances so I keep my face straight.


"Hindi ko kabisado ang numero niya." Mahina niyang sabi.


Talagang hindi! Number mo nga, hindi mo kabisado. Number pa naman niya? Duh.


"Perfect." I murmured but then he looked at me again. "Ah, perfect. 'Yung ringback tone ni Kiyana, baby I'm perfect for you." Pagpapalusot ko at kinanta pa sa dulo. Kumunot naman ang noo niya at tahimik rin akong nagdasal na sana maniwala siya.


Hello? Uso pa ba ang ringback tone? Katangahan naman Nadine!


"Tss. Call her, then I'll talk to her too." Maalumanay na sabi niya sa'akin kaya tumango ako at tinawagan ang isang number ko. I turned it off and hide it on my closet. I just saved it as Kiyana's number.


I frowned. "Unavailable e." I tried to sound frustrated. Napabuga ako ng hangin at pasimple siyang tinignan. Napasandal ito sa headboard at ipinantakip ang braso sa kanyang mga mata.


Sexy.


Ano daw?!

"Tiyak na mag-aalala si Jillie nito." I heard him say. Napatigil ako sa mga hindi matitinong plano na nasa isipan ko at medyo nagseryoso.


Ako rin naman, nag-aalala sa'yo. Nag-aalala sa'tin. Hindi lang 'yun. Natatakot rin ako. Natatakot na baka hindi mo na talaga ako maalala. I wanted to say but I refused to. I shook it off then stood up. I tried to dial Kiyana's number again until my phone's dead.


I bit my lower lip as I raised my phone on the air. "May charger ka ba ng Iphone 4s? Naiwan ko pala 'yung isang phone ko sa bahay namin." I asked then explained. Tinignan niya lang ako ng hindi nakapaniwala kaya mas lalo kong gustong matawa.


He's using the latest and it's different from my phone's charger. I didn't bring my android because he might borrow the connector from the staffs. And his phone? It's in my bag. Kinuha ko ito kanina.


Hindi naman niya ako tinanong kung nakita ko ba o hindi. Bakit ko ibibigay 'dba?


"What just happened?" He absentmindedly asked himself as he brushed his fingers through his hair.


I smirked.


------


I wanted to laugh hard while reading Kiyana's messages. I'm in the bathroom right now and I'm using my keypad phone to have a communication with Kier's sister. Pinaandar ko lang ang shower para hindi marinig ang pagta-type ko ng messages. Inis na inis daw si Jillien dahil hindi sila nakasama. I put something to her drink before we went off so she'll be comforted by its beloved bathroom for a little while.


I felt guilty but she deserves that. No one messes with me and she's not even an exception. I also heard that she hates frogs so I bought three for her then put it inside her bag. I can imagine her ugly face right now. She can kiss those frogs so she can have her own prince charming.


Napangiti ako at pakanta-kanta pa ng mapagdesisyonan kong maligo na. Two weeks rin kami dito at hindi ko mapigilan ang hindi matuwa kapag naiisip kong kaming dalawa lang ni Kier ang nandito.


Wala pa akong plano pero bahala na. Hindi ako umaasang maaalala niya ako pero umaasa akong iiwan niya si Jillien pagkatapos nito.


May natanggap ulit akong text kaya mabilis ko itong binasa. Galing pa rin kay Kiyana.


Ate, 'yung juice. Nasa bag mo pala. Hahaha! Magagamit mo 'yan. Sure ako.


Nanlaki ang mga mata ko dahil iniwan ko na 'yun sa bahay nila bago kami nagpunta rito. 'Yun ang juice na ginagamit ko kina Kuya at Ate Ai noon. Ayoko lang gamitin kay Kier dahil hindi 'yun magiging tama. Baka mas lalo akong masaktan dahil hindi naman niya ako maalala.


I typed a reply.


Kiyana, I told you I won't use it to Kier. At paano mo nalaman 'yun? Hindi ba sinabi ko na ordinary juice lang 'yun?


I sent it to her then she replied fast. Mukhang wala na siyang ginagawa at talagang sinadyang makipagkwentuhan sa'akin.


I'm your fan before you ruined everything ate, remember?


Napatigil ako at napangiti ng mapait pagkabasa ng reply niya. Hindi ko na rin siya sinagot at nagpatuloy sa pagligo.


Nang patapos na ako ay saktong kumatok si Kier. Pinatuyo ko muna ang katawan ko bago isuot ang damit ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'akin ang nakasaklay na Kier habang bitbit ang twalya niya.


"Sorry. Matagal ba akong maligo?" I asked when he stared at my face with his forehead knotted. Hindi ito sumagot pero lumunok siya.


Ay, naakit ko na ba?


"Okay ka lang?" I asked him again. Tumango siya sa'akin kaya naman lumabas na ako ng banyo. Iisa lang ang gamit naming kwarto. Cancelled ang dalawang na-book dahil sa policy ng private resort. They already accepted two waiting guest kaya wala na kaming choice kanina kundi um-oo. Hindi naman kami pwedeng bumalik kasi nga per schedule ang pick up ng chopper. Ours will be two weeks from now.


I hum the song One Last Time as I prepare myself to bed. Nasa chorus na ako ng ma tumikhim kaya agad akong napatingin sa gawi ng banyo. Kumunot ang noo kong makita si Kier na nakatayo pa rin doon hanggang ngayon.


"May glue ba sa tsinelas mo at hindi ka makapasok sa loob o takot ka sa tubig?" I asked him, trying to crack a joke.


Hindi ito sumagot kaya hinintay ko na lang siyang magsalita.


He gulped. "Pwede mo ba akong samahan sa loob?" He asked that made my jaw literary dripped.


Ano daw?!


"No---I mean, I need someone to clean my back. May sugat pa kasi ako doon at kung pwede---ah, nevermind." Pagbawi nito kaya agad umangal ang mga kamay ko.


"Hindi. Okay lang. Hindi mo naman agad sinabi." Tumawa ako ng mahina. Hindi niya ako matitigan at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.


"So, okay lang talaga? Kahit mabilis lang. Ako na ang bahala sa ibang bahagi--"


"Of course I can! Sure! No problem!" May halong excitement kong sabi kaya bigla niya akong tinignan at napahawak ako sa bibig ko.


Tangina Nadine!


"I mean, oo naman. Sanay na akong manggamot." Mahina kong sabi. Kumunot lang ang noo nito.


At sanay na rin akong makita ang katawan mo. Gusto kong idagdag pero kinalma ko ang sarili ko.


Minsan talaga. Lubos lubos ang blessings ni Lord.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon