CHAPTER 34: Sick

1.8K 63 3
                                    

CHAPTER 34: Sick

Minulat ni Ella ang kanyang mga mata. Napaupo siya, hinawakan ang kanyang ulo at minasahe ito ng dahan-dahan.

"Ang sakit ng ulo ko... Asan ako?" Tanong niya sa sarili niya.

Napatingin na lamang siya sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa si Kiro.

"Gising ka na pala. Kumain ka muna tsaka ka uminom ng gamot." Inilagay ni Kiro ang tray ng pagkain na may gamot sa gilid ng kama ni Ella.

"Sandali asan tayo? Ang sakit ng ulo ko." 

"Nasa resort tayo nina Ethan, andito ka sa kwarto. Hindi namin alam na may lagnat ka pala. Magpahinga ka na para mawala agad 'yan. Lahat sila nasa dagat na." 

Napatingin si Ella sa veranda ng hotel room at napasapo na lang siya sa noo niya.

"Nakakainis. Ngayon pa talaga ako nilagnat." Napapailing na sabi ni Ella.

Nginisian ni Kiro si Ella atsaka nito ginulo ang buhok ni Ella. 

"Kumain ka na d'yan. Babalikan kita mamaya, you need rest."

Napasimangot si Ella.

"Gusto kong magswimming sa dagat!" Sigaw niya ngunit umiling lamang si Kiro.

"Hindi pwede. Magpagaling ka muna." Masama siyang tinignan ni Kiro. "I almost fainted because of worry, you know."

"Kiro!" Maktol ni Ella pero lumabas na ng kwarto si Kiro.

Kumain na si Ella dahil gutom na rin siya. Pagkatapos ay ininom na niya ang dalang gamot ni Kiro kanina.

"Ah! Ang pait!" Sigaw niya habang nilunok ang gamot.

Inilagay niya sa lapag ang tray at humiga ulit.

"Kung kailan talaga gusto kong magsaya, nagkasakit naman ako." Sagot niya.

"Kiro! Asan na si Ella?" Tanong ni Zico kay Kiro na kakarating palang.

"Pinakain ko muna at pinainom ng gamot. Gusto niyang lumangoy, pero pinagpahinga ko nalang." 

Napasimangot lang si Ethan.

"Ang KJ naman ni Ella!" Sigaw niya ngunit binatukan siya ni Francois.

"Baliw ka ba?! Anong KJ? E may sakit na nga yung tao." Asar nito kaya naman tinulak siya ni Ethan.

"Epal ka hyung." Sagot ni Ethan pero hindi na lang ito pinansin ni Francois.

"Magsaya na lang kaya tayo! Ang nega niyo ngayon! Dapat good vibes." Nakangiting sabi ni Giro.

"Alam mo, ikaw na baliw ka... Kawawa si Irene sa 'yo." Sambit ni Mark habang nakapamulsa.

"Kaysa naman sa 'yo. 'Di hamak na mas gwapo ako." Natatawang sigaw ni Giro at nagtatakbo sa tubig para hindi mahabol ni Mark.

"Giro!" Galit na sigaw ni Mark

Napasapo na lang si Kiro sa noo niya.

Mga normal na tao pa ba ang kasama ko?

"Ah..." Minulat ni Ella ang kanyang mga mata.

Kinapa muna niya ang kanyang noo at nang malaman na medyo hindi na ito sobrang mainit ay napangiti siya.

"Yes sa wakas!" Masaya niyang sigaw.

Tanghali na rin nagising si Ella dahil medyo may pampatulog ang gamot na ibinigay sa kanya ni Kiro.

Tatayo pa sana siya pero nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Zico.

"Kuya huwag ka ngang manggugulat!" Sigaw ni Ella atsaka hinawakan ang kanyang dibdib.

"Li'l sis. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Zico.

"Oo. Pwede na akong magswimming!" Masayang sigaw ni Ella.

"Mag-iingat ka ah?"

Tumango na lamang si Ella at nagbihis. Umalis na rin doon si Zico dahil tinatawag na siya ni Athena.

Pagkalabas ng banyo ni Ella ay nakasuot lamang siya ng plain white t-shirt at shorts. Hindi siya mahilig sa mga bikini kaya naman hindi na siya nagdala.

"Ella! Bakit ganyan suot mo?!" Sigaw ni Irene pagkapasok sa kwarto. 

Tinignan lang siya ni Ella. "B-Bakit? May masama ba sa suot ko?" 

"Wala ka ba dalang two piece?" Nanlaki ang mata ni Ella sa tanong ni Irene at umiling. 

"Ano ba 'yan Ella! Wala ka talagang kataste-taste sa fashion!" Naasar na sabi ni Irene at hinalungkat ang closet niya.

"Heto!" Sigaw niya at iniabot kay Ella ang two piece na puti.

"T-Teka Irene–"

"Isusuot mo o hindi ka kakain mamaya?" 

Napasimangot na lamang si Ella.

"Ang sungit mo naman Irene!" Nagkunwaring natatakot si Ella kaya naman parehas silang natawa.

"Gusto ko lang kasing maging maganda ang bestfriend ko. Nga pala, nakita mo na si Kiefer?"

Napayuko si Ella at umiling.

"Baliw talaga 'yun! Napaka misteryoso." Natatawang sigaw ni Irene.

"Pero Ella ano na ang plano niyo? Hindi pa ba kayo sasalakay? Baka mapahamak ka!" Sambit ni Irene.

Napailing si Ella.

"Akong bahala. Poprotektahan ko kayo." Nakangiting sabi ni Ella. "Dahil importante kayo sa akin."

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon