CHAPTER 19: Trouble

2.2K 78 1
                                    

CHAPTER 19: Trouble

"Anong ginagawa mo d'yan?!" Sigaw ni Giro kay Ella na nakasampa sa taas ng puno.

"Shh!" Sagot ni Ella sabay tingin sa paligid mula sa taas ng puno.

"Bumaba ka na d'yan! Kakalabas pa lang ng ospital, e." Naiinis na sabi ni Giro kay Ella.

"Huwag ka kasing maingay!" Naiirita na sabi ni Ella kay Giro.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan, Ella?!" Napatingin silang dalawa kay Kiefer na sumigaw.

Nandito sila sa may likod ng school kaya walang masyadong makakakita. Nagulat si Ella kaya naman muntikan na siyang mahulog. Buti na lamang at napahawak siya sa puno.

"Ella! Ano ba naman kasi ang ginagawa mo d'yan?!" Sigaw parehas nina Giro at Kiefer.

"Trip ko lang! Kita kaya buong view ng school–" Napasigaw na lamang si Ella ng bigla siyang mapabitaw sa puno kaya naman nahulog siya.

"Ella!"

Babagsak na sana siya sa lapag ngunit sa isang malambot siya bumagsak. Dahil nakapikit ang kanyang mata ay binuksan niya ito.

Bigla siyang napatayo dahil nasa ilalim niya si Kiefer.

"S-Sorry... Okay ka lang ba?" Tanong ni Ella kay Kiefer.

Tumango na lamang si Kiefer habang pinapagpag ang kanyang damit sabay tumayo.

"Sa susunod mag-ingat ka." Hahawakan na sana ni Kiefer ang kamay ni Ella pero biglang sumigaw si Giro.

"Hoy!"

Nagulat sila dahil kasabay nang pagsigaw na 'yun ay ang pagputok ng baril.

"What the?!"

Napasandal silang tatlo sa mga puno. Inilabas naman ni Ella ang kanyang baril katulad ni Giro.

Si Kiefer naman ay kumuha ng mga bato at ibinato sa mga pumuputok ng baril.

"Ano ba iyan! Mga kampon 'yan ng SUPREME." Sambit ni Giro.

Tiningnan ni Ella si Kiefer at sinigawan ito. "Tumakbo ka na! Kami na ang bahala dito!"

"Tawagin mo sina Kiro!"

Mabilis naman na tumango si Kiefer at agad na tumakbo para tawagin sina Kiro.

Natatakot man sa mga oras na ito si Ella wala na siyang magagawa kung hindi umatake kung ayaw niyang mamatay.

Tiningnan niya si Giro.

"Giro...okay ka lang?" Tanong niya. Mabilis naman na tumango si Giro at sinilip ang mga kalaban.

"Ella! Takbo papalapit na sila!"

Tatakbo na sana sila ngunit bigla namang dumating ang buong ALPHA.

"Anong nangyayari?!" Sigaw ni Mark.

"Oy! Umaatake yung mga kampon ng SUPREME! Magtago kayo ano ba!" Sigaw ni Giro.

Agad-agad namang humanap ng pagtataguan ang ibang ALPHA at sinimulang makipagbarilan.

Namamangha si Ella dahil sa galing gumamit nang baril ng kanyang kuya pero wala na siya oras para sa ganun.

Napangiwi si Ron ng bigla siyang matamaan ng bala sa kaliwang braso. Napasandal siya dito sa likod ng mga upuan. "Anak ng!"

Pinagbabaril niya ang mga kalaban kaya naman mabilis na naubos ang kanyang mga bala.

"Ano ba Ron! Umayos ka nga!" Sigaw ni Francois.

"RETREAT! RETREAT!" Sigaw ng mga kalaban.

Sa kabilang palad naman ay palihim na naangiti ang lalaking naka-hood na nakatago sa may likod ng garden.

"Mukhang simula palang nahihirapan na kayo?"

Napatawa siya ng mahina at napangisi. Expect the worse to come.

Napatingin ang buong ALPHA kasama na lang si Ella. Marami sa kanialng miyembro ang namatay dahil sa pagbaril ni Ron.

Pare-parehas silang nakahinga ng maluwag. Agad naman nilang nilapitan si Ron na kulang na lang magmura ng magmura dahil sa sobrang sakit.

"Ron dadalhin ka namin sa ospital."

Napatango na lamang si Ron sa sinabi ni Ethan. Sumakay sila sa van at pinagtulungang buhatin nina Kiro, Zico, at Francois si Ron. Si Ethan ang nag-drive.

"Bwisit Monteso! Bilisan mo ang pagmamaneho!" Sigaw ni Ron.

Kanina pa niya sinisigawan si Ethan dahil ang bagal nitong mag-drive. Mamamatay na sa sobrang sakit si Ron siya ay chill na chill lang.

"Ako na lang magmamaneho?" Tanong ni Ella.

"Pre, I still wanna live oy! Bilisan niyo na!" Mabilis na sigaw ni Ethan.

Napatawa na lamang sila dahil sa reaksiyon nito. Nagbibiro lamang naman si Ella para bilisan ni Ethan.

Nakarating silang ospital at agad namang idineretso sa emergency room si Ron.

"Ano ba 'yan. Nung isang araw kakagaling lang natin sa ospital. Tapos ngayon eto na naman.." Sambit ni Mark.

"Syemp're! Tayo pa. Suki kaya tayo dito." Nakangiting sabi ni Ethan.

Pinagbabatukan siya nina Ron, Francois, at Kiro.

"Pasalamat ka wala si Ron ngayon, kung hindi minura ka na 'non. Tch."

"Sabi ko nga..."

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon