CHAPTER 25: Rude

1.9K 64 1
                                    

CHAPTER 25: Rude

Walang magawa si Ella kaya naman naisipan na lamang niya na pumunta sa garden ng school.

Medyo may pagkalaki ito kaya naman napakagandang pasyalan.

"May lavender, pwede kayang pumitas?" Kasabay ng kanyang pagsabi ng bagay na iyon ay nakakita siya ng sign.

'PICKING FLOWERS IS NOT ALLOWED. -ALPHA'

Napabuntong hininga na lamang si Ella at akmang aalis na ng biglang may humila ng braso niya. "Aray! Ano ba Kiro?"

Nginisian siya ni Kiro at tiningnan. "Gusto mong pumitas?" Tanong niya kay Ella.

"Bawal kaya." Sagot ni Ella.

"Sige, pumitas ka na. Huwag kang mag-alala, ako bahala."

Tss, favoritism. But oh well. Gusto ko rin naman.

Sa sobrang tuwa ay pinitas ni Ella ang Lavender. Ang pinakapaborito niyang bulaklak.

Tumingin siya kay Kiro na malaki ang ngiti sa mga labi. Palihim naman napangiti si Kiro. "Maganda naman siya kapag nakangiti..."

Tinitigan niya si Ella.

"Tss... Parang bata."

Napatingin sa kanya si Ella at tinignan ng patanong. "Bakit may problema ba? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Ella.

Umiling lamang si Kiro at tinignan ang isang lavender na hawak ni Ella.

"Tsk, sineryoso mo talaga."

Nag-pout na lamang si Ella. "E, sabi mo pwede. Mag-iinarte pa ba ako?" Natawa na lang silang parehas.

"Such a weirdo. Bumalik ka na sa klase at baka gusto mong bigyan pa kita ng detention d'yan." Napapailing na sabi ni Kiro.

Maglalakad na sana pabalik si Ella ng bigla itong tumingin ulit kay Kiro.

"Thank you nga pala, gangster!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo paalis.

Napaisip si Kiro.

She never calls me by my name... She always call me 'gangster'. And she's the only person who can melt my heart like this.

Napatingin siya sa kawalan.

"Ma, pa, siya na po ba? Salamat."

Hindi mo pa nakikita ang totoong ugali ng isang Kiro Minlay, Ella... at hindi ko na papangarapin pa na makita mo dahil alam kong lalayuan mo ako.

"Andito na ang ALPHA!" Sigaw ng mga babae dito sa club.

Nandito ngayon ang buong ALPHA kasama si Ella. Ngayon lang makakapunta sa ganito si Ella. Sa totoo lang ayaw niyang sumama pero pinilit siya ni Zico.

"Hanggang dito ba naman sa labas ng school ay sikat kayo?" Tanong ni Ella.

"Ganon talaga mga gwapo." Asar ni Ethan.

"The confidence!" Sigaw ni Ella.

Umorder na sila. Hindi sila mahilig uminom ng alcholic drinks dahil pumupunta lang sila dito para magpalipas ng oras.

Maya-maya pa ay dumiretso si Ella sa CR. Nagpaalam siya kay Zico na sandali lang siya.

"Hay..."

Pagkalabas niya ng CR ay may isang lalaki na humarang sa kanya.

"Wow, ang ganda mo naman miss. Mag-isa ka lang?"

Hindi iyon pinansin ni Ella at nilagpasan ang lalaki ngunit nahawakan siya nito sa braso at hinila pabalik.

"Miss huwag kang bastos! Kinakausap pa kita."

Tiningnan siya ng masama ni Ella.

"Pwede ba? Ikaw itong bastos! Huwag mo akong hawakan dahil may mga kasama ako!" Sigaw niya sabay sinapak sa mata ang lalaki.

Narinig ng ALPHA ang sigaw ni Ella kaya naman tumakbo sila papunta sa kanya. "Ella anong nang–"

"Anong ginagawa niyo sa boss namin?!" sigaw ng anim na lalaki.

"Binastos niya ako kaya huwag kayong mangelam! Uupakan ko kayo!" sigaw ni Ella.

Napangisi naman ang anim na lalaki at tinignan si Ella. "Ha! Ikaw? Nakakatawa kang magbiro miss. At wala ka pa talagang kasama."

Napangisi si Ella. At kasabay 'non ang pagsalita ni Kiro.

"Bulag ba kayo o sadyang hindi lang gumagamit ng utak? Andito kami."

Napatingin sa kanila ang mga lalaki at nanlaki ang mata. "Kayo a-ang ALPHA..."

"Oo. At ang binastos pa talaga ng boss niyo ang kapatid ko at ang prinsesa ng Alpha."

Doon na tumakbo ang mga lalaki at iniwan ang boss nila.

Lalapit sana si Zico at Kiro sa doon sa lalaki na nang bastos kay Ella pero pinigilan sila ni Giro at Ron.

Nilapitan naman ni Ella ang lalaki.

"Bwisit!" Sambit nito sabay hawak sa ulo niya.

Inapakan naman ni Ella ang tiyan ng lalaki ng madiin. Nanlaki ang mata ng mga ALPHA.

"Ikaw... Hindi ako yung tipo ng babae na mahilig manakit ng tao pero huwag mo akong susubukan. Kapag ako nagalit, hindi mo alam kung saan ka pupulitin." Sabay sipa sa 'you know what' nung lalaki.

Mabilis na umalis doon si Ella at sinundan naman siya ng ALPHA.

"Kuya sa susunod pwede ba na huwag niyo akong dadalhin sa mga lugar na delikado? Tch." Galit na saad pero kalmado na sabi ni Ella.

"Sorry bakit ka ba kasi umaalis?"

"Nagpaalam ako! Atsaka isa pa, kasalanan ko ba na maganda ako?"

Natawa na lamang ang miyembro ng ALPHA bukod kay Kiro na kanina pa tahimik.

I'm scared. I'm scared for you to fly away like a butterfly...

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon