Chapter 20
Nadine
Naghahanda na ang lahat sa pag-alis ko. Nakabalik na rin kami ni Kier sa bahay matapos ang...ano, 'yung ano. 'Yung exercise namin. Ramdam ko ang lungkot sa paligid at ang bigat sa dibdib ko.
Heto na naman ako, ayoko na namang umalis sa piling ng pamilya ko. Napahinga na lang ako ng malalim. Nandoon na ang buhay ko. Nandoon ang trabaho ko at doon ako dinala ng pangarap ko.
"Nadie." Umikot ako ng tawagin ako ni Kuya Nathan. Ngumiti lamang ako ng pilit rito.
"Bakit kuya?" Tanong ko. Naglakad lang ito palayo sa lahat kaya sumunod ako sa kanya dahil alam kong may importante iton sasabihin sa'akin.
"I won't force you but I'm hoping for a little chance, okay?" He started. Nakatingin lang ako rito at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Inakbayan niya ako at hinalikan ang buhok ko.
"You're so serious, kuya." Biro ko pero kinakabahan rin naman ako. Nagtago lahat ng tapang ko sa kaseryusuhan nito.
"Well, we love you so much and we're willing to support every step you make. But, I still want you to know that our company needs you too. Dad's not getting any younger now, Nadie. Lily and I can't handle it all." Kusa akong gumalaw at napatingin sa isang banda kung saan nakapwesto si daddy kasama ang mga pamangkin ko.
Kuya's right. He's old now. Hindi na siya gaya ng dati. Kapag binubuhat niya si Vaughn ay nakaupo na lang ito. Same with Mommy. Maganda pa rin naman siya pero halatang tumatanda na rin siya.
I took a deep breath then looked up at Kuya Nathan again. I smiled at him, telling I do understand what he's pointing out.
"We're not asking you to quit because we know that it's your dream. And believe me baby, I hate to say this but can you give our company a little chance to be in your heart? When your contract as a botanist is over, come back here and try to be in the business world." Pakiusap nito sa'akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tumitig siya sa mga mata ko na dagdag para makonsensya ako.
Hindi ako agad nakasagot. Dalawang taon pa bago ang end of contract ko sa laboratoryong pinagtratrabahuan ko pero iniisip ko pa lang na business attire ang isusuot ko at hindi lab gown, umuurong na ang puso ko.
"Just try it, Nadie. Wala namang magtutulungan kundi tayong apat lang. Try lang naman e. Kung hindi mo talaga magustuhan, hahayaan ka ulit namin. Bata pa lang kasi si Apollo. He still needs to focus on his studies." Napabaling ako sa nagsalita at nakita ko ang palapit na si Ate Lily. Gaya ni Kuya ay seryoso din ang mukha niya pero pinipilit lang ngumiti para hindi ako mag-alala pa.Lalo akong nakonsensya. Nakatingin silang dalawa sa'akin at ngayon ko lang napansin na kahit gaano pa kasaya ang mga mata nila kapag ngumingiti ay bakas sa mga mukha nila ang pagod.
Pagod na marahil ay dalawa lang silang humahawak sa lahat ng negoso ng aming pamilya. Idagdag mo pa ang kani-kanilang tungkulin nila sa pamilya nila.
"We're really selfish to ask you this but we just want mom and dad to relax. We tried to manage our businesses but two heads aren't enough. Besides, I need to help Austin as well as kuya needs to help Vea too." Ngumiti ng pilit sa'akin si ate.
Wala na akong nagawa kundi huminga ng malalim. Siguro nga, magiging proud si daddy kapag tumulong din ako sa mga kapatid ko.
I sighed again then tapped their shoulders.
"Kapatids, I still have two-year contract at my present job. I need to wait and fulfill it. Sana lang ay kayanin niyo pa ng dalawang taon. At pagkatapos 'nun ay babalik ako dito para tulungan kayo." Masaya kong sagot sa kanilang dalawa. I saw their eyes widens with happiness and their sighed as a relief. Yinakap lang nila ako pareho.
"Thank you." They said in unison. Bago pa ako makasagot ay may yumakap ulit sa'amin.
"Kapatid niyo rin ako. Rodriguez ang dugo ko." Pabirong tampo ni Apollo kaya napatawa na lang kaming apat. Ang higpit ng yakap ni Kuya Nathan sa'amin. Gaya ng dati, gaya ng pagproprotekta niya sa'amin ni Ate Lily.
"Maybe we can go there on your birthday. Lahat kami." Unang kumalas si Ate at ngumiti sa'akin. Today's February 13 and July's my birthday. Oo, matagal pa. Excited lang si ate.
"I'll wait for it then." I answered. Nagsimula na rin kaming bumalik sa dating pwesto namin at agad hinanap ng mga mata ko si Kier pero hindi ko na siya nakita pa.
------
Nasa eroplano na ako at lahat pero iniisip ko pa rin kung bakit hindi nagpakita si Kier sa'akin kanina. Tila may alam rin ang pamilya ko dahil hindi man lang nila tinanong at nagtaka kung bakit wala siya. Hindi naman sa gusto kong tinutukso nila kami pero hindi nag-abala si Ate kanina para asarin nga ako.
Naalala ko bigla ang keychain na binili niya sa Baguio. Maliit lang naman 'yun kaya linagay ko sa secret pocket ng bag ko. Kukunin ko na sana para mailagay ko pero isang papel ang nahawakan ko.
Papel? Bakit may papel? Kinuha ko ito at agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakasulat dito.
MGA UTANG NI NADINE JULIANA RODRIGUEZ...
What the freakin' hell?! Utang?! As in me? Ako? Umusok bigla ang ilong ko ng maalala kong si Kier lang naman ang nagsasabing may utang ako rito. Alam kong siya ang may gawa nito dahil natatandaan ko ang sulat kamay niya. Hindi iyun maganda at nevermind.
Agad kong binuklat ang papel at napailing ako ng makitang malaking smiley lang pala ang laman nito. Effort pa siyang nagdrawing, ang pangit naman ng sulat kamay niya.
CHECK YOUR POUCH.
That's what he wrote beside that smiley. Hinanap ko naman ang pouch ko at may isang papel ulit ang nasa loob nito. Ngayon ko lang naisip na may lahing mabilis ang kamay pala si Kier. Paano kaya niya nagawa ang mga 'to?
Napairap ako at binuklat amg papel. Sulat na niya 'to. I started reading it.
Dear Nadie,
I just want you to know that I will ask Yvette to have a roadtrip tomorrow morning. We'll be riding big bike. In the afternoon, I'll ask Pauline to stay with me at my laboratory room at Lola Salin's home. I'll be doing something so I need companion. And last but definitely not the least, I'll try to talk to Jillie to have a romantic night somewhere, where we can talk about our past---wait, don't frown okay? I was just kidding!
Nagsimulang magsalubong ang kilay ko pagkabasa ng pagkabasa ko ng sulat nito. Pakialam ko naman? Kailangan bang ipaalam niya talaga?
Duh.
Smile forever gorgeous! I just want you to know that I didn't show up after we reached your home because it'll be hard for me to say good bye, again. It'll be hard to watch you taking steps away from me. So instead of talking to you, I made this. My hands are now hurts but I need to finish it. Just take care of yourself every day. Continue pursuing your dreams and we believe in you, Nadie. I hope to see you soon.
Happy Valentine's Day Nadie baby!
- Kier
Pagkabasa ko ng buong sulat nito ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. He's still supporting me like before and I can't understand what I really feel inside. I want to go back but he told me to keep going 'coz he believes in me.
"Miss?" Nag-angat ako ng tingin sa flight attendant na lumapit sa'akin. She smiled at me then handed me a bouquet of roses. Nagtataka ko itong tinitigan bago ibalik rito.
"These flowers are lovely but you've got the wrong person. I'm not expecting---"
"You didn't expect ma'am for it's a surprise." She cut me off, still smiling. She gave me the flowers again. "Happy Valentine's Day, Miss July." She greeted then leave.
Napamaang na lang ako. Kinuha ko ang card na nakaipit sa mga bulaklak at agad lumawak ang ngiti ko sa nabasa ko.
- Hey, Happy Valentine's Day! It's January :)
I sat comfortably then looked on the clouds peacefully.
Napangiti ulit ako ng maalala ko si January.

BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
General FictionDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie