CHAPTER 36: Plan

1.7K 58 0
                                    

CHAPTER 36: Plan

Tahimik lang na nakaupo si Ella sa gilid nang kanyang kama habang nakahawak sa susi na ibinigay sa kanya ni Kiro.

Ginawa niya na itong kwintas at lagi niyang sinusuot. Hindi man halata dahil laging natatakpan ng kanyang damit.

"Kinakabahan ako. Buti na lang dala ko 'yung baril ko..."

Kinakabahan man si Ella ay mas lalo siyang natatakot. Paano na lang kung malaman ni Kiro ang pinaplano niya? Paano na lamang kung magalit si Kiro?

"Basta ako. Gagawin ko ang lahat ng kakayanin ko."

Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon. Nakita niya si Kiro na lunalapit sa kanya kaya naman itinago na niya ang susi sa kanyang damit.

"Kiro..." Sambit ni Ella ng tumabi si Kiro sa gilid niya.

"Wow parang first time mo lang akong tinawag sa pangalan ko ah? Lagi ka kasing gangster ng gangster." Natatawang sabi ni Kiro kaya naman napasimangot na lamang si Ella.

"Hindi kaya! Atsaka trip ko bakit?" Nakangisi niyang sabi.

"Hindi mo pa rin gets ang ibig sabihin ng I is less than 3 u? Ang slow mo talaga." Sambit ni Kiro at ginulo ang buhok ni Ella.

Sinamaan naman ng tingin ni Ella si Kiro.

"Hindi ako slow. Atsaka pake ko ba sa ibig sabihin 'non?" Natatawang sabi ni Ella.

"Dapat lang talaga na may pake ka kasi mahal kita." Nakangising sabi ni Kiro kaya naman hinampas siya ng mahina ni Ella.

"Ang landi mo Kiro!" Natatawa niyang sabi.

"Mahal mo ba ako?" Biglaan tanong ni Kiro kaya naman nanlaki ang mata ni Ella.

"B-Bakit mo naman natanong 'yan?" Tanong ni Ella kay Kiro.

"Ano k-kasi... hindi ka pa nag-I love you sa akin?" Alanganin na sagot ni Kiro kaya naman napangiti si Ella.

"Hindi ko naman kailangan na sabihin pa 'yun. Action speaks louder than words." Sambit ni Ella. "Pero kung gusto mo talagang marinig 'yun... I love you. Okay na?" Natatawang sabi ni Ella kaya naman napangiti si Kiro.

"Thank you."

"Pero trust me Kiro. Mas malaki pa ang gagawin ko para mapatunayan ko na mahal kita." Nakangiting sabi ni Ella kaya naman napatingin sa kanya si Kiro.

"Ang isakripisyo ang buhay ko para sa 'yo." Bulong ni Ella.

"Ha? Anong sabi mo?" Tanong ni Kiro pero umiling lang si Ella.

"Halika na. Hinahanap na nila tayo."

Sabay na silang lumabas ng hotel room at nagikot-ikot. Hindi rin naman nila mahanap ang iba nilang kasama kaya naman nagikot na lang sila sa paligid.

Mag-isa lamang ngayon si Ella dito na nakaupo sa buhangin. Lahat sila ay naglalaro sa dagat at sa buhangin pero siya ay tahimik lang dito habang pinagmamasdan sila.

Bukas na ang huling araw nila dito sa resort at tinotodo na nila ang saya nila dito.

Kailangan ko nang magplano.

Napaisip si Ella.

"Kailangan ko silang maunahan sa plano nila. Hindi pwedeng madamay dito sina Kuya." Sambit niya sa kanyang sarili.

Buti na lamang at lagi niyang dala ang kanyang mga baril at punyal. Ngunit, nakatago ito sa belt niya.

Hindi naman siya masyadong halata. At maganda ito kapag emergency na.

"Ano ba Ethan! Ang hilig mong mang-asar!" Sigaw ni Ella kay Ethan dahil winisikan niya ito ng tubig.

Nagpeace sign naman si Ethan kaya naman mas lalong naasar si Ella pero hinayaan niya lamang ito.

"Hays Ethan, kaya hindi ka nagkakagirlfriend e." Bulong niya.

Napatingin naman siya kayna Hannah at Ron na parehas na natutulog sa buhangin.

"Yung swaeg couple naman dun. Akala mo walang problema e." Naasar niyang sabi kaya naman napangisi na lamang siya.

"Sige. Alam ko nang gagawin ko. Nakakaasar kasi ang hirap magtago ng problema." Napatingin siya kay Kiro at nginitian niya ito.

"Sali ako!"

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon