Chapter 14
Nadine
Gabi na nang mapagpasyahan kong lumabas. Tinatamad kasi ako kanina at nakipag-usap lang ako sa dalawang kaibigan ko na napakabusy sa kanilang mga trabaho. Nakaligo na rin ako bago ako humilatay kanina sa kama. I grabbed my phone in my bag to look for a message from Kier but to my disappointment, ni isang hi ay wala akong natanggap.
"So, ako talaga ang hinihintay mong Negro ka?" Sabi ko sa harapan ng cellphone ko na parang maririnig nga niya. Inis akong tumayo at pumuntang banyo para ayusin ang sarili ko. Habang nagsisipilyo ako ay tinawagan ko si Kier pero hindi siya sumasagot.
Nakatulog ba siya? Ang lakas naman niyang magsabi na hihintayin niya ang tawag ko. Neknek niya!
I tried to call him again and again until someone's voice popped in saying he's out of coverage already. I cursed then sighed in disbelief. Did he just turn off his phone?! Damn it. Inis kong kinuha ang bag ko at padabog na naglakad palabas ng room ko.
I took a deep breath to calm myself. Inhale, exhale. Kalma lang Nadine, sapakin mo na lang siya pagpasok na pagpasok mo sa loob. I silently told myself.
Malakas akong kumatok ng tatlong beses pero hindi rin niya ako pinagbuksan. Ano bang problema niya? I called his phone again but he's still out of coverage. Umalis na ba ito? Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at nakakarinig naman ako ng boses mula sa TV.
He's watching but he's ignoring me? What the hell? He's ignoring me? As in ako? Wow. Ang gwapo niya ha. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock pa ito.
Edi wow.
Humalukipkip ako at napatitig lang sa pinto. Talagang wala siyang balak na pagbuksan ako? Tangina, nakakainis na talaga si Negro! Hindi ko naman magamit ang pin ko dahil card ang dapat gamitin para buksan ang---wait, I've got an idea.
Ngumiti ako ng palihim at ginamit ang pin ko para mareset ang door lock. I closed my eyes to remember Kuya Gelo's emergency password. Nakilog-in ito sa laptop ko noon and I got the chance to read the email he sent to Ate Ai. That's the emergency password. Kung sakaling mawala ang card, the staffs still have other option.
"Ang talino mo talaga, Nadine." Puri ko sa sarili ko ng biglang may lumabas na keypad. I typed the emergency password. Well, isang taon na 'yung password na alam ko pero nananalangin pa rin akong hindi pa pinapalitan ni Kuya Gelo ito.
Sana gumana ka. Please. Oh, Lord pagbigyan niyo na---
"Bingo." I smiled happily when the light became green. I titled my head then looked around, wala namang nakakita sa'akin. Inayos ko muna ang damit ko bago ko buksan ang pinto.
Lilintikan ko talaga 'yang Kier na 'yan kapag---wait, bakit ang dilim?
Ang tanging ilaw lang ng kwarto ay ang ilaw na nagmumula sa TV. Kinapa ko ang switch ng ilaw malapit sa kinatatayuan ko at napatingin sa paligid.
"Kier?" I called but I stayed still. Tumahimik ako baka nasa banyo lang siya pero ng wala akong marinig na ingay ay humakbang na ako palapit sa kama nito. Wala naman kasi siya doon.
"Kier, nandito ka ba?" I asked again. Imposible naman kasing lumabas siya ng nakaandar ang TV? As far as I know, sigurista ito. I found the remote control and turned the TV off. Humakbang pa ako at nagulat ako ng makita ko si Kier na nakahandusay sa sahig!
Shit! Bakit siya nandiyan?
"Uy Kier!" I called him hysterically. Yinugyog ko ang balikat nito hanggang sa marinig ko ang ungol niya. Mabuti naman at buhay pa siya!
"Hindi mo kama 'to. Sahig ito." Panenermon ko ng dumilat siya at inaninag ako. "Bumangon ka na diyan." Sita ko rito ay tatayo na sana ng makita kong namumula ang labi nito.
Oy, huwag kayong green. Baka kako nilalamig si Kier o kaya naman may lagnat. May lagnat?! Pumikit siya ulit at parang walang balak pumunta sa kama niya kaya wala sa sarili akong napahawak sa leeg niya at tama nga ako, mainit siya.
I shook my head then pinch his nose.
"Gago ka talaga. May lagnat ka pero malakas pa rin ang loob mong magsungit kanina? Anong iinumin mong gamot ngayon? Pride mo?" I sarcastically asked him. He made a sound but too hard to understand. I laughed softly.
"Kakaiba ka rin e. May cellphone ka na at lahat, hindi mo pa rin ginamit para humingi ng tulong? Stupid." Pinitik ko ang noo nito. Umungol ulit siya pero hindi ako natakot. He's weak, hindi niya ako masusungitan. Sinubukan ko rin siyang itayo pero masyado siyang mabigat para sa kaseksihan ng katawan ko.
"Hala, tayo na. Konsensya ko pa kung magkombulsyon ka." I said. Nang hindi pa rin niya pinagaan ang sarili niya ay huminga ako ng malalim at naupo na lang sa may tabi niya.
"Hoy Kier. Babae ako. Hindi kita mabubuhat papunta sa kama mo. Pagaanin mo naman ang sarili mo." Utos ko at sinubukang itayo ulit siya. Mukhang naintindihan naman niya kaya nagawa ko siyang ipahiga sa kama niya. Humalukipkip ako pagkatapos. Mukhang hindi yata kami makakapasyal. Mukhang ako lang. Wala naman si Apollo kaya wala akong choice kundi ako na lang.
Bago ako magpasyang umalis ay nakonsensya na ako kaya nakialam na ako sa kwarto niya. Pinasok ko ang banyo nito at kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo.
My God. Nagpunta lang ba ako dito para maging nurse ni Kier? Aba, mahal ang singil ko. Nakita ko ang bag nito pero nagalinlangan akong galawin 'yun kaya nagbalik ako sa kwarto ko para kumuha ng gamot. I called the hotel service to bring up some soup. Habang naghihintay ko ay lumapit na ako kay Negro at nagsimulang punasan ang mukha niya.
May sinasabi ito tuwing maididiin ko ang bimpo.
"Ano? May sinasabi ka? Don't worry, alam kong mag-alaga ng pasyenteng may saltik na akala mo naman ay babae na nawalan ng dangal." I told him. Diniinan ko ulit ang pagpunas ng matapat ito sa pisngi niya.
Umungol ulit ito kaya napatawa lang ako.
"May sinasabi ka ulit? Oo, may bayad 'tong ginagawa ko sa'yo. Ako kaya si Nadine. Mahal ang TF ko." Sabi ko ulit rito. He tried to open his eyes as I flashed my sweetest smile.
"Yup, si Nadine ako. The one and only forever gorgeous and smart Nadine Juliana Rodriguez." I winked. Nakita ko ang pagsulyap ng munting ngiti nito pero binaling sa iba ang tingin pagkatapos.
Napaingos ako.
"Sige lang Negro. Push mo ang pagiging masungit mo." I held his chin then forced him to look at me. I gave him puppy look.
"Tsk."
"Kier babyboo, if you want to get well fast, start being a good boy, alright? And may I remind you. You don't have Yvette or Pauline here. You only have the forever diyosa---Nadine." I smiled again. Hindi ito nagsalita at nangunot lang ang kanyang noo.
"Ayaw mo?" I asked again. Hindi ito nagsalita. Napakapakipot naman talaga ni Negro. Sinulyapan ko ang orasan at nakita kong matagal ang order ko. I stood up.
"Hey." Kier said with a very weak voice. Hinawakan pa niya ang laylayan ng damit ko. "Please stay." He begged. Tumaas ang kilay ko pero napangiti rin ako ng matamis ulit.
"Say please baby first." I playfully asked him. He just shook his head. Umakto akong tatalikod ulit kaya napangiti ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Please baby." I laughed when I heard him say it. Binitawan ko ang kamay niya at pinisil ulit ang ilong nito. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako natakot.
"Huwag kang madrama Kier, pupunta lang ako sa gilid kung saan naroon ang telepono para i-follow up ang order kong soup. Masyado kang emo kaya may pa-stay please ka pang nalalaman." Tumatawang sabi ko sa kanya dahilan para samaan niya ulit ako ng tingin.
"Huwag ganyan Kier babyboo. Tiisin mo ako dahil ako lang ang nandito ngayon. Don't worry, magaling ako kaya gagaling ka agad." Sabi ko nang medyo seryoso. "Ano, pupunta na ako sa gilid ha?" Tumawa akong lumayo at finallow-up ang order.
Palitan ko kaya ang gamot na ipapainom ko rito? Nah, huwag siya Nadine.
Huwag.
BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
General FictionDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie