CHAPTER 1: Jerk

9.3K 254 14
                                    

CHAPTER 1: Jerk

Nakaupo si Ella sa car seat ng sasakyan kung saan ang kaniyang kuya na si Zico ang nagmamaneho. Patungo sila ngayon sa Alpha Academy dahil doon na siya mag-aaral kung saan ang gang ng kuya niya ang nagpapatakbo.

"Kuya, bakit ba kailangan kong pumasok sa Alpha Academy? Ano tingin niyo sa akin... gangster?" Galit na tanong ni Ella sa kuya niya.

"Baby sis... Nasa ibang bansa sina mama. Walang mag-aalaga sa 'yo. Kung andun ka sa Alpha Academy, mababantayan kita. Isa pa, it's for your own sake." Sagot ni Zico habang nakatingin sa daan.

Nakatingin si Ella sa bintana at sa mga lugar na nadadaanan nila. "Kuya, kapag ako napahamak... Lagot ka."

"I won't let that happen. Basta huwag kang makulit."

"Hmp!" Humalukipkip si Ella at tumingin ng masama sa kuya niya. 

Natawa lang si Zico sa inasal ng kapatid niya.

"Huwag ka ngang bumusangot. Pumapanget ka. Smile na li'l sis."

Napaisip si Ella. Kuya, how can you smile like that kung alam mo naman na marami kang problema? Such a... aish!

"Malapit na tayo, Ella. Stop pouting."

"Fine."

Bakit nga ba kailangan ko dito mag-aral? Pwede namang home school. Nakakainis.

Kiro... take care of her. Sabi ni Zico sa isip niya habang nakatingin sa nakasimangot na si Ella.

"Wow! Siya ba 'yung kapatid ni Zico? Omo! Ang ganda niya." Sigaw ng isang fan girl ni Zico.

"Oo nga!"

"She's so cool!"

Fan girls...

Medyo naiirita na ang tenga ni Ella dahil magmula ng tumapak siya sa school na ito ay hindi na nagsitigil ang sigawan ng mga babae dito sa hallway. Pati mga lalaki ay halos magsisigaw na rin. Kaso hindi nagawa dahil 'yung tingin ni Zico... anytime ay tila ba aatakihin niya ang sinumang gumalaw sa kapatid niya.

"Kuya saan tayo pupunta?"

"Sa headquarters. Papakilala kita sa Alpha Gang."

Pagkasabi ni Zico 'non ay parang tumigil ang mundo niya. Nawala siya sa tamang pag-iisip. Hindi siya makagalaw. Gusto niyang bumalik, gusto niyang tumakbo. Pero hindi niya magawa.

"Ella. C'mon!" Sigaw ni Zico na binuksan na ang isang pintuan nang kwarto at pumasok doon.

Habang papasok ng headquarters ay parang mawawalan ng ulirat si Ella. Sobrang gwapo ng anim na lalaking nasa harapan niya! Kaso isang tanong lang ang nasa isip niya.

May puso ba sila?

Gangsters are supposed to be reckless, scary, and violent. That's the stereotype.

"Ella, ang Alpha Gang... Guys, si Ella, kapatid ko."

"H-Hi." Si Ella.

"Guys, magpakilala kayo!" Sigaw ni Zico sa anim.

"Hi Ella. I'm the leader, Mark."

"I'm Ethan! Ang pinakagwapo sa Alpha!" Sabay tawa. Binatukan nina Giro, Ron, at Zico si Ethan dahil sa biro nito. "Peace na tayo!"

"Ron."

"Living stone talaga!" Sigaw ni Ethan habang kumakain ng fries sa gilid. "Wala na bang ikalalamig pa?"

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon