CHAPTER 29: Struck

1.8K 64 0
                                    

CHAPTER 29: Struck

Lumabas si Ella mula sa AHQ dito sa Alpha Academy. Namomroblema siya dahil andaming nagpapadala ng kung ano-anong threats sa kanila. Sa kabila naman ng mga iyon, may mga tao pa ring sumosoporta at kahit papaano, naniniwala sa kanila.

"Kuya–" Bago pa man siya makapagsalita ay nagulat siya dahil may biglang nagtakip ng kanyang mga bibig.

"Manahimik ka..."

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Dahang-dahan na inialis ni Kiro ang kanyang mga kamay sa bibig ni Ella at nagtago sila sa likod ng poste.

"Ano bang meron?" Tanong ni Ella.

Tini.gnan siya ni Kiro.

"Manahimik ka. Mayroong alagad ng SUPREME."

Napatingin sila sa lalaki na umaaligid sa pintuan ng AHQ. Nanlaki ang mga mata ni Ella ng makita si...

"Kiefer?" bulong niya.

Tiningnan niya si Kiro.

"Anong nangyayari? Bakit alagad ng SUPREME? Kaibigan ko siya." Sambit sa kanya ni Ella.

Napangisi si Kiro.

"Kung kaibigan mo siya bakit niya pagtatangkaan na patayin ang buhay mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Ella at maya-maya pa'y nawalan ng malay.

4 hours later...

Napahawak sa kanyang ulo si Ella tska dahan-dahan na dumilat.

"Asan ako?!" Sigaw niya.

"Sa clinic. Nahimatay ka kanina." Napatingin siya kay Kiro na nagbabasa ng libro sa lamesa.

Sinamaan niya ito ng tingin tska napaupo. "Nasan sina kuya?" Tanong niya.

"May mga ginagawa sila. Huwag mong sasabihin kahit kanino yung nakita mo kanina. Magkunwari ka na wala ka pang alam. Dahil papatayin ka nila oras na malaman nila na alam mo na ang tungkol kay Kiefer."

Napatingin na lang ng ano si Ella kay Kiro sabay inalala ang mga nangyari.

"Kiro ayoko dito! Gusto ko nang umuwi. Magpapractice pa ako." Sigaw niya kay Kiro.

"Fine, umuwi ka mag-isa mo."

Nagulat siya dahil bigla na lamang nagwalk-out si Kiro at sinara ng malakas ang pinto.

"Bipolar gangster." Nakangisi na sabi ni Ella.

Bumwelo muna siya ng kaunti bago tuluyan na tumayo mula sa pagkakaupo.

Lumabas na siya ng pinto.

Hindi na niya nakita si Kiro kaya naman naglakad na lang siya at sasakay na sana sa motorbike niya pero...

"Baliw ka ba?!" Sigaw ni Ella.

Nakasakay kasi ngayon si Kiro sa motorbike niya.

"Hindi, baka ikaw?"

Napasigaw na lang si Ella.

Walanghiyang gangster 'to. Napakakulit.

Hindi na lamang niya pinansin si Kiro at naglakad na lang. Papalabas na siya ng gate ng Alpha Academy ngunit biglang hinarang ni Kiro ng motorbike ang kanyang daanan.

"Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Ella.

Napangisi lang si Kiro.

"What's your problem?!"

Nanahimik lang si Kiro at unti-unting tumayo sa motorbike at lumapit kay Ella at bumulong.

"Problema ko?" Tanong ni Kiro. "Problema ko na mahal kita. Problema ko na lagi ako nag-aalala dahil sa'yo. Problema ko na delikado na ang buhay natin. Problema ko..." 

Nagulat si Ella sa mga pinagsasabi ni Kiro kaya naman nanahimik lang siya.

"Problema ko na nahulog na ako sa'yo. And this feelings have no plans to end. No, maybe... they can't end."

Matapos sabihin 'yon ay bahagyang lumayo si Kiro kay Ella at ngumisi ulit.

"Ano masaya ka na? Alam mo na kung ano ang problema ko? Isa pa nga pala." Pahabol na sabi ni Kiro. "Problema ko 'yang kaibigan mong traydor na si Kiefer Sanderson na isa na sa mga karibal ko sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ni Ella.

This is not happening... but it is.

Did he just confessed? Dati rin naman ay ginawa ni Kiro pero mukhang sapilitan iyon. But this time... it's different.

"Uuwi na ako. Bye." Sambit ni Kiro.

Tumalikod na siya at nilagay sa bulsa ang dalawang kamay sabay na naglakad na para bang walang nangyari.

Weirdo na lang tinignan ni Ella ang naglalakad na papalayo na si Kiro.

"Ang weird niya grabe. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?"

Napahawak siya sa dibdib niya.

At napangiti.

"So tama pala sila... Hindi mo maiisip kundi mararamdaman mo na lang ng biglaan."

Agad siyang sumakay sa motorbike at mabilis itong pinaharurot.

"Ang lamig!"

Masaya at nakangiti niyang sigaw.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon