Chapter 50

13.5K 327 29
                                    

Chapter 50

Nadine


Halos mawalan ng kulay ang buong katawan ko matapos kong makita ang dalawang guhit sa pregnancy test na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.



"Ano bang 'tong ginawa ko?" I absentmindedly asked myself as tears began to kiss my cheeks. Napahilamos ako ng mukha ko at tumitig ulit sa dalawang guhit.


Iniisip ko pa lang ang mukha ni daddy ay naiiyak na ako. Idagdag mo pa sina Kuya Nathan at si Apollo. Alam kong pupuntahan at pupuntahan nila si Kier at pipiliting ipakasal sa'akin. Hindi 'yun magiging madali. At marahil din ay masasaktan ako.


I can't hide this child too. Hindi ako pwedeng magbakasyon sa isang tagong lugar at babalik lang ako nang may bitbit ng bata.


"Nadie, we're coming in." I heard Ate Vea's voice so I immediately wipe my tears before they could enter my bathroom. Alam kong hindi na maitatago ang pag-iyak ko dahil ramdam ko ang pagsingkit ng mga mata ko dahil sa kakaiyak.


"It's...positive." I told them then showed them the kit. Ate Lily opened her mouth but end up with a sigh. Ate Vea just looked at my face while mommy nods her head, giving me a very warm smile.


"I'm...sorry." I sighed then tears flow again. "Kung hindi sana naging matigas ang ulo ko, sana...hindi ako mabubuntis. Kung hindi ako atat na maalala ni Kier, sana hindi ako nagplano ng ikapapahamak ko." Sabi ko sa kanilang tatlo at lumapit kay mommy. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinisil ito para pakalmahin ako.



"Mommy...sorry po." I sobbed. "Nabigo ko po kayo ni daddy. Mom, hindi ko po sinasadya. Patawarin niyo ako---"



"Nadie, don't cry. Dapat maging masaya ka ngayon. You're going to be a mommy soon." Ate Vea cheered me up but I can hear a crack on her voice.


"She's right. And don't ever regret bearing that child because that's a gift from God." Ate Lily said too. Lalo akong napaiyak at tumingin ulit kay mommy.


"Mommy..." Tawag ko pero humagulgol na ako ng tuluyan ng yakapin na niya ako.


"Shh. That's alright baby, I understand." She rubs my back as she tries to calm me.


"I'm really sorry..."


"Hey, stop apologizing! We've been there." Ate Lily pulled me away from mom. Hinawakan niya ang baba ko at pinunasan ang mga luha ko.


"Kailangan nating puntahan si Kier bago pa malaman ni daddy ang tungkol sa bata dahil mas malala ang mangyayari. Idaan muna natin sa matinong usapan bago sa rambulan." Dagdag nito at tumingin kay mommy na parang humihingi ng pahintulot.



"Kung okay ka na sa pamilya ni Kier ay sasang-ayon ako dahil alam kong magkakagulo kapag malaman ito ng daddy niyo at ni Nathan." She agreed. Tinignan nila ako pero nag-alinlangan akong tumugon.


"Hindi naman niya ako naaalala..." I told them softly.


"Nadie, kung wala pa ang bata at 'yan ang rason mo para lumayo. Okay lang. Pero may bata na sa pagitan ninyo at hindi ito dapat balewalain lang." Ate Vea butted in. "Besides, nandito naman kami para umalalay sa'yo. Maging matapang ka para sa anak mo at magtiwala sa pagmamahal ni Kier. Kaya mo 'to Nadie. Ikaw pa." Pagpapalakas ng loob nito sa'akin at yinakap ako.


Memories flashed back on my mind again. How I made those tricky set ups to Ate Vea and Kuya Nathan before. How I cried when she left us. How I happily smiled when she came back with Nathania.

"Thank you so much." I told them as I wipe my tears away.


------


Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon