CHAPTER 11: War

2.7K 90 8
                                    

CHAPTER 11: War

"Sinabi nang huwag e!"

Napatakip sa kanyang tenga si Ella dahil sa lakas ng sigaw ni Ron. Sinamaan niya rin ito ng tingin pagkatapos. "Tch. Ang ingay mo!"

Tinignan siya ni Ron atsaka ito nag-straight face. "Tch."

Hindi na lang ito pinansin ni Ella atsaka itinuloy ang kanyang practice. Wala ngayon si Kiro kaya nagtataka siya kung nasaan na ang gangster na iyon.

"Ethan! Nakita mo ba si gangster?" Napakunot ang noo ni Ethan sa tanong ni Ella. 

"Sinong gangster?"

Napabuntong-hininga na lamang si Ella atsaka nagsalita ulit. "Si Kiro! Yung gangster! Asan na?" Pagtingin niya kay Ethan nakatingin ito sa kanya.

"AyieHinahanap niya." Asar sa kanya ni Ethan.

Inirapan niya lang ito at binuksan ang pintuan ng practice room. "Hindi ko siya hinahanap! Sadyang medyo nainibago lang ako na wala siya."

Iyon ang huling sinabi ni Ella bago siya tuluyang umalis ng practice room. Habang si Ethan naman ay lihim na napangiti. "E 'di ikaw na maswerte, Kiro!"

Si Zico naman...

Nakatingin lamang si Zico sa ulap mula dito sa rooftop ng AHQ, sa bahay nina Kiro. Gabi na at medyo mahangin. Good thing he wore his jacket.

"Ang ulap, parang si Athena... Madalas nand'yan, minsan wala."

Napatingin siya sa kanyang kamay. "Kailan ko kaya mararanasan na hawakan ang kamay niya?"

Natawa na lamang siya sa kanyang sarili. He can't believe that he's talking to himself right now.

"Zico!"

Napatingin siya sa tumawag ng kanyang pangalan. Nakita niya si Kiro na nasa likuran niya at nakasandal sa pader malapit sa pintuan habang nakabulsa ang mga kamay.

"Oh?"

Nilapitan siya ni Kiro atsaka inakbayan. Dahil medyo mas matangkad si Kiro kay Zico ay naabot niya ito.

"Magpapaalam lang sana ako."

Tiningnan siya ni Zico at kumunot ang noo nito. "Anong magpapaalam ka?"

Inalis ni Kiro ang pagkaka-akbay niya kay Zico atsaka ngumisi. "Huwag kang magagalit. Pero..."

Zico frowned. "Bilisan mo na nga! Ang daming arte, e."

Tiningnan siya ni Kiro at ngumiti ng nakakaloko. "Magpapaalam sana ako... Liligawan ko ang prinsesa ng ALPHA."

Dahil sa narinig ni Zico ay gulat siyang lumingon kay Kiro. "Seryoso ka ba?!"

Nagkibit balikat si Kiro at tiningnan siya ng masama. "Mukha ba akong nagloloko?"

"Huwag mo siyang sasaktan... Tsk tsk."

Tiningnan siya ni Kiro at sinuntok ng mahina sa braso. "Parang labag pa sa kalooban mo." Asar niya kay Zico. 

"Umayos ka na. Baka magbago pa ang isip kong gangster ka."

Tumango-tango na lamang si Kiro atsaka tuluyan ng umalis. "Ang gangster talaga kapag nagmahal... Kapag ang gangster nagmahal gagawin niya ang lahat para sa prinsesang iniibig niya."

Ngunit sa panig naman ng kalaban...

"Umayos ka nga! Babatukan talaga kita." Napangisi na lamang si Gon sa sinabi ni Mike sa kanya.

"Hindi pa pala ako nakikita ng prinsesa, pero sabi niya ay narinig na daw niya ang pangalan ko."

Natawa si JC sa sinabi ni Gon. At pumalakpak naman ang iba. "E 'di mas maganda. Kapag nalaman ito nina Kiro, mas lalo silang magagalit at alam mo na ang kasunod."

Tumango si Gon atsaka sinalo ang baril na ibinato sa kanya ni Lei. "Thanks."

Pumwesto na siya sa harap ng target. Nagsuot siya ng earpiece atsaka isinuot ang salamin.

"Love sucks."

Binaril niya ang target at lumagpas ito. Lumabas pa sa board. Umulit siya at kinasa niya ang baril.

"Killing two birds of the same feathers all at once... With the most powerful weapon of all..."

Pumwesto muna siya bago tuluyan na ulit na magsalita. "Love."

Kasabay ng pagsabi niya ay ang pagkalas at pagtama ng bala ng baril sa mismong target.

Tinanggal na niya ang pantakip sa tenga at sa mata. Agad naman na nagpalakpakan sina JC sa gilid at hinampas pa sa likod si Gon bilang tanda ng pag congratulate.

"Magaling." Mike

"You're improving." JC.

"Salamat. Basta para sa SUPREME." Si Gon.

Agad na napangisi si JC at nagsalita. "So, we'll be expecting a lot about your plan. Huwag ka lang papalpak kung ayaw mong matigok."

Tumango na lamang si Gon at umalis sa lugar na 'yun. Dumiretso siya sa sementeryo at tiningnan ang isang puntod.

"Mamatay na ang anak niyo. Hintayin niyo siya dahil sa apoy rin ang bagsak niya tulad ng sa inyo."

Natawa ng mahina si Gon.

"Ang pag-ibig kasi ang pinakamalakas na kahinaan ng anak niyo."

Tinitigan niya ang puntod at agad na tumawa ng mapait. "Katulad na katulad niyo lang siya. How powerful is love that it can make even the strongest host the most weak?"

He smirked. "...And stupid."

Bago pa man siya umalis ay nilingon niya ulit ang puntod at ngumisi.

"The war starts now."

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon