Chapter 49

12.1K 283 31
                                    

Chapter 49
Nadine


Days had been passed and things aren't even going better. Mas lalo yatang lumayo ang loob ni daddy sa'akin at hindi rin ako kinakausap ni Kuya Nathan at Apollo. They just give me a look when they see me and that's it. Ni hindi nga nila tinatanong kung kumain na ba ako dahil lagi silang late umuuwi o kaya naman maagang nagpupunta sa opisina nila. Kiyana and I still have communication but I already told her that I can't do it anymore. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko dahil pilit kong isinisiksik ito sa taong kinamumuhian ako.

I know deep down in my heart that my dad's right. Hindi ko dapat pinipilit si Kier dahil kung mahal niya ako, hahanapin niya ako kung sakaling bumalik ang ala-ala nito. He loved me enough and even if I want to compete, I know I still have to let him remember me.

Mahal ako ni Kier. At hihintayin ko din 'yun.


"Move on na, Nadie. At least, sinubukan mong bawiin siya sa pangit na Jillien na 'yun." I told myself while I'm standing in front of my mirror. I smiled sadly then stared at my haggard face. My eyes are still swollen and I just can't help myself from crying every night. It still hurts. Really hurts.



Bumuga ako ng hangin. "Huwag ka ng umiyak. Kaya mo 'yan. Matapang ka 'dba? Ikaw pa." Mahinang bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ko ulit ang maiyak at tinatapik ang pisngi ko.



I wiped my tears away then tapped my cheeks. I need to talk to my dad again. Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto.

"Sweetheart, do you need anything?" Bungad ni mommy ng makalabas ako kaya pilit akong ngumiti at napatingin sa paligid.


"Just want to try to talk to dad, again." I told her. She gave me a warm smile then walk towards me. She held my hands then squeezed it lightly. Hinila niya ako papunta sa couch at sabay kaming naupo doon. She pinned the stubborn hair stands at the back of my hair that's covering my face.


She sighed.

"Kakaalis lang niya kasama ang kuya mo at ni Apollo. They're going to a business meeting." She explained. Napatango na lang ako at natahimik. Tila naramdaman din ni Mommy ang lungkot ko kaya hinawakan nito ang mukha ko.



"Don't mind them, sweetie. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa mo pero sa bandang huli, alam mong lumaban ka." She cheered me up. "And now you still need to fight. Not for his love but for yourself, to save you from drowning." She added then gave me a hug. I didn't miss the chance to hug my Mommy back.



"Thank you so much, mommy." I told her sweetly. "But I'm still hoping that one day, Kier will recognize me again. That he'll look at me in the eye with so much love just like before." Hindi ko mapigilang hindi sabihin rito. Naramdaman ko ulit ang pangingilid ng mga luha ko kaya tinigil ko muna ang pagsasalita.


"Nadie, kung totoo 'yung nararamdaman niya, babalik at babalik siya sa'yo. Look at me and Austin." Ate Lily walks towards us and smiled. Kumalas ako kay mommy at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Binalingan kong muli ang kapatid ko at nagkibit balikat lang siya.



"Five years of waiting isn't pretty good but at least, we still made it." She smiled proudly. Tumango naman ako at napangiti lang ng bahagya. Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.



"Baby, I already talked to Kuya Nathan. Masakit lang ang loob noon dahil siya ang tumulong kay Kier nang walang-wala ito. Hindi niya lang matanggap na hindi ka niya naprotektahan kagaya ko. Just let him clear his mind as well as with daddy. Masakit sa puso kasi kapag sila ang magsalita at magalit. Sobrang sakit." She smiled like she's remembering what happened to her too.


I just nodded then faked a smile.


I guess moving forward is my only choice now. Hindi ko naman pwedeng kulitin ulit si Kier dahil pamilya ko naman ang masasaktan ko. Mahal ko si Kier at alam kong mahal niya ako. Alam kong hahanapin niya ako. At magtititwala ako doon.

Doon ang kakapitan ko mula ngayon. At doon ako hahawak sa pagmamahal niya, 'yung siya bago pa man ito mawalan ng alaala. At sana lang, maalala niya ako bago pa ako mapagod at sumuko.

-----

"Mom! Where's my perfume?" Crishaine shouted as she looks for her perfume. Inaasikaso ni Ate Lily ang bunso nila kaya nagprisinta akong lumapit kay Shaine pero bago pa ako makatulong ay nahanap na niya ang pabango niya at ini-spray sa katawan niya.



"So sweet." Maarte niyang sabi sa kanyang sarili. Napangiti ako dahil 'yun ang pabangong ibinigay ko sa kanya noon. She loves perfumes that why I spoil her with those. I helped her with her things then we both walk together to Nathania's.



Sakto namang palabas ito ng kanyang kwarto. Ngumiti ito pagkakita niya sa amin ni Shaine at lalapit na sana nang parang pumasok sa ilong ko ang amoy ng pabango nito na kumalat sa buong kwarto nito. Agad akong napahawak sa bibig ko at tinakbo ang kanyang banyo. Napamura ako dahil parang hinahalukay ang tiyan ko.


"Auntie Nadie!" Sabay nilang sigaw at sinundan ako. Nakarinig rin ako ng papalapit na mga yapak kaya alam kung sina mommy ang sumugod.


"What happened?" Nag-aalala nilang tanong. I washed my mouth then face them. Napakapit rin ako sa pinto dahil parang manghihina ako.


"I don't know. Naamoy ko 'yung malakas na pabango ni Nathania." I told them then looked at my little girl. "Are you sure you didn't use it as a bath gel?" I asked her. Nagtataka lang niya akong tinignan at naglakad papunta sa drawer niya. Binuksan niyo ang isang box at bumungad sa'amin ang ilang pirasong bath gel.



"I still have a lot of those, Auntie. And besides, I'm using this one." Itinaas niya ang nasa loob ng bag niya. Ang pabangong ibinigay ko rin sa kanya. Nagtataka ko naman itong tinignan.


"Mabango rin naman 'yan ah. Ba't biglang lumakas ang amoy?" I asked myself when I realized she doesn't even like the strong ones. Nagkibit balikat lang ang mga bata. Tinignan ko naman sina Ate Vea at Ate Lily. Hindi sila nagsasalita pero biglag kumabog ang puso ko dahil sa paraan ng pagtitig nilang dalawa sa mga mata ko.



Kusang gumalaw ang ulo ko para humanap ng kalendaryo. I looked at the dates. It's been two weeks since...


Kusang gumalaw ang mga mata ko at tumingin kay mommy. Parang kanina pa niya ako pinagmamasdan dahil parang alam na nito ang nangyayari sa'akin at lalo na sa katawan ko. She gave me a smile that made my tears fall. Nabitawan ko ang cellphone ko at napaupo sa pinakamalapit na lamesa ni Nathania.


"Mommy..." Tawag ko rito at napalunok na lang.


Kusa kong naalala sina daddy. Hindi ko ito masasabi sa kanila. Si Kier, si Kuya Nathan.


Ano bang gagawin ko sa buhay ko? Anong ginawa ko sa buhay ko?

Love and Desire(#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon