CHAPTER 2: Alpha's Princess

6.6K 185 2
                                    

CHAPTER 2: Alpha's Princess

Tahimik na nakaupo sa upuan niya si Ella. Kanina pa siya inaantok ngunit gusto man niyang matulog ay hindi pwede. Alam niya kasi na mapapagalitan siya ng kuya niya.

"Miss Crest! Are you even listening to what I'm saying?" Sigaw sa kanya ng teacher. Napatingin si Ella sa harap kung saan nakatayo ang teacher at tumango siya.

"I'm sorry ma'am. Go on."

Hindi na lang siya ulit pinansin ng teacher at nagulat silang lahat dahil may isang estudyante ang nag-abot ng isang white card na may nakasulat na ALPHA sa teacher.

"No!" Sigaw ng teacher pagkakita doon sa papel.

Agad na nagsitinginan sa isa't isa at nagbulungan ang mga estudyante. Habang si Ella naman ay walang kaalam alam sa mga nangyayari.

Kinalabit niya ang katabi niya. "Irene, right? Ano ba 'yung pinag-uusapan nila?"

"Hi! Kapag nakakuha ka kasi ng card na katulad nun... Ibig sabihin lagot ka na sa ALPHA."

"What?"

"Oo. Teka, since ako lang naman yung kaibigan mo dito... Gusto mo bestfriends na lang tayo?" Irene asked nicely.

"Sige."

"Panuorin mo ang mangyayari."

Nagulat na lang si Ella dahil biglang pumasok ang grupo ng ALPHA at tiningnan ang teacher. Nakakatakot sila kung makatingin.

"Bakit mo sinigawan ang kapatid ko?" Tanong ni Zico sa teacher na nanginginig na sa sobrang takot.

"Sor-"

"Bakit mo sinaktan ang Alpha's Princess?" Nanlaki at nagulat ang lahat sa narinig. 

Lahat sila ay nakatingin sa nagsalitang si Kiro. Agad silang napatingin kay Ella na nasa pinakalikuran ng klase.

"Hala! Papunta dito si Giro!" Kinalabit pa ni Irene si Ella dahil sa kilig. 

"Crush mo si Giro?" Ani niya at tumango si Irene.

Sasagot pa sana si Ella ngunit bigla siyang hinila nina Zico, Kiro, at Ethan. 

"What the-" Napatingin na lamang si Ella sa kuya niya at sinamaan niya ito ng tingin. "Kuya!"

Binitawan ng ALPHA ang naiinis na si Ella. Hinarap niya ang kanyang kuya. "Bakit niyo 'yun ginawa?!"

Napangisi na lamang si Kiro dahil sa ginawa ni Ella. She's really different... Compared to the other girls.

"Sinigawan ka." Sagot ni Zico.

"Kuya! Kahit na. Normal na 'yun sa mga tao kapag napapagalitan ng teacher nila."

"But you're different." Napataas ang kanang kilay ni Ella dahil sa sinabi ni Zico. 

"Anong different? E isa lang naman akong estudyante dito sa Alpha. At hindi porket kapatid kita ay babantayan mo na ang bawat galaw ko."

"Ella... Basta, pwede bang makinig ka na lang?"

Napabuga ng hangin si Ella dahil sa sobrang inis. Kasabay nito ang pag-ikot ng kanyang mata. Kahit kailan ang kukulit nila. Nakakinis! First day ko pa lang tapos ganito na?

"Ano ba kasing meron sa akin? Kapatid lang naman ako ng isang gangster. 'Yun lang."

Napailing ang lahat. "Hindi 'lang' 'yun, Ella. Ikaw rin ang Alpha's Princess." 

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon