Chapter 37
Nadine
Nasa labas ako ngayon ng bahay ni Kier at naghihintay ng mapagtatanungang tao. Kanina pa kasi ako dito dahil gusto ko siyang makita. Napatingin ako ra relo ko at tatlong minuto na akong nakaupo sa plant box nila at hindi inalintana ang init ng araw.
"Nadie?" My heart started to beat fast when I heard a familiar voice. I immediately stood up and face him. Nakatayo si Kier malapit sa gate nila at gulat na gulat na makita ako.
I didn't waste any moment and I ran to him for a hug. My tears automatically fell the moment I felt his body against mine.
"Kier...akala ko...sabi nila...kasi...I'm glad you're okay!" I tip toed so I could hug him tighter. Narinig ko lang tawa niya at yumakap rin pabalik.
"Bumalik ka na kaya okay na ako." I heard him say. Mas lalo akong napaiyak. Sinubsob ko lalo ang mukha ko sa balikat niya.
"Auntie Nadie..."
"Kier?"
"Auntie Nadie wake up!"
Napamulat ako kasabay ng paghawak ko sa dibdib ko. Agad akong napatingin sa paligid at nakita ko ang mga pamangkin kong nakapalibot sa'akin.
"You're having a bad dream, Auntie." Nathania told me. Hindi ko siya pinansin at napatingin sa pintuan. Kami-kami lang ang nandito at nakasara pa ang pinto.
Teka, si Kier.
Nasa bahay ako nina Kier. Yakap-yakap ko siya kanina. Pero ngayon, nasa kama na ako at mukhang panaginip lang 'yun.
"Si Kier? Nasaan na siya?" I asked them but they just exchanged looks to each other and stared at me like I asked them a very hard question.
"Auntie, it's just the four of us who's in your room for thirty minutes now." Crain explained. He looked at his twin sister and they all nods their head.
"And we saw tears from your eyes while you're sleeping so we decided to wake you up." Shaine added. I looked at them one by one before I touch my cheeks. They're right, umiyak nga ako kanina.
"We're very sorry, we disturbed your sleep." Nathania gave me an apologetic look. Napatitig na lang ako sa kanila.
Gusto ko ulit umiyak, sana pala hindi muna ako nagising. Sana nakausap ko pa si Kier. Sana yakap-yakap ko pa rin siya.
"Where are they?" I asked them after I realized I need to get out of here. They all shrugged as an answer.
Hindi na ako nagsayang ng oras at agad bumaba sa aking kama. I went to my bathroom and take a half bath. I need to move faster so I could be able to go to Kier's home. I don't have any idea where they confined him. Imposible namang sa ospital nina Tito Gerald. Maybe their maids can answer my questions.
Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako. Narinig ko pa ang pagtawag sa'akin ng mga pamangkin ko pero dineretso ko lang ang daan. Sakto namang may dumaan na taxi sa lugar namin kaya agad akong sumakay at nagpunta sa bahay nina Kier.
------
"Tita please, I just want to see him. I won't do anything. Just please, let me see him." I begged to Kier's mom. Nasa harapan ako ng gate nila at nasa loob naman sila.
"Shut up bitch, my brother doesn't need you here! Fuck off!" Kiyana angrily yelled at me. She pointed her finger to me and I bet she wanted to slapped me too.
"Tita please." I begged again. "Kahit ten minutes lang po. Gusto ko lang talaga siyang makita. Please." I cried as I crossed my fingers in front of them.
"No, Nadine." Tita said. "This is too much. Hindi ka na nakakabuti kay Kier. Napapahamak ang pamilya ko dahil sa pagmamahal niya sa'yo." Mahinahon pero tagos sa butong sabi niya sa'akin.
I can't help but to cry harder. I wanted to shout at them. I just want to see Kier. I won't do anything. I'm so frustrated. Galit din ang kapatid niya dahil sa nangyari noon pa. Wala akong kasalanan pero kung makabintang sila ay parang ako ang may kapangyarihan at linagay si Kier sa sinapit niya ngayon.
"Hindi ko naman alam, tita." Mahina kong sabi at pinunasan ang luha ko. Lumapit ako sa may gate at kumapit sa rehas nito.
"You should go home. Hindi mo pwedeng makita si Kier."
"Please!" I frustratedly begged. "What do you want me to do? Kneel? Luluhod ako sa harapan niyo para lang payagan niyo akong makita si Kier. Just let---"
"You wish! We won't let you!" Kiyana shouted again. "Ang kapal mo namang magpunta pa rito! Ni hindi pa nga gumagaling si daddy tapos susunod ang kuya ko? Damn you." Dinuro niya ako ulit. Kinapalan ko ang mukha ko at tumungin ulit kay Tita.
I swallowed my own saliva as I slowly bend my knees down. Mabilis namang lumabas si Kiyana sa gate at agad akong hinila patayo at sinampal ng malakas. Nanginig ang buong katawan ko pagkatapos ay narinig ko ang malakas na sigaw nito.
"Sa tingin mo, sa pagluhod mo babalik sa sigla ang pamilya ko? Sa tingin mo ba, gagaling ang daddy ko? Ha? Gigising ba si kuya sa pagluhod mo? Sasaya ba si kuya sa pag-iyak mo? Ha?" Tinulak niya ako ng mahina. Wala akong nagawa kundi hayaan lang ito sa mga ginagawa nito sa'akin.
"Sorry. I didn't know..."
"Diyan ka magaling!" Sumbat niya at tinulak ulit ako ng mahina. Tinatawag na rin siya ng mama ni Kier pero hindi pa rin ako tinignan.
"Mahal ko rin naman si Kier..."
"Mahal mo ang pangarap mo!" She shouted again. "Hindi mo mahal ang kuya ko. Hindi pagmamahal ang pinairal mo! Putangina, Ate Nadine pero galit na galit ako sa'yo!" She slapped my face again. Hinila siya ng kanyang ina pagkatapos. Napahawak lang ako sa pisngi ko at naiyak.
Lumapit ako sa kanya at luluhod na sana ng may humawak sa magkabilang balikat ko dahilan para matigil ako.
"I didn't work hard just to watch you worship other people, Nadine."
Unti-unti akong umikot at nakita ko ang seryosong mukha ng daddy ko. Bakas ang galit sa mukha niya habang nakatingin sa ina at kapatid ni Kier.
"Daddy..."
"Kneeling in front of narrow-minded people isn't a nice view sweety." He told me while his eyes are still glued on them.
"They are right---"
"No, no, no." Daddy shook his head as he let go of me. "I treated Kier so nicely and I didn't know you would get two slaps in return." He sarcastically said. He eyed them from head to toe.
"Kasalanan naman talaga ng anak---"
"Is that a valid reason to lay a finger on my daughter?" Mas nagalit ang boses ng daddy ko. Agad akong lumapit sa kanya at hinila na siya palayo. Baka kasi lalong magkagulo kung mag-away ang mga magulang naming dalawa.
"Dad...please."
"No." He said with full of authority. "I let Kier worked under my name. I let him sleep under my roof when you pushed him away. I gave him a decent job when he had nothing. And you will just slap my daughter as a repay? How could you?" He sounded even more serious like any moment from now, he'll just burst out. Hindi naman makapagsalita ang pamilya ni Kier, lalo na ang mga body guards na nasa paligid namin.
"Daddy..."
"You are all bullshit. I'll make sure your live will be a living hell." Banta niyo pagkatapos ay kinaladkad na ako patungo sa sasakyan nito.
Wala akong ibang nagawa kundi sumunod na lang at tahimik na naupo. Ngayon ko lang nakita si daddy na ganito kagalit. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natakot ako sa kanya.
He held my chin and I heard him curse when he saw my left cheek. Ramdam ko rin kasi ang hapdi nito.
"Don't ever beg for love." He said. "I didn't get the chance to protect your sister like I just did because things are more complicated before. But now, you can still get him off your head and move on." Payo niya sa'akin. Hindi ako nagsalita at napakagat na lang ng labi ko.
Kokontrahin ko ba ang ama ko?
"He will look for you when he wakes up." Pagpapanatag niya rin sa loob ko. "Ayokong gawin mo ulit 'yun, Nadine. Masasaktan kami ng mommy mo."
"Pero dad, si Kier..."
"Real love will always finds its way, baby. Always remember that." He smiled a bit as he started the engine.
BINABASA MO ANG
Love and Desire(#5)
Fiksi UmumDesire Series #5 January Kier Villanueva and Nadine Julianna Rodriguez' story. "Efforts are better than words. As well as actions are better words. but without any word, actions are still useless." - Nadie
