CHAPTER 17: Fight!

2.2K 72 3
                                    

CHAPTER 17: Fight!

Napaupo si Ella. Sa labanan na ito, bawal gumamit ng kahit na anong armas kundi ay disqualified ka. Physical abilities lang kuno.

Sa sobrang lakas ng suntok ni Celestia sa tiyan ni Ella ay napaupo ang dalaga.

Dahil sa nakita, napatayo na ang buong ALPHA. Halata sa mukha nila ang matinding pag-alala para kay Ella.

Kahit si Kiro na lagi na lang nakapokerface at si Ron ay nag-aalala na rin.

"Zico. Kapag hindi nakayanan ni Ella 'yan... may posibilidad na mahimatay siya or worse. Tingnan mo naman ang lagay niya!" Sigaw ni Giro sabay turo kay Ella na nakaupo na at may dugo sa labi.

Napatingin na lang ng seryoso si Zico kay Ella.

"Kaya mo 'yan." He knows that she can do it.

Napatingin si Ella sa gawi nina Zico. Ayaw man niyang mapahiya pero sobra na siyang nasasaktan.

Napatayo siya. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan. Pinahid na rin niya ng kamay ang labi niyang may dugo.

Time to get serious.

"Mukhang kaya mo pa." Nakangising sabi ni Celestia.

Hindi na lang ito pinansin ni Ella. Nakatingin lang siya ng diretso kay Celestia. Nakatayo lang siya at blangko ang ekspresiyon.

"Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, Zico." Sambit ni Ron.

"Seryoso na siya."

Sumugod ng suntok si Celestia na agad namang iniwasan ni Ella.

Kapag si Ella nagseryoso sa isang bagay kahit sabihin mo pa na takot siya. Walang-wala na 'yun.

"Tsk! Lumaban ka! Huwag kang umiwas! Duwag!" Sigaw ni Celestia.

Napangisi na lamang si Ella.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan."

Tiningnan siya ni Celestia at biglang natawa. "Ang katulad mong mahina ay hindi dapat kinatatakutan."

Mahina...

Mahina...

Mahina?

"I'm not weak." Sambit ni Ella at mabilis na sinipa sa tiyan si Celestia. "Huwag na huwag mong sasabihin na mahina ako dahil hindi mo ako kilala!" Sigaw niya sabay suntok sa mukha ni Celestia.

Napahiga sa lapag si Celestia at dinaganan siya ni Ella.

"Ang katulad mong mayabang sa apoy dapat ang hantungan." Agad siyang tumayo at inapakan ang tiyan ni Celestia. "Ngayon lang ako nagkaganito. At sa isang walang kwenta pa."

Agad na tumawa si Celestia.

"Mahina ka pala–"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinipa ni Ella ang kanyang mukha. Nagdurugo na ngayon ang labi ni Celestia pati na rin ang ilong nito.

"Mabait ako kung mabait ka sa akin. But expect the worse if you're the opposite. You shouldn't ask for kindness when you're mean."

Bago niya muling sapakin ang mukha ni Celestia at tumalikod.

"1, 2, 3, 4, 5!" Bilang ng emcee. "ALPHA WINS!"

Agad naman na nag-bow si Ella sa crowd at bumalik sa pwesto ng ALPHA.

"E-Ella... paano mo nagawa iyon?" Tanong ni Giro.

Lahat sila ay naweirdohan sa naging ugali ni Ella. Hindi iyon ang Ella na nakilala nila.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon