Chapter 6

14.5K 352 22
                                    

Chapter 6

Nadine

Umaga pa lang ay nakaharap na ako sa laptop ko at kausap ang dalawa kong kaibigan. Nakuwento ko na rin sa kanila ang nangyari kagabi at heto, sinusulsulan na nila akong dalawa.

"Hindi ba, sinabi na ni Kier na huwag ko na siyang guluhin?" Kontra ko sa sinabi ni Jenny. Hinintay ko ring kumontra si Mia pero nagulat ako ng sumang-ayon ito.

"So papayag kang ikaw ang guluhin niya?" She asked, pointing my idea out. "At pwede ba, ang plastic mo. Kailan ka ba sumunod sa utos?" Dagdag nito kaya agad akong napasimangot. Tumaas lamang ang kilay nilang dalawa.

"Eh, seryoso kaya siya noong sinabi niyang huwag ko na siyang guluhin! Kayo naman 'tong push ng push sa'kin. Hindi naman kayo ang nakakarinig ng masasakit na salita." Reklamo ko sa kanila. Tumayo si Jenny sa pagkakaupo at nagstretching pa.

Wow ha. Nakuha pang mag-exercise?

"Ay naku, Nadine, seryoso din ako 'noh. As far as I remember, natahimik ang mga buhay ninyo nang pinili mong magtrabaho abroad kaya siya ang unang nanggulo. Bakit ba siya nandiyan? Hindi ba para guluhin ka?" Sabi niya sa'kin. Totoo naman 'yun e. Wala akong narinig tungkol sa kanya noong nandoon pa ako kaya nagulat ako ng makita ko siya rito.

Hindi kami nag-usap simula nang nagpunta ako sa amerika at lalong hindi ito tumawag ni minsan. Hindi na rin ako nag-effort noon na kamustahin siya dahil naging busy na ako sa pagaadjust ng buhay ko doon.

"And, hello? Pamilya mo ang damay dito. Okay sana kung hindi ka naapektuhan. Mali nga ang pagtripan siya Nadie pero mali din ang wala siyang isang salita. I mean, gusto ka niyang pagbayarin pero noong nakisabay ka sa laro niya, nagalit siya. Hustisya 'teh?" Mahabang linya naman ni Mia sa'akin.

Napahinga ako ng malalim at napaub-ob sa lamesa. Ginulo ko din ang buhok ko dahil may point rin naman ang mga sinasabi ng dalawang 'to.

"Ilang araw ka na lang diyan?" Biglang tanong ni Jenny mayamaya. I gestured them one and three. Nanatili pa rin akong nakaub-ob at naghintay lang sa sasabihin nila.

"Thirteen. So you still have thirteen days to play with him." I heard Jenny suggested. I let out a soft groaned then shook my head.

"I won't play." I told her as I gave them a look. She rolled her eyes. "I can't." Pag-aamin ko.

"Then you don't have a choice but to watch him as he takes your family away from you." Mia interrupted. Nagtaas ako ng tingin sa kanila at umayos ng upo.

"There's no way in hell I'll let him do that." I seriously said. They both smirked like showing whatever I will do, they will win this argument.

"Then do it. Don't let them hurt you." Mia advice. I nodded in instant. Humagikgik naman si Jenny.

"I still have aphrodisiac meds in there. You can use it. You can---"

"Oh God, Jenny. I don't have any plans to have a hot night---"

"Just use protection. And a room!" Pagpuputol pa ni Mia sa sinasabi ko kaya agad kong pinatay ang laptop ko. Huminga ako ng malalim at napahawak sa bandang puso ko.

What the hell?

Aphrodisiac? Anong tingin ni Jenny sa'akin? Walang ganda at pamatay na karisma?

Duh.

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan ng salamin. I'm just wearing a white dress. Manipis pa ito at kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Tumaas ang tingin ko sa mukha ko at napangiti.

"Hot night? Nah, what about...hell night?" I asked myself and smirked.

------

Excited akong naghanda kaya hindi maputol ang ngiti sa labi ko ng bumaba ako. Agad akong napansin ni Ate Vea at napanganga pa ng makita niya ako.

"Oh, good morning sexy. What's your plans for today?" Tanong nito ng nakangiti. Lumapit ako sa kanila at napatingin naman silang lahat sa'kin. Nakita ko ang pagtitig ni Yvette sa'kin mula ulo hanggang paa.

'Ganyan nga gaga. Tignan mo ang sinusubukan mong alisan ng pwesto. Walang-wala ka naman sa kalingkingan ko.' I faked a smile on her.

"Wala naman. Mag-iikot ikot lang ako, ate. Ilang araw ko na lang kasi dito. Plano ko na rin sanang bumalik kina dad after two days." I explained. Nakita ko naman ang pag-angat ng tingin ni Kier sa'akin. I smiled silently.

"Teka, I thought you'll stay here for two weeks. Hindi pa tayo nakakapag-bonding masyado." Reklamo nito sa'kin at sumimangot pa. Tinignan naman niya si kuya para manghingi ng tulong pero bumuntong hininga lang ito.

I smiled again. Ang galing ko talaga. Sige Nadine, drama pa. Payo ko pa sa sarili ko.

"Naku kuya, don't mind me. Busy po kayong lahat kaya okay lang na ako na lang mag-isa ang mag-iikot. Nakakahiya naman kasi kung nanakawin ko pa ang oras ninyo." Medyo pinaringgan ko sina Kier sa huling linya ko. Nagtaas ng tingin sa'kin si Yvette kaya ngumiti ulit ako rito.

"No." Matigas na pagtutol ni kuya. "I can't stand to watch you leave without enjoying your stay here. Besides, your ate is right. We should have a party once in a while. It'll not even cost a lot." Na-touch ako pero mas umakto pa akong parang nagulat para may effect.

Tangina, ang plastic ko naman.

"Really?" I asked in disbelief. kuya nodded so I jumped in excitement then gave him a big hug. Tumawa naman si ate at pumalakpak pa si Nathania.

"You're really the best! Thanks." Thanks for making my plans easier than I planned. I said sweetly. He just nods his head then tapped my shoulders.

"Anything for my smart sister." He answered. Then he looked at Kier. "Cancel all our appointments today. Including Nathania's schedule. We'll going to have a party. Tell all my staffs to do the shifting so all of us can be able to relax." He commanded. Tinignan lang ako saglit ni Kier at saka huminga ng malalim. Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagtayo nito at pagtango sa inuutos ni kuya.

"So, wala kang swimming class today. Pwede mo na ba akong samahan muna para makakuha ako ng mga pictures dito?" I asked Nathania. Nag-isip muna ito saglit pero nakangiti rin siyang tumango. Nabuhayan ako ng loob at napatawa rin.

Pasimple akong sumulyap kay Yvette pero nakatingin lang ito kay Nathania. Ni hindi ko mabasa ang mukha niya.

"Sige, samahan mo 'yang Auntie Nadine mo at baka kidnapin ng mga ibang lalaki dahil ang sexy ng suot niya." Biro ni ste kaya napatawa ako ng mahina.

"Please bring some umbrellas. Huwag mong ibabad sa init ang anak ko." Payo naman ni kuya kaya napatawa ulit ako. Tumango kami ni Nathania at tumayo na. Nagpaalam kami sa kanila ng bumalik ulit si Kier.

"Uncle! Sama ka po sa'min. We'll walk around the resort. Magpi-picture si Auntie kaya kung kasama namin kayo, we can use the service---"

"Baby, kaya kong mag-drive. At busy si Kier, tayo na lang." Putol ko kay Nathania pero nananalangin akong sasama si Kier.

Nathania pouted her lips.

"Mas masaya sana kung tatlo tayo. Uncle knows some of the perfect parts of the resort. Mas madali po kasi kung ganoon." Malungkot na sabi niya sa'amin. Gusto kong yakapin ngayon ang pamangkin ko dahil nakikisama ang gusto niya sa gusto kong mangyari. Ni hindi ko kailangang magdrama dahil ginagawa na niya ito.

Ang galing namang gumawa nina kuya ng Nathania. Pwede pa bang isa pa?

"We'll both discover it, don't worry." I assured her. I glanced at Kier again and he's just looking at Nathania with his hands on his pocket. Yvette's giving us a look too.

Ganyan nga, mainggit ka. Hinila ko na si Nathania ng magsalita na si Kier.

"Wait." He said. "Maybe I should go after Nathania." Pagdedesisyon niya at sumama sa'min. Lihim akong napangiti at nagpasalamat sa itaas. Kahit ginagawa niyang rason si Nathania, alam kong gusto niya naman talagang sumama.

Nice one, Nadie.

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon